/17/ this is the first place she will go

81 12 1
                                    

"GOODBYE, Sir Fernandez!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"GOODBYE, Sir Fernandez!"

Natapos na naman ang isang buong maghapon. Maryosep! Nakakaubos talaga ng energy ang magturo sa mga elementary.

Ilang taon rin akong nag-aral. Medyo nagkandaleche-leche. Lalo na para pumasa sa LET. Bawi naman kasi masaya ako, hindi dahil sa narating ko kundi dahil may naging mission at vision na ako sa buhay.

Tatlong taon pa lang ako nagtuturo pero napapamahal na rin ako sa mga estudyante ko. Ang ku-cute nila! Kahit minsan ang gulo, nakakatuwa pa rin.

Matapos kong iligpit ang mga gamit sa table ko ay lumabas na ako ng school. Napatagal nga lang kasi ang dami ko pang kinawayan para magba-bye. Habang nakasakay sa jeep ay hindi ko maiwasang mag-flashback Friday.

Napapangiti ako sa kawalan. May naalala lang. Kwentuhan. Kulitan. Sa kalye at kalsada ng Baguio.

Nang bumalik kami sa Manila para umalis siya, isang buwan lang ako nagtagal doon at napagdesisyunang bumalik na lang dito. Naging malaking tulong ang binigay ni Ynah na pera. Dito na ako nag-boarding house, naging working student, at syempre, nagtrabaho.

Alam ko, matutuwa 'yon si Ynah. Sigurado akong magiging proud siya. Kahit na maliit ang sweldo sa mga teachers, may naipon ako. Kumuha na rin ako ng loan sa bahay. Para kapag nagkita ulit kami, may maayos kaming tutuluyan.

Maryosep. Bukambibig ko na naman siya. Kumakatok na naman siya sa isipan ko. Eh, kailan ko nga ba siya nakalimutan?

Miss ko na siya. Honesto lang.

Buntong-hininga. 'Yon lang naman ang magagawa ko.

Pagkarating ko sa bahay, mabilis lang akong nagpalit at sumalpak sa kama.

Alas-kwatro pa lang naman, may ilang oras pa ako. Kinuha ko ang cellphone. Binuksan ko na rin ang TV para sa. . . background sound? Aba, ewan ko sa sarili ko.

Nang magsawa akong manood ng mga kabaliwan na videos at ng mga Indian na bumubuo ng mga swimming pool sa gubat, ginawa ko na ang isang bagay na dapat hindi ko na gawin pa: i-stalk si Ynah at magbasa ng mga articles about sa kanya.

Quit na siya sa showbiz, matagal na. Hindi na niya itinuloy ang acting at modelling career. Tama lang naman ang naging desisyon niya. Magulo din kasi ang industriyang pinasok niya. At sabi niya nga, gusto na niya ng tahimik at simpleng buhay.

Isa pa, 'di deserve ng mga fans niya ang isang Ynah Salvador. Fake fans! Ako lang ang may lodi sa kanya.

Nabalitaan ko rin na naproseso na ang annulment nilang mag-asawa-- este, hindi na pala. Matagal-tagal ko din sinubaybayan ang mga chismis. Akala ko pagtapos n'on, okay na, pero nangibang-bansa siya ng ilang buwan.

At doon, tuluyan nang natahimik ang media sa pangalan ni Ynah.

May nakita rin akong family picture ng mga Salvador sa Instagram. Nakalagay sa location na nasa Japan sila. Background pa nila ang mga cherry blossoms.

NobelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon