MLYH-3

33 1 0
                                    

My Love Your Hate

Chapter 3:

.

.

.

Kakalapag lang sa Naia terminal two ng japanese airways, ang eroplanong sinakyan pabalik ng pilipinas ng binata. Isa isang nagsibabaan ang mga pasahero kasama na siya bitbit ang maliit na maleta nito. Alas onse na nang gabi dumating ito. Binaybay niya muna ang daan papuntang immigration para matatakan ulit ang passport niya. Nang matapos na siya sa immigration ay saka pa lang siya nagtungo sa baggage area para kunin ang isa niya pang malaking luggage bago magtungo sa international exit kung saan naghihintay sa kanya ang parents nito. Paglabas niya ng exit ay isang medium size na tarpaulin kaagad ang nadatnan niya na hawak hawak ng daddy at mommy niya ngayon, hindi niya maitago ang kunot ng noo niya sa mga ito. Ano bang iniisip nilang dalawa? At bakit nagpa tarpaulin pa sila? Parang nahiya siya ng konti. Agad siyang sinalubong ng mommy niya sabay halik sa pisngi at yakap ang ipinukol nito sa kanya, tanging yakap naman ang ginawa ng daddy niya. Ang driver na nila ang umalalay sa dala dala niyang malaking luggage, yung maliit ay siya na mismo ang nagdala.


"We miss you so much our baby", lambing na simula ng kanyang mommy habang inaayos kuno ang black fur longsleeve niya.

"How's your flight son?", tanong naman ng kanyang daddy habang kinukuha ang shoulder bag sa kanya.

"I miss you too mom, It's good dad", ngiti niya rito at iniabot muna ang shoulder bag niya sa daddy niya habang hinuhubad niya naman ang black cardigan nito. Useless na kasi dahil mainit naman na at nakauwi na rin siya. Agad niyang binawi sa daddy niya ang shoulder na iniabot niya lang kanina, agad namang nakuha ng daddy niya ang nais niyang iparating ng ilahad niya ang kanyang palad rito.

"Nice to hear that, well it's time for us to go home, I guess?", sabi ng daddy niya sabay ngiti sa kanya.

"Good idea daddy", ngiti niya rin sa ama niya na lumitaw na naman ang magkabilaang dimples niya sa kanyang pisngi.


"Mom where's ate anyway?", tanong niya sa mommy niya habang palabas sila ng exit.

"She's still at the hospital, she have some work to finished", sagot naman ng mommy niya

"Wow! Cool", tugon naman niya, nang humirit ulit ang mommy nito havang hawak siya sa braso nito

"Cool? But I told her to come home as early as possible because we need to celebrate", sayang sabi ng mommy nito


"Celebration for what?", kunot noong tanong niya sa mommy nito

"For you, because you're here now safe and sound, we're together now!", sayang sabi ng mommy niya habang pinagbuksan pa siya sa front seat nito. Agad naman niyang sinara ang pinto at siya na ang naunang magbukas ng pintuan ng sasakyan para sa parents niya sa back seat. Pumasok naman ang parents niya, saka siya pumasok at naupo sa front seat at umalis na sila papuntang bahay nila sa rizal.


"You know what anak, I have something to tell you, i'm pretty su-", putol na sabi ng mommy niya ng sumingit siya.

"Mommy, excuse me but can you please let me sleep for a moment? I'm tired today", sabi niya sabay pikit ng kanyang mga mata

"Okay, sorry, take your time", ngiting tugon lang ng mommy niya nang sikuhin nito ang daddy niya

"What?", takang tanong ng daddy niya na noon ay busy sa kaka scroll ng cellphone nito about cardio.

My Love Your HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon