Chapter 03

7 0 0
                                    

Icarus' POV

Why, icarus? Well, based sa myth, he tried to fly but he got too close to the sun that the wax from his wings got melted and he fell from the sky. It explains how my life is so tragic that I also fell apart. Actually, my name is Jayce. Lahat ng sinabi ko kay ryuzaki sa Discord, totoo lahat yun. I've experienced all of that. I'm thankful na nakabalik din ako kaagad doon and met a lot of new people. I had a chance to join the Filo Squad server kasi nag send ng invite yung friend ko. Today, I'm planning to talk to her through audio call. Super bilis ba? Wala din kasi akong magawa eh. My life here is pretty boring. Wala akong kasama dito sa bahay palagi kasi busy silang lahat. School and bahay lang din ako palagi pero sinusubukan kong mag part time job para maka-ipon din. Minessage ko naman agad si ryuzaki. Wala pang hilamos, hindi pa nabangon. Chill muna dahil nakaka tamad gumawa ng mga project ngayon. 

icarus: Pssst, ryuzaki! I just woke up hehehe. 

Inintay ko lang yung reply niya kasi nakita ko namang naka online siya but naka lagay na she's playing COD. Ayoko naman siyang istorbohin. So habang iniintay siya, bumangon na ako at tinapik ko lang yung box na binigay ng bestfriend ko. Hindi ko alam, pero palagi ko na yung ginagawa. Iniisip ko na nandyan lang siya sa tabi ko. Isa sa mga rason kung bakit ako gumigising at nagpapasalamat sa bagong araw. After nun, naghilamos na ako at dumiretso sa kusina. Naisipan kong mag luto ng hotdog at mag fried ng rice. Pagka-hain ko ng pagkain, chineck ko yung phone ko. 

New notification: ryuzaki sent you a message.

ryuzaki: Huy! Good morning? hahaha! Ang ikli naman ng tulog mo. 

icarus: Wala eh, nagigising talaga ako ng maaga kahit puyat ako. 

ryuzaki: Masama talaga yan hahaha! Kakatapos ko lang din mag laro eh. Pahinga muna kasi ayoko masyadong mag-ingay dito dahil patulog na yung mga tao. 

icarus: Hahaha struggle is real talaga. By the way, pwede bang tumawag?

ryuzaki: Audio call lang naman diba? 

icarus: Oo naman, wala pa akong ligo eh hahaha!

ryuzaki: Sige, okay lang naman. 

Hindi ko alam pero bakit ako biglang kinabahan? Dahil ba sa first time kong tatawag sa isang stranger? Pero mabait naman siya, at nasabi ko naman sa kanya lahat ng tinatago kong problema. 

calling ryuzaki... 

"Hello? Are you there?" Ako na una nagsalita kasi alam kong hindi din siya sanay sa mga ganito. 

"Oh hi! Yes, I'm here hahaha!" Hala, bakit ang lalim ng boses? Babae ba to or lalaki? 

"Babae ka ba talaga or lalaki?" Wow, nakaka offend ata yung tanong ko hahaha!

"Hoy icarus! Babae ako, malalim lang talaga boses ko. Marami ngang nagsasabi niyan lalo na kapag naglalaro. Hindi nila alam na babae ako which is okay lang naman." 

"Ay sorry na hahaha! Nga pala, I'm Jayce. Wag mo na akong tawaging icarus. Pero tawagin mo ako nun kapag nasa server tayo."  I'm willing to introduce myself to her. 

"Hi, Jayce! Nice meeting you. I'm Yana. Don't call me Yana din sa server ha? Hahaha! I'll remain anonymous." 


Milana's POV

Nagulat ako nung bigla akong tinanong ni icarus kung pwede ba siyang tumawag. I mean, okay lang naman sa akin kasi wala naman akong ginagawa. Buti naman at okay lang sa kanya na audio call lang kasi I look like trash right now after playing COD for hours. 

Unexpected Internet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon