Esme's povNanggigigil akong umalis ng cafeteria, habang naglalakad pasimple ko namang sinuntok suntok ang dibdib ko ng bumilis ang tibok nito. Depota anong klaseng pakiramdam to?
Grrr siguro nahighblood lang ako Kay transferee dude kaya ganito naramdaman ko kaya dapat talagang iwasan Yun kung ayaw kong atakehin.Napailing nalang ako at kunot noong naglakad papuntang classroom magpapaalam nalang ako sa pres na aabsent peste lahat ata guro absent ngayon.
Malapit naako sa classroom ng makarinig ng sigawan.
"HINDI AKO BAKLA SA GWAPO KONG TO? MAY SIRA NA SIGURO MATA MO BOY!" hanep ang ingay talaga ng baklang yun dina nahiya.
"SIRAULO KA! HINDI NGA SABI AKO TOMBOY EH! ANO SUNTUKAN NALANG OH!?" hamong sabi ng kausap niya sabay lapit Kay insan. =_= Tss mukhang mga bata tohng mga to.
"SIGE BAH! COME TO DADEH TOMBOY!" Sagot naman ni Matt,wala sana akong plano sirain awayan nila kaso peste Lang haharang harang sila sa daan e.
"HOY Matt!" *Pak*
"ARAYYYY!" sigaw niya ng sapakin siya ni Nerdo, siya yung babaeng mukhang nerdo na boyish na officer namin. Pfft gusto kong matawa sana kaso wag nalang naalala kolang yung kanina =_=
"Shet bakal ata mukha mong bakla ka! Hah! One point sakeeeen whooo!!! Salamat Esme!" natatawang wika ni Nerdo habang iwinisik wisik yung kamay sa hangin(nasaktan ata) bago ako nilagpasan, sakto namang pag alis niya saka na nagbell Tanda na next sub na pero Gaya kanina absent din ang guro.
"MAY ARAW KARIN SAKING TOMBOY KA!!" sigaw ni Matt at tumawa lang naman ang nerdo. Paglingon ko kay insan sinamaan niya ako ng tingin na ikinataas ng kilay ko pfft kung kami Lang tao dito tinawanan Kona tohng baklang to e.
"Ansakit nun tange.." nakangiwi niyang sabi sabay himas ng panga niya.
"Bakla nga tss.." Sabi ko bago siya nilagpasan.
"Dika manlang naawa sakin insan??huhuhu apaka bad dikita bati." nagtatampong Sabi niya. Huminto ako at tumingin sakanya ng naka kunot ang noo. Napanguso naman siya na ikinangiwi ko, yak ang panget ng pinsan ko san Kaya to nagmana.
"Gusto mo?" bigla kong sabi na ikinatigil Niya.
"Ang alin?" nakangiti niyang sabi,kala nya siguro tutulungan ko sya haha.
"Gusto mong sapakin din Kita sa kabila ng mag pantay yang pamumula niyang mukha mo?" agad kong sabi na ikinasimangot niya napailing nalang ako sa ka isip bata niya saka na dumiretso kay pres.
"Oi pres excuse mo ako pag may gurong darating." sabi ko sabay tapik sa braso niya na ikinatango sabay kamot sa batok.
"Sige Esme" tanging sagot ni pres at umiwas Lang ng tingin na ikinakunot ng noo ko, anong problema ng taong to? Tss bahala nga siya Jan muntanga lang.Naglakad naako paalis ng room at dina pinansin si Matt na panay tawag ng pangalan ko.
Nasa hallway naako ng mahagip ng mata ko si Elise, nagningning agad Ang mata ko ng makita siya bago huminto.Papalapit na siya kaya agad kong hinanda ang sarili at babatiin Sana siya kaso paglingon niya sa direksyon ko ay matalim na tingin ang ginawad niya sakin bago inikot ang matang nilagpasan ako.
Napakamot nalang ako sa pisngi ko at napabuntong hininga, ang laki ng galit niya sakin pero bat ganun? hindi ko parin kayang hindi siya mahalin hays.
Umuwi nalang ako pagkatapos nun at pagkauwing pagkauwi ay natulog agad.------
Flynn's pov
Limang araw na ang lumipas simula nung huli naming pag uusap ni Esme dun sa cafeteria at talagang nakakamiss siya ehe.
Hindi ko kasi siya matyempuhan pag may vacant o uwian ewan umiiwas ba siya o talagang ayaw Lang ng pagkakataon na mag usap kami.
