Chapter 1 "Lucas"

1K 2 0
                                    

"Lucas"

maguumpisa ang kwento sa isang matipuno at makisig na lalake na ang pangalan ay lucas, nakatira ito sa isang lugar sa maynila kung saan maraming nagsasabi na marami daw ditong basag ulo lamang ang alam at ito ay sa lugar ng tondo, sa lugar kung saan nakatira si lucas ay palaging may away na ngyayari umaga, gabi, sigawan, batuhan at rambol nang kung sino sinong tao na nakatira sa lugar nila sanay na ang binata sa mga ngyayari sa lugar nila araw araw minsan dahil sa sobrang sana'y na nya sa lugar nila dinadaanan nya na lang ang mga ito na parang walang nakitang nagkakagulo.. pero ang binata ay kilala din sa kanilang lugar sa pagiging basagulero nito, walang kinakatakutan ang binata walang inaadtrasan na kahit anung laban sa galing nito sa pakikipagalaban ay wala pang nakakatalo dito sa kanilang lugar, kaya ang binata ay kinatatakutan din sa lugar nila, pero bukod sa pagiging basagulero nito may itinatago din namang kabutihan ang binata sa kanyang kaibuturan ng kanyang puso.

isang araw sa tapat ng tirahan ni lucas may dalawang lalakeng nagkukwentuhan at tinawag siya nito "oy lucas papasok kana?" tanung nang dalawang lalakeng nakatambay sa tapat ng kanyang bahay sumagot si lucas sa dalawang nakatambay "oo papasok na ako, kayo wala ba kayong pasok?" tanung ni lucas sa dalawang lalakeng nakatambay sa labas ng bahay niya, sumagot ang dalawang lalake "wala pahinga pahinga din kapag may time" sabay nagtawanan ang dalawang lalake, sabay napangiti ang binata sa sinabi ng dalawa at itoy nagpaalam sa dalawang nakatambay "sige dito na ako" at sabay tumango ang dalawang lalake at nagpaalam din sa kanya, isang kargador ang trabaho ng binata sa isang pier sa maynila tagakarga ng kung anu anu, isda gulay, karne at kung anu anu pang mga pwedeng ikarga sa mga sasakyan na pumupunta sa pier para kumuha ng mga ito, minsan nauutusan din siya ng kanyang amo na maging delivery boy para ideliver ang mga inoorder sa kanila na mga goods katulad ng isda, karne at gulay pumupunta siya ng mga palengke at minsan ay sa isang supermarket para magdeliver ng mga ito, dito nakuha ng binata ang pagiging matipuno at makisig ng katawan nito dahil sa mga binubuhat niya at ikinakarga sa mga truck, ito na ang mistulang nagiging gym ng binata sa araw araw na pagpasok nito sa kaniyang pinagtatrabahuhan.

habang naglalakad ang binata palabas sa kanilang lugar nang biglang may lumabas sa isang iskinita di kalayuan sa labasan ng kanilang lugar, nagulat ang binata dahil sa paglabas ng dalawang lalakeng nagaaway, nang dadaanan lang sana ito ng binata ay biglang humarang ulit ito sa dadaanan niya nainis ang binata sa ginagawa nang dalawang lalakeng nagaaway dahil sa ginagawa nito hindi makadaan ang binata sa kanyang nilalakarang daan palabas, nang hindi padin tumitigil ang dalawang lalake sa kanilang ginagawa biglang hinawakan ni lucas sa leeg ang dalawang lalakeng nagaaway at bigla niya itong pinag-untog ang dalawa at nang biglang matauhan ang dalawang lalakeng nagaaway bigla itong huminto nang makita nila si lucas sa harapan nila at ito'y biglang tumiklop na parang bata at sila'y nagsitabi tinignan ito ng masama ng binata at tilang batang nakayuko ang dalawang lalakeng nagaaway nang makalagpas ang binata sa dalawang lalakeng kanina ay nagaaway biglang nagturuan ang dalawang lalake at bumubulong at nagpapatalo pa nang ito'y nilingon ng binata ay biglang tumigil ang dalawa at tumahimik na, maya maya may mga barangay na dumating para damputin ang dalawang lalakeng kanina ay nagaaway, nang maabutan ito ng mga barangay tanod ay tila mga batang nakayuko ito, at napansin nila si lucas na naglalakad palabas ng kanilang lugar, ngumiti ang barangay tanod sa dalawang lalake at ang sabi "anu haharang harang kasi kayo sa dinaraanan kaya yan para tuloy kayong mga batang pinagalitan ng magulang nyo" kumamot sa ulo ang dalawang lalake at maya maya ay isinakay na ito sa kanilang mobile para dalhin sa kanilang station.

pagkarating ni lucas sa kanyang pinagtatrabahuhan agad itong tinawag ng kanyang amo para magdeliver sa mga dati nilang pinagdideliveran, pagkatapos ilagay ang mga gamit niya sa kanyang locker agad itong dumiretso sa opisina ng amo niya, pagpasok sa loob agad na ibinigay ng amo niya ang mga kakailanganin niya sa pagpunta sa pagdideliveran nila ng magiging kasama niya, habang naguusap si lucas at ng kanyang amo may biglang pumasok at sabay bati ng magandang umaga sa dalawa at binati din ito ng ni lucas "magandang umaga din pare bhen". bhen ang pangalan ng lalakeng pumasok at bumati sa dalawa, ito'y matipuno at makisig katulad ni lucas dahil sa trabaho nitong dalawa sa pier na pinapasukan nila matagal nang magkatrabaho ang dalawa sa pier pero nauna lang ng onti si lucas halos magkaedaran lang ang dalawa si lucas ay 29 anyos at si bhen naman ay 28 anyos halos hindi nagkakalayo ang edad ng dalawa, dahil sa tagal na nang dalawa na magkasama sa kanilang trabaho halos magkapatid na ang turingan ng dalawa, pagkatapos ng briefing ng dalawa sa kanilang amo lumabas na ito sa opisina ng amo nila dumiretso ang dalawa sa isang container van na gagamitin nila para sa pagdeliver ng mga goods na dala dala nila at sabay umalis na sa naturang estashiblimento.

The Bodyguard(Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon