Chapter 11 "Ang Tinatagong Lihim"

192 1 2
                                    

"Ang Tinatagong Lihim"

Pagkatapos ng nang ngyari sa binata, nagising ang binata sa isang establisyimento na puno ng tao at nakatingin ito sa kanya, at napasigaw ito nang "NOIME!!!". pagkatapos magising ang binata, nagulat ito sa kanyang nakita sa kanyang paligid. maraming tao ang nakapalibot sa kanya na tila nag-alala sa nangyari sa kanya. at biglang angtanong ang isang lalake "sir okey ka lang ba?" nang marining ito ni lucas agad itong napalingon sa taong nagtatananong sa kanya na tila nag-alala padin sa kanya at nakita nya ang isang lalakeng nakauniporme. inulit nito ang tanong sa binata "sir! okey ka lang ba!?" sumagot naman si lucas pero iba ang kanyang sagot sa itinanong ng lalake "si noime nakita nyo ba!?" agad na sumagot ang tinatanong na lalake "Oo sir dinala siya nang mga lalakeng nakatakip ang mga mukha." sumagot naman ang binata "nakuha nyo ba ang plate number ng sasakyan?" sumagot ulit ang lalake "hindi sir!. dahil sa bilis ng pangyayari hindi na namin napansin ang plate number ng kanilang sasakyan."

Nagulat ang tinanong na lalake dahil sa bigla nitong pagtayo at agad na lumabas sa establisyimento at ito'y dumiretso sa kanyang sasakyan at walang lingon likod sa mga taong naroroon. at agad na tumalilis ng takbo ang kanyang sinasakyan. pero patuloy padin na nakatingin ang mga tao sa kanyang pagalis na tila nag-alala padin sa nangyari sa kanya.

Pagkadating sa bahay nila noime, agad nitong pinuntahan ang ama para sabihin dito ang nangyari sa kanilang dalawa. sinabi ni lucas ang lahat ng detalye at kung paano nakuha ng mga kidnappers si noime. pagkatapos ikwento ni lucas ang lahat agad nangamba ang matanda sa dalaga. pero imbis na mag-alala ng sobra ang matanda napansin lang ni lucas na parang tila kalmado lamang ang matanda sa nangyayari sa kanila ngayon. tumahimik lamang ang matanda at tila nagiisip ito ng malalim. nang mapansin ito ni lucas nagtanong ito sa matanda "sir may dapat ho ba akong malaman o dapat kayong ipagtapat sakin about sa nangyayari ngayon?" napatingin lamang ang matanda at napabuntong hininga na lang ito. sa pananahimik ng matanda bigla nitong binasag ang katahimikan at sumigaw, tinawag nito ang isang kasambahay at agad may lumipit dito. binulungan ng matanda ang kasambahay at dali dali itong umalis. nagtaka at nagisip si lucas kung ano ang sinabi ng matanda dito.

Maya't maya pa ay dumating na ang kasambahay na may tulak tulak na isang "Wheelchair" na may nakaupong babae dito. payat at tila nanghihina ang isang babae na nakaupo dito. dahil sa nakita ni lucas agad itong nagtanong sa matanda "sir sino siya?" na parang naguguluhan at nalilito. tumugon ang matanda sa tanong ng binata "siya si noime." tumugon ang binata "ha? paano nangyari na siya si noime?" sumagot ulit ang matanda "ang noime na nakakasama mo araw-araw, siya ang matalik na kaibigan ni noime, yun ay si leslie." sumagot ulit si lucas sa mga sinabi ng matanda sa kanya na naguguluhan at nalilito padin. "ha!? maaari ko bang malaman ang lahat lahat ang buong katotohanan sa likod ng mga sinasabi nyo sir!?"

Agad na nagkwento ang matanda lalake kay lucas kung paano nangyari na ang nakakasama niya sa araw-araw ay hindi pla ang tunay na noime, at ikiniwento ng matanda ang about sa pagkakaibigan ng dalawang dalaga at kung paano nangyari ang lahat lahat.

The Bodyguard(Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon