Milana's POV
Gaming, streams, and social medias? Nakaka-sawa din pala. What a life I have right now hahaha. Sobrang boring kahit na gaming yung hobby ko, it's no fun anymore. Yes, I'm single and ready to mingle. Just kidding! I'm Milana Santiago and I don't have a life. I'm 16 years old, living in California USA. I was born here but both of my parents were from the Philippines. Nakaka-intindi ako ng Filipino, specifically Tagalog dialect. Hindi ako natuto ng ibang dialect except from that. I'm thankful na bilingual ako kasi talent yun dito sa America. I describe myself as an introvert person. Hindi kasi ako palagi nalabas ng bahay and iisa lang ang friend ko dito, Filipino din siya. Actually, bibisitahin ko siya sa bahay niya kasi sasamahan ko siyang alagaan yung kapatid niya.
"Yana! Bumaba ka na diyan at kumain para maihatid ka na ng daddy mo kay Charlotte." Nanay ko yun, sumisigaw na naman. Filipino mom talaga siya, hindi mo maipagkakaila. Charlotte nga pala name nung best friend ko. Charlotte Tiu. Half Chinese and Half Filipino siya and she's the nicest among the rest.
"Yeah, mom! Ayusin ko lang gamit ko. I'll be down there, just give me a couple of minutes. Thanks!" Actually, naka ayos na gamit ko hahaha! Nilalagay ko lang yung charger ng phone at laptop ko sa bag. Dali-dali na akong bumaba dahil masisigawan na naman ako ng nanay ko.
"Ate, sama po ako sayo. Nabo-boring na ako dito sa bahay eh." Ayan yung kapatid kong makulit na si Dylan. Pero kahit makulit yan, siya pa din ang source of happiness naming pamilya. Eight years old palang siya and sobrang mature na yung pagi-isip niya.
"Next time nalang, baby. Babalik din naman ako mamaya. Sasamahan ko lang si ate Charlotte mo para maalagaan si Cole." Dylan and Cole Sprouse. Ako kasi nag pangalan sa kapatid ko and ganun din si Charlotte. Pero five years old palang si Cole and we planned na yung talaga ipa-pangalan namin sa mga kapatid namin.
Nagluto pala si mommy ng typical Filipino breakfast, yung favorite namin na skinless longganisa na may fried egg and rice. Madami kaming nakain ni Dylan at sobrang nabusog ako. Kinuha ko na yung mga gamit ko at sumabay na kay daddy.
"Baby, magpakabait ka dito sa bahay ha? Kayo lang ni mommy dito. Tawagan kita mamaya para makita mo si Cole." Sinabihan ko lang si Dylan para hindi mahirapan si mommy. Baka kasi hindi ako payagan ni mommy sa susunod kung walang maga-alaga sa makulit na to.
"Opo, ate. Mabait kami ni mommy dito." Kiniss ko na siya at si mommy and nagw-wave lang siya hanggang sa naka alis na kami.
"Dad, I'm just gonna call you if magpapa-sundo ako sa inyo. Most likely naman sila ang maghahatid sa akin pauwi."
"Sige, nak. Basta i-update mo lang kami mamaya ha?" Nag-smile ako kay dad for assurance na everything's gonna be fine.
Tahimik lang ako sa byahe kasi lagi akong nakikinig sa music. Ewan ko ba, parang naging habit ko na yun. It relaxes my mind at the same time. I'm currently listening to 'Your Call' by Secondhand Serenade.
After fifteen minutes later, hindi ko napansin na andito na kami sa tapat ng bahay ni Charlotte. Nag 'thank you' na ako and nagpa-paalam na din ako kay dad. Nag doorbell agad ako sa bahay nila and after ilang minutes, lumabas na si Charlotte at karga niya na si Cole.
"Cole! Namiss ka ni ate Yana!" Bigla ko siyang yinakap nung pagka bukas ng gate ni Charlotte.
"Wow Milana Santiago? Si Cole lang talaga namiss mo? Paano naman ako?" Nag puppy eyes pa sa akin to.
"Automatic na yun no! Pero mas namiss ko talaga si baby Cole." I giggled.
Pagkapasok namin sa bahay, I went straight to her room para ilagay yung gamit ko. Nagpalit na din ako ng damit agad para masamahan ko na silang dalawa sa living room.
BINABASA MO ANG
Unexpected Internet Love
Teen FictionIt started when a lost girl created her own dummy account in Facebook. She discovered a lot of things and she met a lot of friends. Crazy little world, she met the guy that made her fall in love. They started as strangers, now he became the big part...