Chapter 15 Final Chapter "Walang katumbas na Pagibig"

200 1 0
                                    

Nasa harapan si Lucas ng isang malaking gate at isang malaking abandonadong gusali kung saan pumasok ang sinundan na sasakyan, pinagmasdan nito ang kabuuan ng gusali pinagaralan niyang mabuti, nang makita na nya ang kabuuan ng gusali nagpasya ang binata na pasukin na ang gusaling kanyang minatyagan, dumaan siya sa likod nito dahil sa pagikot niya dito ay may nakita siyang isang butas pader nito at doon siya dumaan para makapasok, nang makapasok na siya sa loob ng gusali may nakita siyang isang lalakeng nakatalikod kinabahan ang binata dahil sa nakita nitong hawak hawak na isang baril ang lalakeng nakatalikod sa kanya pero hindi nagpatinag si lucas sa kanyang nakita at nilakasan niya ang kanyang loob para sa dalagang kanyang gustong iligtas, dahan dahan na lumapit si lucas dito at nang siya ay makalapit dito hinawakan niya ito sa ulo at agad na inikot nito ng mabilis ang ulo ng lalake, umikot ng 360 degrees ang ulo nang lalakeng may hawak ng baril at ito ang ikinimatay ng lalake, bumagsak ito at agad na binitbit ni lucas ito para ilagay sa isang madilim na lugar kung saan walang makakakita dito.

Kinuha ni lucas ang baril na bitbit nito at kinapkap ng binata ang buong katawan nito para magbaka sakaling may makita pa itong natitirang mga bala sa katawan, nang makakuha ang binata agad itong umalis sa lugar ng pinangyarihan at naglibot ito sa unang palapag, nang hindi makita ang hinahanap sa unang palapag umakyat ang binata sa ikalawang palapag para hanapin ang dalaga, pagakyat sa ikalawang palapag biglang may sumigaw na isang lalake sa kanyang nang napalingon siya dito akmang babarilin siya nito at agad siyang nakapagtago yumanig ang putok ng baril sa buong gusali at agad na alerto ang mga tao dito lumabas si lucas at binaril ang lalakeng bumaril sa kanya tumaob ang lalake at isang lalake naman ang lumabas sa bandang kaliwa niya at akmang babarilin na siya pero naunahan ito ng binata pagkatimba ng lalake tumakbo si lucas sa isang sulok para magtago, nang mapansin niyang walang dumadating agad siyang lumipat ng ibang puwesto para hanapin ang dalaga tinignan niya ang ibang kwarto para silipin kung nandun ang hinahanap niya pero wala siyang nakita.

sa isang parte ng gusali sa pinakataas ito naging alerto ang leader ng sindikato pinababa nito ang kanyang mga tauhan para tignan ang nangyayari sa ibaba, tumingin ito sa isang banda ng kwarto at tinignan nito si leslie at pagkatingin dito nilapitan ito ng matanda at hinawakan sa braso at itinayo at kinausap, "mukhang dumating na ang superhero mo." umiiyak si leslie habang hawak hawak ito ng matanda hindi makapagsalita ang dalaga dahil sa nakalagay sa bibig nito, hinatak ito ng matanda para dalhin sa pinakataas ng gusali kasama ang isang misteryosong lalakeng nakabuntot lamang sa matanda, sa ibabang palapag patuloy padin sa paghahanap si lucas kay leslie, nagbabakasakali itong makita niya ang dalaga sa kung saan sa mga kwarto ng palapag, habang tinitignan ang bawat kwarto biglang may dalawang lalakeng pababa sa may hagdan, umakma ito at siyay pinaulanan ng bala, buti na lang ay nakapagtago agad ang binata sa isa sa mga kwartong kanyang sinilip, nang tumigil ang mga putok agad siyang lumabas at pinagbabaril ang dalawang lalakeng nakaharang sa may hagdan, tinamaan ang dalawa at bumagsak pagulong gulong sa may hagdan, dumiretso si lucas sa may hagdan kung saan bumababa ang dalawang lalake sumilip muna ang binata nang may nakita siyang grupo na didiretso sa may hagdan na kanyang tinataguan, inangat niya ang kamay nya habang hawak hawak ang baril bigla niyang pinaulanan ng bala ang mga papunta sa kanya, dahil sa hindi alerto ang mga ito tinamaan niya ang mga ito at sabay sabay nagsihiga sa sahig ang mga ito.

umakyat na si lucas sa kasunod na palapag at hinalugad ulit ang mga kwarto ng palapag pero wala ulit nakita ang binata sa bawat kwarto ng palapag, habang nililibot ang buong palapag sumanggi sa kanyang paningin ang isang fire exit sa may dulo ng pasilyo at agad niya itong pinuntahan para tignan, paglabas niya dito ay makita siyang isang maliit na hagdan papunta sa pinakataas ng gusali ang rooftop, inakyat niya ito ng dahan dahan at sumilip muna kung may natitira pang mga rebeldeng dito, pero sa pagsilip niya agad na bumungad sa  kanyang mga mata ang isang matandang hawak hawak ang isang babaeng umiiyak at may nakatutok na baril sa sintido nito.

lumabas si lucas habang nakatutok din ang baril sa matandang may hawak hawak sa dalaga na si leslie habang ito'y umiiyak, habang lumalapit si lucas bumigkis naman ang buong braso ng matanda sa leeg ng dalaga, huminto si lucas dahil napansin nitong tila sinasakal na ng matanda si leslie, nagsalita ang matanda "wag kang lumapit kundi pasasabugin ko ang ulo nitong babaeng to at kung hindi mo ibababa ang baril mo." walang pagdadalawang isip na binaba ni lucas ang hawak niyang baril at isa namang misteryosong lalake ang lumabas sa kanyang likod at tinutukan siya nito baril sa kanyang ulo habang nakatalikod ang binata at sinabihan siya nito na itaas ang kanyang mga kamay, itinaas ni lucas ang kanyang mga kamay pero tila nabosesan ni lucas ang misteryosong lalakeng nasa likod niya at sabay bumanggit ng pangalan ang binata "Bhen ikaw ba yan?" humarap si lucas dito at nakita nga niya si bhen ang kanyang kaibigan at katrabaho nya noon sa piyer, tinignan ng binata ang mukha ng kaibigan, hindi makatingin si bhen sa kanya dahil sa ginagawa niyang pagtingin dito, hindi mapakali ang kaibigan dahil sa ginagawa ni lucas sa kanya tila nanginginig ang mga kamay nito at tila parang naguguluhan, nagsalita si lucas "bhen hindi kailangan gawin to kaibigan moko hindi tayo dapat humantong sa ganito." habang nagsasalita si lucas, napansin ni bhen na tinututukan na ng matanda si lucas ng baril, nang maitutok na ng matanda sabay naman pindot nito sa gatilyo ng kanyang baril, sumigaw si bhen "Lucas!!!" sabay harang sa bala, tinamaan sa tagiliran ang binata, pagkabaril ng matanda tinapakan naman ni leslie at nasaktan ito at tuluyang nakawala ang dalaga sa pagkakahawak nito sa kanya, pagkawala ni leslie agad naman na kinuha ni lucas ang hawak hawak na baril ni bhen at ipinutok ito sa matanda at tinamaan ito sa dibdib, dahil napuruhan ito agad itong ikinamatay ng matanda.

hawak hawak ni lucas si bhen na may tama sa tagiliran, tumatakbo naman si leslie papunta sa dalawa nang makalapit dito niyakap nito si lucas dahil sa takot na takot siya sa nangyari hindi niya mapigilang umiyak ng umiyak habang nakayakap sa binata, niyakap din naman ito ni lucas, at sabay silang tatlong lumabas sa mismong pinangyarihan at nang makalabas na sila bumukas ang malaking gate at nagsipasukan ang mga alagad ng batas at sinalubong sila ng mga ito agad naman kinuha si bhen ng mga medic para gamutin agad samantala ang dalawa habang magkahawak ang kamay nakita naman ng dalawa ang mag-ama, nilapitan nila itong dalawa sa paglapit nila hinawakan naman ni noime ang kamay ni leslie at sabay umiyak at humingi ng tawad sa kanyang kaibigan, lumuhod naman si leslie habang hawak hawak ang kanyang kamay at sabay humawak din sa kamay ni noime at nagiyakan ang magkaibigan at biglang nagyakapan ang dalawa, habang ang dalawa naman ay nakatingin lamang sa dalawang dalaga biglang nagsalita ang ama ni noime "humihingi ako ng tawad sa pagwalang bahala ko sa problemang ito sana mapatawad niyo kaming mag-ama." nagsalita din si lucas "hindi naman na natin maibabalik sa dati ang lahat dahil nangyari na ang hindi dapat mangyari ang mahalaga lang ho ngayon ay ligtas na si leslie. pero tawad na hinihingi niyo ay si leslie ang kausapin ninyo tungkol ho sa ganyan." nilapitan ng ama ni noime si leslie, tumayo ang dalaga at humarap sa matanda, hinawakan ng matanda ang kamay ng dalaga at lumuhod sabay sabing "patawarin moko anak leslie sa hindi ko pagsagip sayo." napaiyak ang dalaga sa sinabi ng matanda at inakay para tumayo ang matanda at sinabi niya dito "huwag po kayong magalala wala po akong hinanakit sa inyo dahil malaki po ang utang na loob ko sa inyo kaya kung ang hinihingi nyo ay kapatawaran pinapatawad kona po kayo." masaya ang loob ng matanda dahil sa sinabi sa kanya ng dalaga nagyakapan ang tatlong mag-anak habang nakatingin lamang sa kanila si lucas.

pagkatapos ang yakapan ng tatlong mag-anak lumapit naman si lucas dito at kinausap ang dalaga habang kinakausap ni lucas si leslie lumapit ulit ang matanda sa dalawa at inalok nito na kung pwede ay dun na lang sila tumira sa bahay ng matanda pero tumanggi ang dalawa sa alok ng matanda mas ginusto ni lucas na nasa puder niya si leslie dahil sa mahal niya ang dalaga at para na din maprotektahan niya ito kung sakaling may mangyaring hindi maganda ulit sa dalaga sinang-ayunan naman ito ni leslie dahil sa mahal niya ito at ayaw na niyang mahiwalay dito, umalis ang dalawa sa pinangyarihan ng krimen inihatid sila ng isa sa mobile patrol ng pulisya at sinabi ni lucas kung saan sila dapat ihatid at umalis na ang sasakyan na sinasakyan nila.

huminto ang  sasakyan na naghatid sa kanila sa tapat ng bahay ni lucas, bumaba ang dalawa napatingin sa kabuuan ng kanilang titirahan simula ngayon at nagtingin ang dalawa at nagkangitian naghawak ang kamay at sabay na pumasok sa loob ng bahay naupo ng dalawa sabay na nagbuntong hininga nagkatinginan maya maya ay niyakap ni lucas ang dalaga at niyakap na din ng dalaga ang binata.

                                                                                                                                                                                            Wakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bodyguard(Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon