Flynn's Pov
"Sir may bisita po kayo." napalingon ako sa direksyon ni manang Helen ng marinig ang sinabi niya. Pinatay kona ang tv at lumingon ulit ng marinig ang sunod na nagsalita.
"Flynn pare!" napangisi naman ako ng makita kung sino ang dumating.
"Uyy Rick! Kamusta!" sagot ko ng makita si Derick na kasunod ni Manang. Nagmanhug kami at fistbump saglit bago siya umupo at humiga sa sofa, feel at home amputs hindi parin talaga nagbabago tong lalaking to.
"Manang pahatid naman po ng merienda." Sabi ko kay manang Helen na tumango lang.
"Heto mas lalong gumwapo hahaha.. ikaw kamusta ang States? Rinig ko kasi kay mama na dumating nadaw kayo kay dumiretso agad ako dito. Matagal tagal narin nung huli kang umuwi dito sa pinas ah?" tanong niya pabalik.
"Oo nga e biruin mo yun tumangkad kana pala?hahaha"
"Gago! hahaha.. Dito naba kayo titira for good?" tanong niya ulit.
"Oo, tapos narin naman ang divorce paper ni mommy at ng magaling kong ama, from now nagstart narin ng business si mommy ng café bar and so far benta naman.. hindi narin kasi kami umasa sa pera ng matandang yun alam mo naman may sariling pamilya narin yun." Mahaba kong paliwanag at ininom yung kararating lang na juice at cupcake na inilapag ni manang Helen sa round table.
"Oh good to hear that then, mabisita nga ang café bar ng mommy mo't baka bigyan ako ng discount hahaha.." natawa naman ako sa sinabi niya. Gago talaga..
"Ah oo nga pala san ka mag aaral ngayon?"
"Sa Miro University daw, rinig ko kasing kahit public dun maganda daw ang mga facilities ron." Sabi ko na ikinaupo niya ng ayos at tinuro ako.
"Yown oh!Dun din kami nag aaral nina Vin at Glen! Mabuti naman at dun mo naisipan mag aral." Sabi niya sa natutuwang boses at ininom yung juice niya.
"Talagang masisiyahan ka dun maraming magagandang chix dun pare haha" napailing nalang ako sa kalandian niya. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa di na namin namalayang gabi na pala, napahinto lang kami sapag uusap ng magtext na si tita Fie, mama niya na pauwiin nadaw dahil may ipapabili ito at urgent daw, kaya wala na siyang nagawa.
"Sige bro!Kita nalang tayo bukas sa school..ikamusta mo nalang ako kay tita Reg. Bibisita lang daw si mommy dito pag hindi na siya busy."
"Sige2 ingat!" tanging sagot ko nalang at tinanguan siya.
Nanood nalang ako ng balita ng wala naakong magawa at inubos yung pagkain nanasa round table na hindi pala naubos.
Ng sumapit ang 10pm ay siya namang pagkarating ni mommy.
"Oh my gosh Im so stressed.." sabi niya at naupo sa kabilang sopa.
Lumapit lang ako sakanya para magmano sakaniya at naupo rin ulit.
"Hows the cafébar mom?" pangamusta ko sakanya ng makitang mukha nga siyang stress.
"It went well naman, talagang kulang lang tayo sa tauhan if maopen na ang bar sa gabi alam mo naman maraming dumadagsa na kabataan sa gabi. Buti nalang may nag apply kani kaninang umaga kaya napaaga ako ng uwi." Sagot niya atsaka ulit tumayo.
"By the way Im done eating dinner. Matulog ka ng maaga okay?you still have class to attend tomorrow.. Goodnight.." dagdag niya pa sabay halik sa pisnge ko at umakyat na papunta sa silid niya.
Ilang sandali lang din naman ay napagdesisyunan ko naring umakyat papunta sa kwarto ko para matulog.
KINABUKASAN
