8

0 0 0
                                    


Esme's pov

"Agh---Arayyyy" mahina kong daing.

Ahh puta sakit ng ulo ko! Nakailang beer ba ako kagabi? Tangina naman kasi.

Anong oras naba? Napatingin ako sa sidetable kung saan yung alarm clock nakalagay at depotaaaa! Alas dyis na!!!!!

" Oh shit,late na akooooo!!!!!" sigaw ko at Dali daling pumasok sa banyo.
Limang minuto Lang ata ang ligo ko bago nagbihis at bumaba sa kwarto. Pagkababa ko nakita kong nakaupo si papa sa sopa habang may ginagawa,napalingon naman siya ng makitang tumatakbo akong bumaba sa hagdan.

"Oh anak okay kan---"

"Alis napo ako pa!!!!byeee!!" pagputol ko sa sasabihin na sana ni papa sabay takbo paalis ng bahay.Oh shit,hindi pa ako nakapagsuklay! Gutom at inuuhaw nadin ako! Yan inom pa more self! Ano ka ngayon?!

Pagkarating ko sa paaralan naglakad nalang akong papasok,late naman na ako e bat pa magmadali? Bobo ko talaga,tsss..

Sumaglit muna ako sa cafeteria para bumili ng tubig at sandwich bago dumiretso sa classroom.
Napangiwi nalang ako ng makitang kaunti nalang ang mga estudyanteng naglalakad, nagkibit balikat nalang akong naglakad habang kumakain. Pagkarating sa classroom ingay ng mga kaklase ko ang bumungad sakin na ikinataka ko wala bang klase? Wews mabuti naman!

"Hoy! San si mam?" tawag ko dun sa nerdong kaklase namin na nakatayo sa may pintuan, nakalimutan ko yung name e.

" Makahoy ka naman Esme,may pangalan ako amp. Wala daw si mam absent may emergency e." tumango nalang ako sakanya at tuluyan nangang pumasok sa room.

Didiretso na sana ako sa upuan ko pero napatigil nalang ng makita siya sa upuan ko, nanlamig nalang ako bigla sa nakita.

Si Elise..

Kaklase koba siya? Talaga?

Bigla nalang nabuhay ang katawang lupa ko at parang nagkarera ang puso ko.Shit itinadhana nga siguro ka---

"ESMEEE!!!" pisteng panira. Sinamaan ko ng tingin si Matt na ngayo'y tumayo at palapit na sa pwesto ko.

Nakakuha tuloy kami ng atensyon bwiset! Marami pa namang may alam tungkol samin ni Elise!

Punyemas!
Pagtingin ko sa pwesto niya nakatingin narin siya sakin,oh deym yang tinging iyan nakakahulog!

"HOY Esme! Tabi tayo,inukopa kasi nung bagong transferee yung upuan mo." sabat ni Matt,napa tsk nalang ako at di pinansin ang mga nanonood sabay upo sa likod ni transferee dude na nakatingin din pala sakin.

Sinamaan ko ito ng tingin,
Putcha! Akala niya diko nakalimutan yung nangyare kagabi?! Manyak ampota!
Hah bagay na bagay sakanya yung Isa niyang pasa sa mukha!

Napasimangot ako ng makitang nakipag usap si Elise sakanya.

Wag na wag niyang subukang landiin si Elise.

Makakatikim talaga tohng lalaking to ulit!

-----------------

Flynn's pov

"Flynn pare!"
"Uy!" sagot ko ng bigla nalang may umakbay sakin. Kagulat din tohng si Vin, kabute ata to kung san2 sumusulpot.

"Aga natin ah?" nang aasar niyang sabi na ikinangisi ko at sinikuhan siya na ikinatawa niya at bumitaw sa pag akbay, nahahalata naata ng mga toh.

"Gago!" tangi kong sinabi bago patuloy na naglakad papuntang classroom.

Pagkarating sa room naupo na agad ako sa upuan ko at tumingin sa katabi kong upuan na bakante ngayon.
Kamusta kaya siya? Siguro masakit ulo nun paggising niya Hahaha..

Surprisingly Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon