Flynn's Pov
Bigla akong natauhan ng marinig ang bell at ang biglang pag alis ni Esme kahit hindi pa nagdismiss si mam.Napailing nalang si mam at niligpit ang gamit nya.
"Nakuu ang sungit nya talaga..pasensya kana pogi talagang masungit lang talaga yun hehe." Sabi nung babae na katabi ni Esme sabay abot ng notebook na nasa sahig,sakanya pala yung notebook na tinapon ni Esme.
Tumango lang ako sakanya at sinukbit narin ang bag.
"Okay class dismiss.." tanging sabi lang ni mam saka umalis.
"Flynn tara!" rinig kong tawag ni Vin at umakbay sakin saka ako hinila palabas ng room. Nagpunta nanga kami sa canteen at naupo sa bakanteng mesa. Napatingin naman ako sa paligid nag babakasakaling makita siya kaso yung bakla at yung babae lang naman ang nakita ko.
"Sinong hinahanap mo bro?" tanung ni Derick.
"Wala naman.." agad kong sabi at bumili na ng pagkain.
Esme's Pov
Nasa field ako ngayon katatapos kolang mananghalian kaya tumatambay nalang ako dito wala rin naman kasing masyadong estudyante dito dahil lunch time naman, kaya nakakarelax dagdagan mo pa ng sariwang hangin.
*phone rings*
Inabot ko ang cellphone kong nag iingay ngayon saka walang lingon lingong sinagot ito.
"Oh?" walang buhay kong tanong hindi ako mahilig sumagot ng maayos e nakakatamad kaya.
"Wew wala man lang bang hi or hello jan insan!?" tumaas ang kilay ko ng marinig ang pamilyar na boses ni Matthew.
"Oh anong kailangan mong bakla ka?" sabi ko at ngumisi.
"Sinong bakla?AKO?Aba't sa gwapo kong t---"
"May sasabihin kaba o wala?Mainit ang ulo ko ngayon kaya wag kang dumagdag,ibababa kona to pag---"
"Ehto naman ang sungit sungit.. Pupunta kami sainyo mamaya alam mona makikituloy muna ang gwapo ---"
"K" sagot kolang sakanya at binaba na ang tawag.Wala talaga ako sa mood kaya pasensyahan na yung mabuntonan ko ng inis.
Kailangan kolang ngayon ng-------napatayo ako ng wala sa oras ng makakita ng pamilyar na pigura ng isang babae. Di ako magkakamali alam kong siya yun,sinundan ko siya at tinawag ang pangalan.
"ELISE!!" kitang kita ko ang pagtigil nito saglit ng marinig siguro ang pagtawag ko sakanya bago siya nagpatuloy sa paglakad at ni hindi man lang ito lumingon.
*KRINNGGG*
Malas pa at nagbell na kaya marami ng estudyanteng nagsilabasan sa canteen at nakakasalubong ko ayan tuloy hindi kona siya nakita.