/5/the memory I regret the most

113 15 10
                                    

Ako ang prinsesang may buhok

Na singhaba ng matayog na tore,

Ngayon ay ginupit, pinutol

At kinulayan ng berde.

"Hanggang kailan tayo?" tanong ni Rio sa gitna ng pag-nguya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hanggang kailan tayo?" tanong ni Rio sa gitna ng pag-nguya.

We decided to eat our lunch sa isang park. Medyo crowded at may mga nakaupo sa benches kaya naupo kami sa trunk ng kotse. Kaharap namin ang famous na century old man-made lake— the Burnham Lake.

The green plants and trees, the blue sky, and the colorful swan boats— it is a scenery that gives me a welcome vibe. Rio is correct, Baguio has its own refreshing atmosphere.

Sa ilalim lang kami ng silong ng puno kaya hindi kami nasisinagan masyado ng araw. At hindi sobrang init kahit na tanghaling tapat. Dahil nasa gilid lang kami, dinaraan-daanan lang kami ng mga tao at hindi naman ako napapansin. Minsan, namumukhaan ako pero ako na ang umiwas ng tingin.

"Maybe a month or two," sagot ko sa tanong ni Rio.

"Ganoon lang kabilis?"

"I don't know," I answered slowly. "Wala pa 'kong plano sa buhay."

"Eh 'di uuwi tayo kapag may plano ka na?"

I nodded and hoped that day would come. Sana nga ay mabalik na sa akin ang sigla at motivation na bumangon para sa panibagong araw, kahit iba na ang magiging takbo ng buhay ko.

"Magkano?" bigla kong tanong kay Rio. "Magkano ang bayad ko sa 'yo?"

"Para saan?" takha niyang tanong.

"Para dito, sa pagsama mo sa'kin at sa gagawin mong pagtulong. Sa lahat na."

"Ayan ka na naman sa bayad. Wag na," he rejected.

"I have to," I insisted. "Oras mo ang sinasayang ko, imbis na nasa Manila ka at kumikita ng pera. Consider this trip like a business trip," paliwanag ko.

Umiling-iling na naman si Rio.

I have to think. Ayokong nagkakaroon ng utang na loob. Ayokong magmukhang parang bigla ko na lang hinila si Rio and there is no something in return. Nag-estimate muna ako ng pera kong natitira, bago ako ngumiti at humarap sa kanya.

"Ganito na lang. Lahat ng expenses, it's on me. Mula sa pagkain, sa transient, and anything. I mean, everything."

"Hindi ba parang pabigat na 'ko nyan?" Tumawa siya.

"Don't think like that. You're so negative."

Mukhang wala nang maipoprotesta si Rio. Hindi rin naman labag sa sarili kong loob ang proposal ko. Nakikita ko na nahihiya pa siya, pero wala na rin siyang sinabi hanggang natapos kaming mag-lunch.

NobelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon