Milana's POV
So, we just arrived here in the Philippines. We're already at the baggage claim and there's a lot of people in here. Sobrang pagod na ako, mentally and physically. I have to cheer myself up para hindi halata sa kanila. Kita ko naman na pagod din sila byahe pero para kay lola, uuwi kami. Sa dami ng tao dito ngayon sa airport, nahihilo na ako at sobrang bagal lumabas nung mga luggage namin.
"Are you okay, nak?" My mom suddenly asked.
"Yes, mom. Pagod lang talaga." I gave her a small smile.
Almost thirty minutes na kaming naghihintay at ngayon palang lumabas yung mga gamit namin. Tapos mga dalawang oras pa yung byahe namin papuntang Cavite sabi ni dad. Nakuha na namin lahat at lumabas na sa arrival spot. Sabi daw magkikita sa letter G, so pumunta na din agad kami dun. Pagkalabas namin, biglang hiyaw ni mommy which is kinagulat namin ni Dylan.
"Oh my god! It's been a long time, kuya!" Biglang yakap ni mommy kay uncle.
"Eto na ba yung mga anak mo? Dalaga at binata na ha." Niyakap niya din kami kahit hindi ko siya kilala.
"Hello po, ako po si Yana at si Dylan naman yung kapatid ko." Nag mano naman ako sa kanya agad.
"Aba, marunong pala mag tagalog ito at marunong din mag mano. Ako nga pala ang uncle Theo niyo." Natuwa naman sa amin si uncle Theo.
Niyakap din naman ni uncle si daddy at tinulungan niya ilagay yung mga gamit namin sa likod ng sasakyan. Hindi naman daw masyadong traffic kasi hindi naman rush hour. Tinanong din naman kami kung gutom kami or saan namin gustong kumain.
"Diretso uwi nalang tayo, mommy. Para makapag-pahinga tayo." Sabi ko naman kay mommy agad.
We went straight sa Cavite. Specifically, sa Amadeo pa kami nakatira which is malapit sa Tagaytay. I found out na maraming tourist spot doon so sulit nga talaga yung bakasyon namin. Sabi ni uncle, sa Amadeo daw yung pinaka-masarap na kape. Well, I'm a coffee lover so hindi na ako aangal for that. Nakita ko namang tulog ulit si Dylan kaya hinayaan kong humiga siya sa may hita ko. I checked my phone and binuksan ko yung data ko. I'm surprised na it works here at nakakasagap talaga ng signal.
New notification: chanel sent you a message.
New notification: sanjiee sent you a message.
New notification: icarus sent you a message.
Oh, nag message si sanjito pati siya nag message. Hindi niya ba talaga ako kayang lubayan?
chanel: Sis! Message mo ako kapag nasa Pilipinas ka na ha? Don't forget to call me!
ryuzaki: Hey, nasa Philippines na ako and tawagan kita pagka-uwi ko.
Sunod ko naman chineck yung message sakin ni sanjito.
sanjiee: Ryuzaki! Okay lang ba kayo ni icarus? Hindi ko kasi siya ma-contact pero naka idle siya dito sa Discord.
ryuzaki: Why don't you ask him? I don't know him.
Finally, chineck ko naman yung message ni Jayce para sa akin.
icarus: I've been very busy kasi University week na namin and I just wanted to say na I'm sorry. I still feel guilty, I do apologize. I know it's hard to believe but that was my brother. It's a bit complicated.
Okay, he's still lying because he doesn't have a brother. Hindi na ako sumagot pa dahil mas lalo akong mahihirapan. He's sorry but nagawa niya pa din mag sinungaling sa akin. Why can't he just tell me the truth?
![](https://img.wattpad.com/cover/221076961-288-k61780.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Internet Love
Teen FictionIt started when a lost girl created her own dummy account in Facebook. She discovered a lot of things and she met a lot of friends. Crazy little world, she met the guy that made her fall in love. They started as strangers, now he became the big part...