Ako ang prinsesang sinagip mo
Paulit-ulit mang pakinggan
Pero heto, tanggapin mo
Ang buong pasasalamat ko.
"Ano kaya tayo ngayon kung 'di natin nakilala ang isa't isa?"
Makabuluhan na naman si Rio. May mga pagkakataon talaga na nagiging seryoso siya at malalim, at ngayong gabi, ang gano'ng version niya ulit ang pinapakita niya sa'kin. Siguro dahil malalim na naman ang gabi? Dahil tahimik lang ang lugar at tanging presensya lang naming dalawa ang nangingibabaw? O dahil umiinom kami ng beer. Pwedeng lahat.
Ano nga ba kami kung hindi naging kami?
Napatungga ako sa bote at pinaguhit ang alcohol sa lalamunan ko bago sumagot.
"Siguro wala ako."
"Bakit naman wala?"
"Kasi patay na 'ko," sagot ko na parang wala lang sa'kin 'yon. Tuloy, napatingin sa'kin si Rio na nakakunot ang noo.
"Maryosep!" komento niya. "Bakit naman patay agad?"
"I was on the verge of giving up my miserable life back then. I was at the point where I don't wanna feel, think and breathe and live," sagot ko. "If you didn't shine your light to my darkest night, I may be dead."
"Eh 'di, malaking tulong pala ako sa 'yo?" ngisi niyang tanong.
"Oo naman. Marami akong natutunan sa 'yo."
"Ano bang mga natutunan 'yan?" Ngumisi siya at tumawa. "Masama ba 'yan o ano. Be specific po tayo."
Tumingin ako sa langit na nabubudburan ng mga kumikinang na bituin.
"Lumaban ako. Natuto ako na ayos lang umiyak at ipakita ang mga sugat mo sa ibang tao. Na-realize ko na masarap din palang maging ordinaryong tao na may simpleng buhay. I appreciated a lot of things: nature, serenity, and myself. Inilapit mo ako sa simbahan at sa Kanya. Nagmahal ako. Nang malaya. Pinalaya mo ako. Lahat ng 'yan dahil sa 'yo, Rio."
Narinig ko ang mahinang tawa ni Rio. Tumungga ulit kami sa alak namin at sabay na natawa.
"Nakakatakot 'yang mga ganyang realizations. Parehas na parehas sa mga napapanood kong movies kung saan maghihiwalay na sila."
Alam kong biro lang dapat 'yon ni Rio, pero hindi ko maiwasan masaktan at damdamin ang sinabi niya.
"Wala naman tayo sa loob ng pelikula. . ."
"Kaya nga mas masakit pa. Walang siguradong happy ending."
Katahimikan. Nabasag 'yon nang matawa si Rio. "Baka lasing lang tayo kaya natin 'to nasasabi."
BINABASA MO ANG
Nobela
RomanceWattys Awards 2021 Shortlist! Baguio. Artista na tinitingala... dati. Lalaking nobody pero cutie. Polaroid camera. Late night conversations. Disney princess at knight in shining armor. Road trips. Buhok na green at magasin. Dadalhin by Regine Velasq...