5

4 1 0
                                    


Esme's Pov


"Yah Esme!" napalingon ako ng may tumawag sakin,inismiran ko lang ito ng makitang si transferee dude pala.


Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad,nabigla nalang ako ng humarang ito sa dinaanan ko at ngumisi. Anong kailangan ng higanteng to?


"Umalis kanga dyan paharang harang amputs tabi!" singhal ko.


"Ang init init naman ng ulo mo pare..." feeling close din tohng isang to..


"Wala akong pake..TABI!" sigaw ko at tinulak yung sinasakyan niyang bike paalis kaya napatalon talon siya dahil sa muntik ng pagka outbalance.


Pinagpatuloy ko na nga ang paglalakad at pumunta na sa classroom.


Pagkaupong pagkaupo ko ay sakto namang nagring ang cellphone ko, sinagot ko ito agad at itinapat sa tenga ko.


"INSANNN!"


"Putanginang yan!Hinaan mo ang boses mong hinayupak ka't baka sipain kita pag nakita kita!" sagot ko sakanya ng sigawan ako, anak ng mabibingi ako ng wala sa oras ng lalaking to eh.


"Hehehe pasensya naman... Ba't kasi hindi mo ako ginising?! Edi sabay sana tayo papunta jan sa school!" sabi niya na ikina ekis ulit ng kilay ko.


"Hindi kita responsibilidad uy kaya tumahimik kajan! AT wag na wag mo akong tawaging insan pag nasa school tayo!" sabi ko nalang at ibinaba agad ang tawag.


"Sino kausap mo?" sinamaan ko ng tingin si transferee dude ng magtanong nanaman ito, ang feeling close talaga nito sarap sipain.


"Pake mo?" pabalang kong sagot.


"Ansungit nagtanong lang e." sabi niya at naupo na sa tabi ko. Hindi kona siya pinansin at nakatulala lang akong tumingin sa harap.

"Waahhh sino yan?"

"Another transferee siguroo!"

"kyaaaaah ang hoott!"


Napalingon ako sa pintuan ng magtilian ang mga kiti kiti kong kaklase. Napataas ang kilay ko ng makitang si Matt pala ang pinagkakaguluhan nila,psh anong gwapo sa pinsan kong yan? Gago siguro pwede pa!


Ngumisi si Matt ng magtama ang mata namin,sinamaan ko nalang siya ng tingin at ibinalik ulit ang tingin ko sa harap.


"Psh mas lamang paako ng sampung ligo ng lalaking yan." Rinig kong sabi ng katabi ko na ikinasaltak ko ng palihim.. oo nga mas .lamang siya ng sampung ligo ng kagaguhan kesa kay Matt.


Mga pacool amputs..


Lumapit sakin si Matt at ngumisi sabay kaway sakin na inignora kolang.

Surprisingly Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon