MLYH-2

49 1 8
                                    

My Love Your Hate

Chapter 2:

.

.

.

Ayun sa kanyang kaibigan, hiring ang hospital na pinapasukan nito. Kaya ni recommend siya kaagad para makapag pasa online at walk-in application. Isang e-mail ang bumulabog sa kanya na naka indicate na tuesday, nine a.m ang personal interview niya, nakapaloob din sa e-mail ang mga proper dress code na kailangan niyang sundin. Alas sais pa lang ng umaga ng bumangon na ito sabay ligpit ng kanyang higaan,nagtungo sa banyo para mag mouthwash. Lumabas na siya ng kanyang silid at nag luto na ng pang agahan niya. Nag a apartment lang siya malapit sa españa, grumadwayt ito sa isang university malapit lang din sa kanyang tinitirhan. Kasama niya ang kaisa isang kapatid na lalaki na nag-aaral rin sa same university na pinasukan niya noon, sa katunayan ay nasa forth year college na ito sa kursong electrical engineering, may isang taon pa para grumadwayt na din ito. Ang kanilang mga magulang ay nasa western visayas,kaya kapag financial problem ay nagpapadala na lamang ang mga ito para sa kanila. Minsanan din kung dumalaw ang mga magulang nila dahil busy rin sa kanilang negosyo doon. Pagmamay-ari nila ang isang dry goods ng wholesale at retailer sa isang building sa probinsiya, nabili ng mga magulang niya iyon six years ago. Nagsaing na kaagad siya ng kanilang almusal at nagluto ng kanilang ulam, ang paborito niyang sweet ham at cheesedog. Kinatok niya muna ang kwarto ng kapatid niya. Dalawang kwarto ang kinuha nila with attached small kitchen at comfort room.


"Shaune! Gumising ka na diyan!Tara kain", yaya niya sa kapatid nito na nakabaluktot pa higaan.

"Mmm", tanging tugon lang nito sa kanya,nang hablutin niya ang kumot nito, sabay turn off ng aircon.

"Tara na,kumain na tayo",yaya niya ulit

"Ano ba sheenie! Ina antok pa ako", usal nito

"Sheenie sheenie mukha mo! Ate nga sabi! Bastos neto! Tara na nga sabi! Binge?", sabi niya ulit at hinila na ang naghihimutok niyang kapatid.

"Oo na, mauna ka na dun, mag ba banyo lang ako", tugon nito ng bumalikwas na sa pagkakahiga.

"Bilisan mo!!!",

"Teka ang aga mo naman yatang magising? May lakad ka ba ngayon?",takang tanong nito habang napapakamot ng kanyang ulo.


"Hindi mo alam? Ngayong araw ang interview ko sa hospital na pinapasukan ni ayiesha! Pero wag mo munang sabihin sa kanila nila mama at papa ha! Itikom mo yang bibig mo baka mausog!",


"Goodluck! Galingan mo sa english, medyo magkakatalo tayo diyan eh", pabirong asik ng kapatid niya sa kanya.


"Baliw! Bilis na", tugon niya ng lumabas na ng kwarto nito. Sabay na silang kumain at si shaune na ang pinagligpit niya ng pinagkainan nila dahil alas dose pa naman ang first class niya mamaya. Samantalang siya ay busy sa pag sho shower, pagkatapos ng ritwal niya ay magbibihis pa ito na alinsunod sa sinend sa e-mail. Nakasuot siya ng white inner top, black cardigan hanggang bewang ang haba na tinupi niya ang manggas ng sleeves noon para lumitaw ang color white sa loob,doble color kasi yung nabili niya sa isang mall,naka black pencil skirt ito below the knee, at naka three inches black cuban closed shoes ito. Hindi na siya nag stockings kasi pantay lang naman ang kulay ng kutis niya, wala naman siyang scars para pagtakpan. Blinower niya din ang kanyang buhok at pinonitayl iyon, black with white ribbon ang inilagay na pang tali niya, at kinulot kulot pa ang dulo ng kanyang buhok. Light fresh look make-up lang ang in-apply niya, pinkish red naman ang nilagay niya sa kanyang labi. Nagsuot din siya ng gold seiko na bigay pa ng papa niya way back second year college siya, at ang trending ngayon sa korea na earrings, silver na may habang two and a half inches. Kinuha niya ang cellphone niya dahil mag ta taxi siya,sabay dampot ng isang black envelope at ang one of her favorite brand her guess hand bag na niregalo ng tita amy niya,ang elder sister ng mama niya galing pang america. Nang mag ring ang cellphone niya ay agad na siyang bumaba. Nasa second floor ng palapag ang inuupahan nila. Sumakay na siya kaagad papuntang hospital.


My Love Your HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon