CHAPTER:41

3 0 0
                                    

Jessie pov:

DAY 3 (7:50 am)

Malapit na magsimula ang klase namin sa major pero hindi pa rin ako nagmadali,ayoko'ng pagpasok ko ulit may masasalubong na naman ako'ng mga bully,mga mapanakit na tao. Pagod na  pagod na ako'ng makipagtalo at makipag-away lalong lalo na sa kaibigan ko tapos ganun lang ang gagawin nya saakin,ang sakit lang sa side na ikaw na nga ang nagtangol ikaw pa ang mali. Ikaw ang kaibigan pero hindi ikaw ang pinili.

"Sya yu'ng friend!"

"Ah,oo!"

Chismis dito chinsmis doon nakakasawa na ri'ng araw-araw mo'ng naririnig ang mga kasinungalingan na sinasabi nila,hindi ko alam pero kahit na naiinis at nagagalit ako ngayon kay Niana hindi ko pa rin maiwasa'ng mag-alala sakanya,hindi ko sya matignan sa mata dahil sa awa sakanya.

Hindi ko alam kung bakit nararanasan namin ang ganito ngayon,ang alam ko lang may rason ang lahat nang nangyayari.

Naglalakad na ako sa hallway at malapit na sa major,nahagip naman ng paningin ko si Sir na teacher namin sa Major kaya agad na nagmadali ako at baka pakuhain nya ako ng pass slip.Pagtapat ko sa pinto,bumungad ang mga tingin saakin pero hindi ko na sila pinansin at tumingin kay sir.

"Dood morning sir,sorry i'm late may i come in?"

"Sige pasok!"

Bago pa ako lumapit sa upuan ko ay nag-bless pa muna ako."God bless you!" Ganito ang ugali nami'ng mga Food pro,magalang.

"Sir, ano po'ng gagawin natin?"tanong ni Diane

"Sir,kailan tayo magpa-practicum?"

"Sir,Mag-I.G.P po muna kung ganun!"

"Wait lang, ang dami nyo nang sinabi wala pa ako'ng nasabi."natatawa'ng usal ni Sir.

"Ano nga ser!"

"Hay naku,kayo talaga masyado kayo'ng excited sa mga activities natin dito sa major,ayaw nyo ba ng discussion?"natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Sir,pakiramdam ko wala'ng I.G.P o Practicum na magaganap ngayo'ng linggo.

"Sir,lagi na lang tayo'ng nagsususlat!"reklamo ni abby na ikina-kunot ng noo ko,demanding ang isa'ng ito. Nawala ang ngiti ko sa labi ng makita si Niana sa peripheral vision ko,nakangiti sya habang nakatingin sa mga nagtatawana'ng mga kaklase namin,hindi mo sya nakikita malungkot dahil sa ngiti nya'ng yun pero nang titigan ko ang mata n'ya do'n ko lang nakita na malungkot pa rin sya. Ako rin naman ay malungkot pero hindi talaga ini-expect na ganun ang gagawin nya kaya hindi ko maiwasa'ng maalala ang ginawa nya'ng pagtulak saakin.

"Ok fine,go to your group and plan!"

"Yeeeeeyyyyy!" Agad na nagsilipat ng upuan ang mga kaklase namin,pero ako,nagdadalawa'ng isip na lumapit kay Niana,sya kasi ang leader sa group namin at ako ang assistant. Nahihiya at naiinis ako sakanya.

"Jessie halika na dito!"aya ni Diane.

Isa pa 'toh,ang lakas yayain ako kasi wala nama'ng alam,matagal ko ng napapansin na hindi na sya palakibo katulad nang dati,madalas ko rin sya'ng nakikita tuwing hapon na kasama sila Flora na pumupunta ng park.

"Jess,dito ka!"nakaramdam ako ng paglundan ng puso dahil sa yaya ni Niana saakin,tinatapik nya pa ang upuan na katabi nya at higit sa lahat nakangiti sya'ng nakatingin saakin. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin at isasagot ko.

"H-hindi na,dito nalang ako sa tabi ni Abby!" Unti-unting napalitan ng wala'ng imosyon ang mga ngiti'ng yun ni Niana kaya para'ng nagsisi ako na tinangihan ko sya,pero wala naman na ako'ng magagawa.

Nagsimula'ng magplano ang grupo at mag-suggest ng kung anu-ano ang ia-I.G.P namin.
(I.G.P means Income Generating Project)ito ang madalas nami'ng gawin para may magastos sa mga practicum na gagawin namin para hindi rin namin magastos ang allowance namin.

ISA LANG BANG PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon