Esme's pov"INSANNNN!!!"
"Ah shit! ANUBA!" sigaw ko sa gulat ng may dumagan sakin. Potaenang bakla to!
Sinipa ko siya agad dahilan para mahulog siya sa kama ko."Aray ko insan!" daing nya ng mauna yung ulo niyang mahulog. Hinimas ko naman ang likod ko ng sumakit ito.
"Ano ba ginagawa mo dito ha? Punyemas kang bakla ka." sigaw ko, agad naman siyang umatras at nagtago sa sulok.
"Hehehe.. Kasi ano nakita ko kasi si pareng Flynn sa labas e baka---"
"Pake ko sa mang aagaw nayun umalis kananga! Distorbo kang bakla ka kita ng natutulog yung tao" pagputol ko sa sinabi niya at humiga ulit.
"Ang kyut mo talaga insa--"
" Aalis ka o ako magpapaalis sayo!?""Sabi konga aalis naako hehe bye insan love you mwah2 chup2!" sabi nya bago sinara ang pinto.
Napakuyom ang kamao ko ng maalala yung kanina, ugh! Sana pala nagtagal ako sa classroom, ano na Kaya sila ngayon? Sila naba? Niligawan naba ni transferee dude si Elise? Sinagot nya naba? Haysss andaming tanung sa isip ko at.. at.. nakakatakot alamin ang sagot *sigh*
Hindi! Hindi pwedeng magkatuluyan silang dalawa aba'y kala ba nila diko narinig yung usapan nila kanina!?
"Inlove kana nga pare! Iba Nayan! Hahahaha" Sabi ni Glen at inabutan si transferee dude ng tubig. Kinuha niya naman iyon at binuksan.
"Sakin nalang si Elise dre kung ayaw mo sakanya." taas baba ang kilay naman na sabi ni Vin.
"Sayong sayo na dre laakompake." sagot nya tsaka ininom yung tubig.Yun! Gusto nya pero pinamigay niya sa iba ano Yun tanga tangahan?Laru laruan?
Lagot ka talaga sakin Rivera pag may ginawa kang kagaguhan kay Elise!Ng maramdamang hindi naako dinalaw ng antok ay naiinis akong bumangon at lumabas ng kwarto, punyemas na Matt yun istorbo!
"Oi Esmeralda! Saktong sakto handa na ang hapunan dahrling!" Sabi ni Tito Jay na ikinangiwi ko, yak Esmeralda ampots.
"Esme nga po Tito nubayan.." natatawa kong sabi at agad naupo.
"Mmmm! Woah adobong talong!!!! Yan gusto ko sayo Tito! Your dabest!" Biglang sigaw ni Matt na galing pala sa labas at may dala dalang bola.
"Basta gwapo marunong magluto!" taas babang Sabi naman ni Tito.
"Ahysh shcam yan tito! *Ubo* Baket ako gwapo naman pero di marunong magluto ha? You don't have evidence!"
"But I have the rights! And it's a fact that only a cook is handsome!" si Tito. Nyatay bat ba ang ingay nila? Mga wrong grammar pa nakakastress =_=
"I object!" napatingin kaming tatlo sa dumating at sino paba edi si Tito Israel naku2 sasakit ulo ko sakanila sana ngalang dipa dadating si papa disaster talaga resulta---
"Ulol object2 kapa mga tamaders kasi kayong mag ama e BWAHAHAHAH" singit ni papa sabay batok Kay tito na nakasunod lang din pala. Oh diba Ang saya saya
"Waw naman nagsalita ang marunong, bakit marunong kadin ba? Gago muntik mo nangang masunog ang bahay natin noon nung triny mong magluto para kay Bea HAHAHAHAHA LT!" tawang tawa na sabi ni Tito Jay na ikina awkward ng atmosphere, napalingon naman sila sakin ng mapahinto ako sa pagkain. Walang reaksyon kong pinagpatuloy ang pagkain at palihim na bumuntong hininga.
"Ehem, hoy kumain na kayo uubusin ko talaga to pag hindi pa kayo gagalaw Jan!" Pagsira ni Matt sa katahimikan. Binatukan naman siya ni Tito Israel at naupo narin kasunod si papa.