Chapter 10 "Isang Pagsubok"

208 2 0
                                    

"Isang Pagsubok"

pagkatapos makuha ulit ng binata ang loob ng dalaga onti onti nang nagkakaga-angan ulit ng loob ang isat isa. bawat araw na magkasama ang dalawa hindi na nawawala ang ngiti ni noime sa kanyang mga labi. pero isang araw may naisip si noime na isang surpresa kay lucas na talagang ikagugulat nito.

isang araw sa bahay ng dalaga. papasok na si noime sa kanyang trabaho habang papalabas sa kanilang bahay ang dalaga nakangiting binati ito ni lucas ng magandang umaga sa wikang ingles hindi ito pinansin ng dalaga bagkus nagdiretso ito ng sakay sa kanilang sasakyang dalawa. nagtaka si lucas nagisip ulit ang binata kung anu ulit ang problema nito. sumakay si lucas sa kotse pagkasakay sa loob tinanung ang si noime kung meron ba itong problema pero hindi sumagot ang dalaga sa tanong ni lucas. dahil sa tinuring ng dalaga sa binata hindi na ulit ni lucas ang sinabi sa dalaga at siya'y tumahimik na lang din. pagdating sa pinagtatrabahuhan ng dalaga mabilis itong bumaba sa kanilang sinasakyan at mabilis na naglakad paloob ng building hahabulin sana ng tanong ni lucas ang dalaga pero sa bilis nitong maglakad hindi na nagawang magtanong pa ni lucas. pumasok na lang si lucas sa loob ng sasakyan at naghintay na lang sa paguwi nito.

habang naghihintay sa loob ng sasakyan si lucas napansin nitong may lumabas sa loob ng building na isang babae. pagkalingon ng binata nakita niyang si noime ang lumabas sa naturang building na pinagtatrabahuhan ng dalaga at nakita nitong tumakbo ito sa kabilang gilid ng building bumaba si lucas at agad na sinundan ang dalaga para malaman nito kung saan ito pupunta. nang marating niya kung saan tumakbo ang dalaga wala na siyang nakitang bakas ng dalaga sa paligid. tinignan nito ang paligid baka sakaling makita niya lang ito sa paligid pero bigo siya na makita ang presensya ng dalaga. kinabahan si lucas dahil sa nangyayari napahawak ang binata sa kanyang bewang nagiisip kung paanong bigla na lang nawala agad sa mga mata niya si noime nang mapayuko si lucas nakita niya ang sinuot ni noime na bracelet na nahulog sa semento dinampot ito ng binata at napatingin sa kabilang dulo ng building tumayo ito at pinuntahan ang kabilang dulo nang marating ang dulo may nakita siyang isang lalake. pinuntahan niya ito para tanungin. tinanung ang lalake sinagot siya ng lalake na meron isang babaeng tumakbo sa harap niya at dumiretso ito sa bandang dulo ng building ulit pagkasabi ng lalake kay lucas agad nang pinuntahan ulit ni lucas ang dulo ng building at nabigla ang binata sa nakita. at agad siyang tumakbo papunta sa kaniyang nakita. nakita niya ang kanilang sasakyan ay may puno ng pintura na tila binuhusan ito. at may nakita siya isang sulat na nakaipit sa isa nitong wiper kinuha ng binata at agad niya itong binasa.

nabigla si lucas sa kanyang nabasa dahil ang nakalagay sa sulat ay "hawak nila ang dalaga kapag hindi ka sumunod sa mga gusto namin may mangyayari sa kanyang hindi maganda" dahil sa nabasa hindi alam ni lucas kung ano ang unang niyang gagawin nagisip ang binata binasa ulit ni lucas ang sulat at sa bandang huli nito may sinabing isang lugar ang nagsabi at agad niya itong pinuntahan ang lugar na iyon ay hindi kalayuan sa lugar ng pinagtatrabahuhan ng dalaga sinunod ni lucas ang mga instractions sa sulat at nakarating siya dito agad ng walang hirap. nagtaka ang binata wala naman tao sa paligid nang nasabing lugar. isa itong mini garden kung saan laging nagpapalipas ng oras o sama ng loob ang dalaga kapag hindi maganda ang nangyayari sa kanya sa araw araw. luminga linga si lucas maya maya ay may isang taong lumabas sa isang gilid at tinawag siya nito narinig ni lucas ang isang boses babae at agad niyo itong nilingon at nakita niya si noime agad niya itong nilapitan habang papalapit siya dito nakangiti lamang ang dalaga sa kanya at nang makalapit na nang tuluyan si lucas dito niyakap naman ito ng binata nagulat si noime sa ginawa ni lucas sa kanya at nagtanong "are you alright?" sumagot naman si lucas "alam mo bang natakot ako sa ginawa mo?" noime "huh?" tinigil ni lucas ang pagyakap dito ang hinawakan nito ang dalawang braso nito at sinabing "natakot ako alam mo ba yun!?" na parang nagalit sa dalaga. natulala si noime at biglang salita "im sorry if you are afraid for what im doing."

humingi ng paulit ulit na sorry si noime kay lucas dahil sa nangyari at sinabihan ni lucas ang dalaga na huwag na ulit nitong gagawin ang kanyang ginawa pero ang ginawa nito ay ngumiti lang sa kanya at sinabing "that's my first what you called it peg so bok." sabay tumawa ang dalaga sa pagbanggit nang salitang iyon at sabay nagsalita si lucas "pag.. su.. bok.." noime "ok ok its a trial." sabay tumawa ang dalawa ng malakas. pagkatapos magkulitan ng dalawa naisipan na nang binata na ihatid na ang dalaga sa pinagtatrabahuhan nito. habang naglalakad palabas sa lugar kung saan nakita ni lucas si noime magkahawak kamay itong naglalakad nang makalabas na sila biglang may humintong isang van sa harap nilang dalawa at biglang may bumaba na limang malalaking tao at tinutukan silang ng baril ng mga ito at sinabing ibigay ang dalaga sa kanila at para walang masaktan sa kanilang dalawa nang lalaban sana si lucas agad siyang hinampas sa kanyang batok ng baril ng isa sa mga ito. nanghina ang binata at napaluhod nahilo si lucas at habang nakaluhod nakita niyang binitbit si noime ng isa sa mga ito at ipinasok sa sasakyan at nang makita ng isa sa mga lalake na gising padin si lucas binalikan ito at hinampas ulit siya nito ng baril sa kanyang batok at dun na natuluyang mawalan ng malay ang binata. at umalis ng mabilis ang mga dumukot kay noime habang si lucas ay nakahiga at walang malay.

The Bodyguard(Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon