MLYH-6

38 1 1
                                    

My Love You Hate

Chapter 6

.

.

.

Two weeks na ang nakalipas nang magsimulang magtrabaho si sheenie sa hospital. Dalawang araw siyang naka day off ngayon at bukas. Linggo naman kaya magsisimba silang mag-anak. Bukas pa kasi ang planong bumalik ng probinsiya nang kanyang magulang, kaya susulitin niya na rin na makasama ito. Pagkatapos nilang magsimba ay nag arkela na agad sila ng taxi na masasakyan papuntang north edsa, doon kasi ang gustong mananghalian ng kanyang papa at para makapanuod na rin sa sinehan. Wala pa naman siyang sahod kaya sagot lahat 'yon ng mga magulang niya. Kasalukuyang kumakain sila sa isang restaurant.

"Saang hospital ka nga nagtatrabaho anak?", tanong sa kanya nang kanyang Papa Arthur

"Sa c.t general hospital po papa", sagot niya naman

"Okay naman ba doon?", tanong ulit sa kanya

"Opo, okay naman po, nasa probitionary pa lang po ako for three months", sabi pa niya

"Mabuti kung ganun, maganda yan, i enjoy mo lang araw araw yung trabaho, wag kang masyadong magpapagod",

"Okay po", sabi naman niya. Ang Mama Sunshine niya naman ang nagsalita,pero this time sa kapatid niya naman na abala ngayon sa pag lantak ng pagkain.

"Ikaw naman? Musta naman ang pag-aaral mo? Baka nagbubulakbol ka lang ha,umayos ka, pepektusan talaga kita", sabi ng mama niya. Napaka strikto ng mama nito pagdating sa pag-aaral at sa ibang bagay.

"Grabe sakin si mama oh, nag-aaral kaya ako ng mabuti, kahit tanungin mo pa si karla", sagot naman nito,sabay tingin sa kanya sa katabing upuan.

"Ate karla! Karla ka d'yan! Sanayin mong tinatawag na ate yan! Aba'y ikaw ba ang matanda sa inyong dalawa? Karla, kapag hindi nag ate sayo yan ay tawagin mong kuya, yang ugali mo karlo ayusin mo!", sabi ulit ng mama nila

"Opo, ate po, sorry na po", sagot naman ni shaune karlo

"Ma,Pa anong oras po pala kayo bukas? Para makapag book ulit ng taxi", sabi niya nang mapatingin ang kapatid nito sa kanya sabay ngisi

"Pinapauwi na yata kayo ni ate karla ma oh", biro nito nang sipain niya ang paa nito sa ilalim ng mesa na inukupahan nila.

"Baliw! Nagtatanong lang! Ikaw grabe ka", sabi naman niya

"Anong oras nga ba tayo magpapa airport bukas?", Takang tanong ng papa nila sa ngumunguyang mama nila

"Alas tres yung flight, dapat mga alas dose maka alis na tayo, traffic pa naman kapag gan'ong oras", sabi ng mama nila.

"Edi bukas na ako mag book ma", sabi naman niya.

"Natural bukas talaga ate! Alangan naman ngayon, excited kang magpauwi? Excited? Excited?", biro nito sa kanya.

"Tuktukan kita d'yan eh!", sabi naman niya.

"Oh tama ng asaran yan, baka magkapikunan,ubusin niyo na yan at pumunta na tayo sa cinema", sabi naman ng papa nila

"Wait lang, nag i enjoy pa nga ako sa pagkain, pinapamadali mo na naman kami, maghintay ka nga d'yan", asik naman ng mama nila.

"Sila na nag-away", bulong sa kanya ng kapatid, palihim naman siyang ngumisi. Pagkatapos nilang kumain at magbayad ay pumunta na sila sa pilahan ng sinehan. Pinili nilang panuorin ang comedy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Love Your HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon