/13/ only the two of us

65 13 2
                                    

Ako ang prinsesang isinayaw

sa saliw ng musika

Sa dulo ng mundo,

Sa pag-gising ng araw.

Halos kalahating araw rin ang binyahe namin ni Rio papunta sa dulo ng isla ng Luzon— ang Ilocos Norte

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos kalahating araw rin ang binyahe namin ni Rio papunta sa dulo ng isla ng Luzon— ang Ilocos Norte.

Kahit na napakaganda ng tanawin; kahit na napakasariwa ng hangin na pumapasok sa nakabukas na salamin; at kahit na magkasama kami ni Rio, hindi ko magawang ngumiti.

Noong sinabi ko sa kanya ang biglaan naming pag-alis, hindi niya maintindihan. Wala na kaming oras at kailangan na naming magmadali, 'yon lang ang sinagot ko. Dinagdag ko pa na saka na lang ako mag-e-explain, pagdating na lang sa paroroonan namin. Matapos ang pag-iimpake, pag-aayos at pamamaalam, nagbyahe na kami bago pa lumubog ang araw.

Pansin na pansin ko ang pagtingin-tingin sa akin ni Rio mula pa kanina.

Iniwas ko lang ang tingin. Natulala ako sa labas kung saan hindi pa gising ang araw, nalulunod sa mga iisipin.

Nakaahon lang ako sa lalim ng isipin nang biglang huminto ang sasakyan. Nangunot ang noo ko. Hindi ko pa nagawang magtanong, bumaba si Rio sa kotse. Binuksan niya rin ang pinto sa gilid ko.

Inilibot ko ang mga mata at napansing nasa gitna na kami ng Patapat Viaduct. Did he just make a little detour?

Ngumiti siya sa akin. Lumabas na rin ako mula sa kotse. Tama nga ako, nasa gitna kami ng tulay na walang ibang dumaraang sasakyan. Naka-park ang kotse sa gilid. Umihip ang hangin. Lumakad ako papunta sa harang sa dagat. Narinig ko naman ang yapak ni Rio na sinusundan ako, kasabay ng tunog ng alon na humahampas sa bato.

Binuksan ko ang camera bag na nakasukbit sa akin at inilabas ang Instax.

I captured the immense beauty of an early morning sea breeze.

Tumitig lang kami sa dagat, sa mga alon. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

Akala ko tapos na ang moment namin doon nang bumalik si Rio sa kotse, pero hindi siya mismo pumasok sa loob. Lumapit ako sa kanya nang kaunti para makiusisa. I saw him plugged in his phone on the car's stereo.

"Anong ginagawa mo?" I curiously asked.

"Ginagawa ko? Wala." Ngumisi siya. "Tayo, meron." He playfully winked. A wide smile is still plastered on his face as he offers his right hand in front of me. He bowed, then knelt before me.

"Maaari ba kitang isayaw, binibini?"

My mouth widened in disbelief. "Are you serious? Dito? Sa gitna tayo ng daan?"

"Oo nga, kulit," nakangiti pa ring sagot niya. He winked at me again and pulled me by the hand. Mas lumapit pa kami sa bridge. Sa lakas ng pagkakahila niya at dahil hindi ako handa, I fell on his arms, my face on his broad chest.

NobelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon