Chapter 06

5 0 0
                                    

Milana's POV

I had so much fun in the Philippines. Super dami kong nagawang memories with the family. We spend a lot of time with lola. Nag outing nga kami sa Batangas and hindi ko ma-explain kung gaano kami ka-saya. The saddest part is babalik na din kami sa states kasi may pasok pa ako and may work pa sila mommy and daddy. Lola was crying nung pag alis namin sa Amadeo. Si uncle Charles, Elijah, at Roxy yung nag hatid sa amin papuntang airport.

"Kelan kayo babalik dito?" Tanong ni Roxy.

"Hindi ko pa alam eh, pero hopefully soon makabalik agad kami." Lungkot kong sabi.

"Nakakalungkot naman, mababawasan yung trio." Simangot naman ni Elijah.

"Babalik naman ako, panigurado sa bakasyon." Ngiti kong sabi sa kanila.

Nakatulog naman si Roxy sa byahe pero ako nakikinig lang sa music. Balak ko kasing matulog nalang sa long flight para hindi nakakainip. Mga ilang oras din yung byahe papuntang airport. Kahit maaga kami umalis, traffic pa din. Hindi talaga nawawala yun kapag nasa Pilipinas ka. Kaya yung mga tao nasanay na sa "Filipino time", yung ilang oras late sa pupuntahan. Nag park na muna si uncle Charles sa may arrival then umakyat nalang kami papuntang departure. Sinamahan naman nila kami mag-dala ng mga gamit namin. Nung papasok na kami, niyakap na namin sila. Umiiyak pa nga si Roxy kasi sabi niya mamimiss niya kami, sinabi ko naman na babalik ako.

"Oh, suotin mo tong bracelet. Pare-pareho tayong may ganito. Binili ko yan nung nag Pink Sisters tayo." Utos ni Elijah.

Yung bracelet, black beads lang tapos may maliit na cross. Galing kami ng Pink Sisters, which is yung simbahan na puno ng madre na puro naka-pink. Nag simba kasi kami doon sandali at nag picture din. Sinuot ko naman agad yung bracelet at pinicturan kami ni mama. Nagpaalam na din kami at pumasok na sa airport. Bukas na yung check-in counter kaya dali-dali naming binigay yung mga luggage namin. We went straight to the immigration tapos boarding gate, yung flight naman namin papuntang China tapos diretso ng California.

"You want some coffee, anak?" Tanong naman ni daddy.

"Yes, sure. Thanks, dad!" Masigla kong sabi sa kanya.

Nakaupo nalang kami dito sa may boarding gate at nagpapalipas oras nalang. Si Dylan naglalaro sa Nintendo Switch niya tapos si mommy, puro FB lang dahil magpo-post na daw siya ng mga picture namin. Chineck ko naman yung phone ko. Hindi niya na ako min-message which is better kasi sinabi nila Roxy sa akin na dapat ko ng i-delete yung contact niya at kung ano-anong bagay na pwedeng magpa-alaala about sa kanya. Binuksan ko yung FB ko, gamit ko pala yung isa kong account. Gumawa kasi ako ng account para ma-search ko si Jayce dati. Pero ngayon, dumami na yung internet friends ko. Hindi ko gamit yung tunay na pangalan ko dito sa account na ito. Walang nakakaalam ng real account ko kaya ang nilagay kong pangalan is 'Nico River'. Nico kasi galing kay Nico Robin from One Piece tapos River kasi Nate River yung english name ni Near from Death Note, Mostly girls yung nakakausap ko, at fan din sila ng IV OF SPADES. Actually, niregaluhan ako ni auntie Claire ng merch nila bago ako umalis sa bahay.

"Here's your coffee, Yana." Abot naman sa akin ni daddy ng isang cup ng kape.

"Thank you, dad." Kindat ko naman sa kanya.

Nag-browse lang ako sa Facebook gamit yung isa kong account. Marami akong friends dito but mostly hindi ko kilala. There's one account that caught my eye. Pangalan niya sa Facebook, Hurley Rivero. I don't know if he's real pero gamit niya yung totoo niyang picture. Not gonna lie, he looks pretty cute and simple. Hindi ko na-realize na friend ko na pala siya kaya pala nasa feed ko palagi. Me being a little detective, I found out na 'in a relationship' siya, kaya I didn't bother to hit him up. I closed my phone and ininom ko nalang yung kape. I already miss the Amadeo-made coffee. Sobrang puro at barako talaga yung kape doon sa bahay ni lola.

Unexpected Internet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon