Milana's POVDays passed and same routine lang kami ni Blair. Ngayon din yung dating nila Roxy kaya sobrang busy na ni mommy. Si Dylan naman sobrang excited niya na makita si Matthew. Pinapapunta ko si Charlotte dito pero umayaw siya, kahit daw bukas nalang para makapag-bonding muna kami ngayong araw. Si daddy, dumiretso na siya sa airport para sunduin sila. Kailangan niyang mag rent ulit ng van kasi maliit lang naman yung kotse namin dito. Sakto lang sa amin. Dalawa naman yung kotse, tig-isa sila mommy but sayang sa gas kung pareho gamit at hindi din naman kami kasya.
New notification: hurley rivero sent you a message.
Lumiliwanag mukha ko kapag may notification na galing kay Blair. Siya lang yung pinaka favorite notification sa lahat.
hurley rivero: have fun, babe!!
nico river: thank you, love! I'm so excited to meet them na :(
hurley rivero: say hi to them for me, okay?
nico river: copy that boss!
hurley rivero: i love you, yana.
nico river: i love you more, blair.
"Tama na yan kaka-text mo. Yung ngiti mo hanggang langit nanaman." Pang-aasar ni mommy.
"Mommy naman eh! Hindi ko naman na maiwasan ngumiti kapag kausap siya eh." Sagot ko.
"Mamaya ka na kiligin diyan at tulungan mo na ako mag-hain dito." Utos niya sa akin.
I'm really excited to meet the whole family again, yung sa side naman ng family ni daddy nasa Nevada, kaya anytime naman pwede kaming bumisita. Balak ata namin bumisita doon ng new year. Pagkatapos namin mag ayos ng pagkain, umakyat muna ako para magbihis. Nag hilamos at nag ayos na din ako ng buhok. Maayos na din naman yung kwarto ko kasi dito matutulog si Roxy at Elijah. Okay lang naman kung siksikan kami, sanay na din naman kami na ganon. Pagkababa ko, andun na pala sila sa sala.
"Sis! It's been a long time!" Niyakap ko naman na agad si Roxy at Elijah.
"Ayan na ang favorite ni nanay." Sabi naman ni uncle Theo.
Nagmano at niyakap ko na din silang lahat. Tuwang-tuwa na naman si lola kasi nakita niya ulit kaming kumpleto. Sobrang dami din nilang dala kasi malaking family naman pero panigurado puro pasalubong yun. Niyaya ko na silang kumain at tinext ko saglit si Blair.
nico river: love!! Andito na sila :) I wish you were here tho :( I love you.
Kumain na din ako at nakipagkwentuhan din sa kanila. First time naman na ganito ka-ingay yung bahay at mas prefer ko ito. Kahit na wala kami sa Pilipinas, kasama lang buong pamilya, it feels like home already. Miski nga kapag kausap ko lang si Blair, feeling ko nasa Pilipinas lang din ako kasi palagi niya din akong kasama sa lahat. Kaya minsan sinasabay ko yung oras namin para naman ma-experience ko din na kasama ko siya.
"Tita, balita ko may boyfriend na tong dalaga niyo?" Banggit ni Elijah.
"Ano ba yan, hot seat nanaman ako." Sabi ko.
"Ay oo, alam naman namin at kilala namin kaya okay lang." Sagot naman ni mommy.
"Alam niyo kumain nalang kayo, at tsaka he's saying hi to yall." I giggled.
"Kausapin natin yan mamaya!" Paga-aya ni Roxy.
I'm also thankful lalo na sa pamilya ko. Kita ko naman na okay lang sa kanila na meron akong boyfriend. Tinanong pa nga ako ni lola about kay Blair. Syempre going back from the start, kinwento ko naman sa kanila. Si Roxy naman tili ng tili, kinikilig ng sobra. Magkakasundo talaga sila Charlotte nito eh. Pagkatapos namin kumain, tinulungan naman ako nitong dalawa para linisin yung mga pinagkainan. Nag mini house tour din kami kasi nirequest ni Roxy para daw gamay niya na yung bahay namin agad. We ended up sa kwarto ko at tabi kami matulog ni Roxy habang si Elijah nasa extra bed.
![](https://img.wattpad.com/cover/221076961-288-k61780.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Internet Love
Teen FictionIt started when a lost girl created her own dummy account in Facebook. She discovered a lot of things and she met a lot of friends. Crazy little world, she met the guy that made her fall in love. They started as strangers, now he became the big part...