Chapter 8 "Ang Pagpapaalam"

164 2 0
                                    

"Ang Pagpapaalam"


pinuntahan ni lucas ang pinagtatrabahuhan para magpaalam na sa mga tao dito dahil sa nakuhang bagong trabaho nito. kinausap ni lucas ang mga tao sa loob nito. pagkatapos kausapin ang mga katrabaho at nakapagpaalam na sa mga ito dumiretso naman siya sa opisina ng kanilang amo para kausapin naman ito. pagbukas ng pinto nakita ni lucas na tila busy ang kanilang amo sa pagtingin sa mga papeles na tinitignan nito bungad ng binata "magandang umaga boss." at napatingin ang naturang amo sa kanya at napangiti nang siya'y makita nito sabay sabi nito "oh? kamusta kana lucas? nandito kaba para bumalik na sa trabaho mo?" sumagot ang binata "ok lang naman boss. ang totoo boss kaya ako nandito para magpaalam sa inyo." tumugon ang matanda "bakit? aalis kana ba?" lucas "oo kasi ang totoo nakahanap na ako ng mas malaki ang kita." nalungkot ang amo nito sa sinabi niya "ah ganun ba? sige wala ako magagawa kung ganun nga talaga. pero kung gusto mong bumalik dito welcome na welcome ka lucas para na tayong isang pamilya dito kaya kung gusto mong bumalik palaging bukas ang pinto ng companyang ito para sayo." lucas "ganun po ba boss maraming salamat po kung ganun." nagkakwentuhan ang dalawa at kinuwento ni lucas ang bago nitong trabaho sa dati niyang amo.

pagkatapos magkwentuhan ng dalawa lumabas na ng opisina si lucas at nagpaalam na ito sa dati niyang amo. isang lalakeng tumatakbo papalapit sa kanya at nang makita niya ito nakilala niya ang lalakeng papalapit sa kanya at ito ay si bhen kinausap siya nito "pare nakapagdisisyon kana pala?" lucas "oo pare pinagisipan kong mabuti yung mga sinabi mo. kaya eto nakapagdisisyon na ako tinanggap ko yung alok sakin na trabaho." nagkausap ang dalawang binata tungkol sa magiging bagong trabaho ni lucas. pagkukwentuhan ng dalawa inabot na sila ng takipsilim at nang maramdaman nang dalawa tila matagal na ang kanilang paguusap naisipan nang sabihan si ni bhen na pwede na itong umuwi para makapagpahinga ito dahil kinabukasan na ang umpisa nito sa kanyang trabaho. lucas "pare wag ka magalala babalik ako dito kapag oras na hindi na ako magtatrabaho dun." bhen "sige pare asahan ko yang sinabi mo at aabangan namin nila ang pagbalik mo dito." nagpaalam na si lucas at umalis na ito sa lugar kung saan dati nagtrabaho ito. habang tinitignan ni bhen ang kaibigan nitong si lucas nalulungkot ang binata pero naiisip niya na babalik din ito balang araw. pumasok na din sa loob si bhen at nag-ayos na din para sa kanyang paguwi.

The Bodyguard(Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon