Chapter 5 "Tremendous Moment"

216 3 0
                                    

"Tremendous Moment"


pagkarating ng dalawa sa bahay ni noime nakita nang dalawa na maraming mga reporter's ang nasa labas ng tahanan ng dalaga. huminto ang dalawa at nagisip kung san sila dadaan para makapasok sa loob ng bahay ng dalaga nang walang nakakakita sa kanilang dalawa. naisip ng dalaga na sa likod na lang dumaan baka sakaling walang taong nakaabang sa lugar na yun. pinuntahan ng dalawa ng likod na bahay nila noime at pero nang makarating sila dito sa likod ng bahay meron pading mga reporter's na nakaabang para sa paglabas ng ama ng dalaga. pinalibutan na ng mga reporter's ang buong bahay nila bumalik ang dalawa sa lugar kung san sila bumaba sa taxing sinakyan nila sa lugar kung saan hindi sila nakikita ng mga reporter's. nagisip ang dalawa kung paano sila makakapasok sa loob ng bahay ng dalaga na walang nakakakita sa kanila dalawa.

may dumaan na isang babae sa harap nila. nang makita ni lucas ang babaeng dumaan sa harapan nila agad na nakaisip ng paraan ang binata. pinatago muna ni lucas si noime at pinuntahan ni lucas ang babae at kinausap. "miss!" lumingon ang babae na tinawag ni lucas "ako po?" lumapit ang binata dito at kinausap ang babae "miss pwede bang humingi ng favor sayo?" dahil sa gwapo at matipuno ang binata pinagbigyan ito ng babae sa hinihinging pabor ng binata "ano yun?" na tila inaaakit si lucas sa mga tingin niya. nagsalita si lucas "kasi kailangan namin ng isang taong magpapanggap para makapasok yung kaibigan ko jan sa bahay na yan." sumang-ayon naman ang babae sa sinabi ni lucas sa kanya "ah ganun ba? yun lang pala eh. sige!" nang na nakumbinsi na ito ng binata agad nilang pinuntahan si noime na nagtatago sa likod ng isang sasakyan kung saan sila bumaba. kinausap ni lucas ang dalawang dalagang kasama niya at sinabi ang plano niya kung paano makakapasok si noime na walang makakakita sa kanyang mga reporter's. "ganito ang gagawin natin. magpapalit kayo ng damit. kapag nakapagpalit na kayo ng damit. tapos miss sasamahan kita sa likod ng bahay nila noime tapos tatayo ka banda malapit sa palikong daan tapos sisigaw ako tapos kapag nakita ka nila saka tumakbo para kapag hinabol ka nila saka kami lalabas ni noime para pumasok sa loob. gets mo?" tumango ang babae. pagkatapos magpaliwanag ni lucas nagpalit na nang damit ang dalawa.

pagkatapos magpalit ng damit ang dalawa pumunta na ang tatlo sa likuran ng bahay ng dalaga at sinagawa na nila ang plano ni lucas. pumunta ang babae sa sinabi ng binata sa kanya at naghanda na para sa gagawin nilang palabas nang nakahanda na ang babae sumigaw si lucas "OY! DIBA SI NOIME YUN! ANAK NUNG MATANDANG NAKATIRA JAN SA BAHAY NA YAN!" nang marinig ito ng mga reporter's lumingon ito kung san narinig nila ang sumigaw na tao nang makita ng mga reporter's ang nakatayong babae biglang nagsigawan ang mga ito. "OO NGA!" sinenyasan ni lucas na tumakbo na ang babae at sumunod naman ito tumakbo ito sa palikong daan at nagtakbuhan din ang mga reporter's at hinabol ang babaeng tumakbo. dahil sa pagiging kilala ni noime kaya ganon na lang ang paghahangad ng mga reporter's na makausap ito at ang mga magulang nito.

nang hindi na makita ng dalawa ang mga reporter's sa likod ng bahay nila noime lumabas na ito at tumakbo sa gate ng likod bahay ng dalaga. nagdoorbell ang dalaga binuksan ng onti ng isang nagbabantay sa loob para silipin kung sino ang nasa labas nang makita nito kung sino ang nasa labas agad nitong binuksan ang gate at nang papasok ang dalawa biglang pinigilan ng nagbabantay si lucas at tinulak ito palabas. nakita ni noime ang ginawa ng nagbabantay kay lucas at nagsalita ito "HEY! what are you doing?" nagsalita ang nagbabantay "mam sorry but this guy cant enter." sumagot si noime "WHY?" sumagot ulit ang nagbabantay "it's because your dad said that to me. that no one can enter except you only mam noime." si noime "but his my friend." nagbabantay "even if his your friend i only do my work mam. im sorry." nang magsasalita pa sana ang dalaga pinigilan ito ni lucas "sige na noime pumunta kana sa loob at baka hinihintay kana ng magulang mo wag muna ako isipin." tignan ito ni noime na guilty dahil sa ginawa ng tauhan ng kanyang magulang "im sorry lucas." ngumiti si lucas sa sinabi ni noime sa kanya at nagsalita "wala yun wag muna isipin yun ang importante nakauwi kana. kita na lang tayo ulit." sabi niya dito sa dalaga. tumango ang dalaga na parang alam na niya ang sinasabi ng binata sa kanya.

pumasok na ang dalaga. habang onti onting sumasara ang gate, onti onti ding nawawala sa paningin ng binata ang dalaga at sambit sa  sarili niya na sana okey na ito pagkatapos ng mga nangyari sa kanya. nang tuluyan nang sumara ang gate nanatili itong nakatayo at tumingala. pagtapos ng muni muni ng binata ito'y naglakad na at umalis na sa mismong tirahan ng dalaga.

The Bodyguard(Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon