Ako ang prinsesang tumakbo palayo
Kasama ang estrangherong kabalyero
Sakay ng itim na kabayo
Tungo sa preskong palasyo.
"Okay ka lang ba d'yan?"
Rio met my gaze on the rear mirror. He's the one who drives my car, while I sat on the backseat. Hindi ko pa kasi kayang mag-drive, bigla-bigla ko pa ring naaalala 'yong nangyari kanina.
His eyes are worried.
Tumango ako at niyakap ang sarili. Sumilip ako sa labas. Madilim na. Ilang oras na ang nakalipas pero nasa akin pa rin ang takot.
"Mabuti na lang talaga at naisip kitang sundan. Hindi kasi ako mapakali kanina, tingin ko talaga may masamang mangyayari sa'yo. Baka ibangga mo bigla ang kotse mo o iba pang worst-case scenarios."
Maliit na ngiti ang sumilay sa labi ko. He's right, at one point, gusto ko na lang ibangga ang kotse.
"Sorry, Ynah," sinsero niyang paumanhin. "May mga nagawa pa siya sa'yo at hindi ako nakarating agad. Traffic din kasi, tapos bigla ka pang nawala sa paningin namin ni manong."
Umiling lang ako. He shouldn't be sorry. Kasalanan ko rin naman kasi nag-park pa ako sa bandang liblib na lugar na 'yon. O kasalanan ko ba talagang may mga taong kriminal, magnanakaw at nagte-take advantage ng mas mahina at walang kalaban-laban?
Pero si Rio... he obtained wounds and bruises when he fought with the criminal.
That old man was handcuffed by police men and said to be brought to jail. We also got back all my belongings that he took from me.
"Wag mo nang intindihin 'tong sugat ko. Maliit na bagay. Hindi na rin naman masakit saka nagamot ko na 'to."
Iniwas ko ang tingin ko. Napansin pala niyang nakatingin ako sa kanya. Bigla siyang marahang tumawa.
Binalik ko ulit ang tingin ko sa daan. Pauwi kami sa apartment unit niya. Siya na ang nag-insist na doon ako dalhin kaysa i-check in ako sa ibang lugar. Pumayag na rin ako dahil wala naman talaga akong pupuntahan at mas mababaliw lang ako kapag mag-isa.
Sa buong hapon, sinama lang ako ni Rio sa trabaho niya. Hindi kasi siya pwedeng um-absent. Doon lang ako nag-stay sa restaurant nila at kumain ng tanghalian at hapunan.
Mabuti nga at wala daw siya munang pasok ngayon sa bar dahil weekday.
Ilang minuto ng biyahe, huminto na ang kotse. Nasa tapat na kami ng apartment building. Wala nang mga taong nakatambay at mga batang naglalaro kagaya kanina, alas-dyis na rin ng gabi.
Naunahan akong lumabas ni Rio at pinagbuksan pa ako ng pinto. Tumitig siya sa akin na inaabangan akong bumaba na ng kotse. Tumingin lang din ako sa kanya, nakaangat ang ulo dahil nakatayo siya at nakaupo ako.
BINABASA MO ANG
Nobela
RomanceWattys Awards 2021 Shortlist! Baguio. Artista na tinitingala... dati. Lalaking nobody pero cutie. Polaroid camera. Late night conversations. Disney princess at knight in shining armor. Road trips. Buhok na green at magasin. Dadalhin by Regine Velasq...