Chapter 2 "Noime"

313 2 0
                                    

"Noime"

lumaki ang dalaga sa amerika sa piling ng kanyang tita. dito ito nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong architecture. dahil ito ang pangarap ng dalaga para sa sarili niya dahil din gusto nitong siya mismo ang gumawa ng sarili niyang plano ng kanyang bahay. nakapagtrabaho at naging successful ang career nito sa mismong bansang pinuntahan. pagkatapos ng magandang buhay sa amerika nakaipon ang dalaga ng malaking halaga at naisip nitong bumalik na lang nang pilipinas para dun na lang ipagpatuloy ang kanyang naging career sa amerika. nagtayo ito ng sariling kumpanya naging successful din ang itinayo nitong kumpanya at naging kilala sa buong bansa.

naging kilala ang dalaga sa pagiging masipag nito at dedicated sa trabaho, nakilala din ang dalaga sa pagiging masungit, mataray at pagiging inglisera nito sa lahat ng oras. dahil sa ugali nyang iyon binansagan siyang ng mga empleyado niya ng "ms. menopausal lady" pero hindi ito pinansin ng dalaga. bumilib ang mga tao sa paligid niya dahil sa magandang tinatamasa ng kanyang buhay ngayon dahil sa edad pa nitong bata naging successful ang career nito.

umaga sa tahanan ng magulang ng dalaga nagmamadali itong lumabas dahil sa itoy malelate na sa kanyang trabaho, kaya nalate ng gising ang dalaga dahil nakipaghang out ito sa mga kaibigan niya nung gabing yun. dahil sa hang over sa kanyang ulo kaya ito tinanghali ng gising. napansin ito ng kanyang mga magulang na tila nagmamadali ang dalaga hindi na nila ito pinansin dahil sa ugali ng dalaga baka magalit lang ito sa kanila kapag ito'y pinansin nila umiling na lang ang tatay ng dalaga at bumalik sa pagbabasa ng dyaryo ng oras na yun.

habang papasakay ng sasakyan sinabihan agad ng dalaga ang matandang driver nito na ihatid agad siya sa trabaho dahil sa ito'y late na. nataranta ang matanda at agad itong sumakay sa sasakyan at pinaandar agad. habang nasa byahe tinanung ng dalaga kung may alam na isang shortcut ang matanda para mabilis na makarating sa trabaho niya nagsuggest ang matanda sa dalaga at agad namang sinang ayunan agad ng dalaga ang sinabi ng matanda. mabilis ang paandar ng matanda sa sasakyan dahil gusto nito agad makarating sa pupuntahan nila.

habang tinatahak ang daan sa short cut na sinabi ng matanda meron isang sasakyan sa kanilang harapan at ito'y biglang huminto sa mabilis ang paandar ng matanda ng sa kanilang sasakyan hindi agad nito napahinto ang sasakyan at tuluyan nang nabangga ang nasa harapang sasakyan at napahiyaw ang dalaga dahil sa nangyari, pagkakita ng matanda na bumaba ang dalawang nakasakay sa kabilang sasakyan agad itong bumaba para kausapin ang dalawa. habang nasa loob ng sasakyan ang dalaga ito'y naiinis dahil sa ngyare binuksan ng dalaga ang salamin at sinilip ang ngyayare nang makita ng dalaga ang nangyayare bumaba ito sa sasakyan at pinuntahan ang dalawang lalakeng kausap ng matanda. pagkatapos din kausapin ng dalaga ang dalawang lalake bumalik ito sa loob ng sasakyan na galit at naiinis sa dalawang lalakeng nakausap at bumulong sa sarili "antipatiko" maya maya pa ay bumalik na din ang matanda sa sasakyan nila at sila'y umalis na sa lugar kung san naiwan ang dalawang lalakeng kinausap nila habang papaandar ang sasakyan nila tinitigan niya ang isang lalakeng nakausap niya at tinandaan ang mukha nito at iyon ay si lucas dahil ang sasakyan na nabangga nila ay ang sinasakyan ng dalawang lalake na sila lucas at bhen. nang hindi na ito makita ng dalaga ito'y bumalik sa pagkakaupo na tila naiinis pa sa nangyari.

pagdating sa pinagtatrabahuhan mabilis itong naglakad papunta sa kanyang opisina at napansin ito ng kanyang mga empleyado at nagbulong bulungan ito. pagkapasok sa loob ng kanyang opisina umupo ito na padabog at naiinis padin sa nangyare sa kanya sa byahe. pagkatapos ng pagiisip sa nangyari inisip na lang ng dalaga na magtrabaho na lang dahil kung lalo niyang iisipin yun ay masisira lang ang araw niya kaya nagumpisa na sa gagawin niya ang dalaga. gabi na nang matapos ang dalaga sa kanyang trabaho sa kanyang opisina. pagkababa sa parking lot nakita niya ang matanda na iiling iling sa harap ng kanilang sasakyan pagkalapit niya dito tinanung niya ito kung anu ang ngyayari nagulat ang matanda dahil sa ginawa niya at hindi at nakita niya itong biglang nagalala hindi makatingin ng diretso sa kanya at tinanung niya ulit ito kung anu ang nangyayari sinabi ng matanda na ang sinasakyan nilang kotse ay sira tumugas ang langis nito at naubos, kailangan itong ipaayos, nasira ang sasakyan nila nung oras na nabangga nila ang sasakyan ng dalawang binata. dahil sa lakas nang pagkakabangga nila dito hindi nila namalayan na ang sasakyan nila ay nagkaroon ng tama dahil sa pagmamadali ng dalaga.

sinabi ng matanda na ipagpabukas na ang pagpapaayos ng sasakyan dahil halos hating gabi na nung oras na yun mejo nainis ang dalaga sa sinabi ng matanda sa kanya at sinabi na lang nitong siya ay magtataxi pauwi. sasamahan sana ng matanda ang dalaga pero pinigilan ito ng dalaga dahil sa itoy naiinis sa matanda wala nang nagawa ag matanda dahil sa ugali nitong mala monster kaya hindi na ito namilit pa. nang nakasakay na siya ng taxi agad nitong sinabi ang address na paghahatiran sa kanya pero hindi niya alam may panganib pa lang nakaabang sa kanya habang nasa byahe napansin niyang iba ang tinatahak na daan ng taxi driver tinanung niya ito pero hindi sumagot ang driver at nagdiretso lang ito sa pagmamaneho kinabahan na ang dalaga dahil sa kinikilos nito maya maya huminto ang sinasakyan niyang taxi sa isang madilim na iskinita agad bumaba ang dalaga sa taxi at nang tatakbo sana siya may nakita siya bigla na dalawang lalake na nakaharang sa tatakbuhan niya. bumalik ang dalaga at nakita niyang pasalubong ang driver ng taxing sinakyan nya. nang makalapit ito sa kanya hinampas niya ito ng dala dala niyang bag at tinamaan ito sa maselang bahagi ng katawan at napayuko ang taxi driver at nang makita niya itong nasaktan agad siyang tumakbo at nilampasan ang namimilipit sa sakit na lalake hindi niya yun inaasahan kaya laking swerte niya na dun niya natamaan ang laakeng pasalubong sa kanya.

habang tumatakbo papalayo sa mga lalakeng gusto siyang gawan ng masama napalingon siya sa likod niya at nakita niya itong humahabol sa kanya at dito na siya napasigaw ng tulong. nang maabutan na siya ng tatlong lalakeng humahabol sa kanya pinaligiran siya nito wala na magawa ang dalaga kundi ang umiyak at sumigaw na lang ng tulong sa wikang ingles. nang biglang may narinig ang dalaga na sumigaw napatingin siya kung saan nanggaling ang boses nang bigla na lang may lumipad na suntok sa isa sa mga lalakeng humahabol sa kanya. natulala ang dalaga ang sa mga nakitang eksena sa kinatatayuan niya. pagkatapos ng mga nangyari lumapit ang taong tumulong sa kanya dahil mistulang siyang tulala dahil sa nangyari sa kanya ginulat ito ng taong tumulong sa kanya at nang bumalik ang dalaga sa kanyang ulirat nakita na lang nito na nakahandusay na ang mga lalakeng gustong gumawa ng masama sa kanya hinawakan ng binata at tignan niya ulit ang taong tumulong sa kanya at ito ay lalake nang makita niya ang mukha nito ay bigla niyang naalala na nakita na niya ito nung umagang papasok siya sa kanyang trabaho nainis bigla ang dalaga dahil sa sinabi nito sa kanya na sa dami dami ng tutulungan sa kanya pa ito natapat hindi na lang pinahalata ng dalaga ang pagkainis sa sinabi ng binata nang tinalikuran siya nito at naglakad bigla niyang sinabi sa binata "are you gonna leave me here alone?" bumalik ang binata at hinawakan ang kamay niya at hinatak siya nito.

nang makalayo ang dalawa sa mga humahabol sa dalaga huminto sila at tinanung ng binata ang dalaga kung anu ang nangyari at kinuwento naman ng dalaga ang buong nangyari.  maya maya tinanung ng binata ang pangalan ng dalaga at sinabi naman ng dalaga ang pangalan niya "im noime" at nagpakilala din ang binata "ako si lucas" pagkatpaos magpakilala sa isat isat hinawakan ulit ng binata ang kamay ng dalaga at inakay na niya ito papunta sa bahay niya.

The Bodyguard(Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon