ERRORS AHEAD
-------------
Flynn's pov"Class dismiss." deklara ni mam na ikinatuwa ng mga kaklase ko. Papatayo palang ako ng bigla nalang padabog na umalis si Esme muntik pa akong matumba ng matulak Niya yung upuan ko. Hanep bad mood si tomboy.
"Are you alright? That girl she's really rude, I wonder bat ko siya pinatulan noon, god she's revolting.." napaayos naman ako ng tayo ng magsalita si Elise, hawak niya pa ang braso ko. Nagsalubong naman ang kilay ko ng marinig ang sinabi nya lalo na yung sa hulihan. Seryoso? May revolting pang nalalaman tong babaeng to e mas nakakadiri nga ang ugali niya sa pinapakita niya ngayon tsk, dahil sa inis winakli ko ang kamay niyang hawak ang braso ko na ikinagulat niya.
"Flynn!" tawag niya sakin, diko siya pinansin at tuloy tuloy na umalis para sundan si Esme. Ng makita siyang pumasok sa isang carenderia sinundan ko namn siya at nag order saglit ng ginataan bago pinuntahan ang table niya.
"Pashare ng table." sabi ko pagkarating sa mesa niya at agad naupo. Gusto Kong matawa ng makita ang naiinis niyang reaksyon pero pinigilan ko nalang Alam ko naiinis to sakin e.
"Ulol kaba? Ang dami daming bakante nakikishare kapa!?" pabalbal niyang sagot na ikinangiti ko, shit ang kyut niya talaga mainis pfftt.
"Sssh, yung bibig mo talaga masama magsalita Kita ng kumakain ka." sagot ko naman na mas lalo atang ikinainis niya.
"Gusto mo bang masapak kang depota ka? Kanina paako inis na inis sayo. Inaasar mo siguro ako ano kasi nasayo na si Elise?! Then sasabihin ko ito sayo wag kang makakampante at makukuha ko rin ulit siya sayo tandaan moyan!" sigaw niya bago tumayo at padabog na umalis, napakamot nalang ako sa pisngi ko ng isigaw niya yun.
Napangiwi paako ng halos lahat ng tao dito ay nagtatakang napapatingin sa gawi ko. Ang laki ng galit nung babaeng Yun sakin haynaku.
Agad akong tumayo para habulin siya, pagkalabas ko aynakita kong lumiko sya sa isang kanto kaya agad ko siyang sinundan.
"Esme!" tawag ko sakanya ngunit tila nagbingi bingihan ata sya. Kikiligin na sana ako kung nagseselos pa siya dahil kay Elise kaso hindi e, kabaliktaran ang sitwasyon nagseselos sya dahil may gusto si Elise sakin anakng.
"Esmeralda!" tawag ko ulit sa pangalan niya na ikinahinto niya't lumingon sa direksyon ko.
Nanlaki ang mata ko ng makitang galit na galit ang matang lumapit siya sakin at agad akong kinwelyuhan.
"Gago ka? Gusto mo talaga masapak ano? Sige pagbibigyan kitang depota ka!" Sigaw niya at inambahan akong suntukin, napapikit nalang ako at hinintay siyang suntukin ako. Kung ito Ang magpapakalma sakanya sige tatanggapin ko--"*Whistle* LQ ba this?"
Napamulat ako ng makarinig ng sumisipol, napahinto rin si Esme sa pag ambang suntukin ako ng may umepal. Pagtingin namin sa kaliwa napakunot ang noo ko ng makitang may kalalakihang lagpas kinse ang nakatingin samin.
Mukha silang addict2, karamihan pa sakanila ay may mga makakapal na tattoo sa braso tapos lahat ata may hawak na dos por dos at kutsilyo.
Shit! Pamilyar na pamilyar sakin yung dalawang lalaki na nasa unahan, sila yung nakasagupa namin ni Elise yung payat at mataba. Kung minamalas kanga naman pota."Long time no see Bata!" bati ni taba saakin at gulat na napatingin kay Esme.
"Uy Esme tingnan monga naman ang pagkakataon pa ang nag tagpo satin ulit." natatawang sabi nung mataba habang nakatingin samin na ikinangisi nung payat. Huh? Kilala nila si Esme?"Oo nga e, plano siguro ng pagkakataon na ilampaso ko ulit yang nangingitim mong mukha." blangkong wika ni Esme na ikinatawa ng taba. Muntik naakong mapahalakhak sa sinabi ni Esme buti nalang napigilan ko.