MLYH-4

49 1 1
                                    

My Love Your Hate

Chapter 4:
.

.

.

Isang malakas na pag katok ang bumulabog ngayon sa kwarto ni sheenie. Kahit na ayaw niya pa sanang idilat ang kanyang mga mata ay napilitan na lamang siya. Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga at naglakad para buksan ang pinto. Agad siyang nagsalita..



"Ano? Natutulog yung tao eh!!!", inis nitong panimula habang kinusot kusot pa ang kanyang mata.



"Hoy sheenie karla! Wala ka bang pasok ngayon?", nakairap na tanong sa kanya ni shaune na naka apron pa habang nakapamaywang sa harap niya.



"Pasok? Sabado ngayon! Kaya walang pasok!", inis nitong tugon.



"Talaga lang ha, kaya pala may schedule na nasa mesa kagabi, binasa ko nga eh, nine o'cloc-", putol na sabi na lang ni shaune ng biglang nanlaki na lamang ang mga mata niya sabay tulak sa kapatid na nakaharang sa kanyang harapan. Agad niyang dinampot at pinagmasdan ang prinint-out niya pang schedule kahapon bago siya umalis ng trabaho. Napapadyak na lamang siya at napangiwi ng wala sa oras nang mabasa niya yun.



"My goodness!", turan niya sa sarili habang napapakamot nang ulo.



"Haist! Nakakainis", pagpupumiglas niya sabay pasok ulit sa kanyang kwarto, sabay hablot ng towel niya sa likod ng kanyang pintuan at dali-daling tinungo ang banyo.



"Wala ka pa lang pasok ha!", pang-aasar sa kanya ng kapatid niya. Naligo na siya kaagad at nag toothbrush tsaka mouthwash. Paglabas niya nang banyo ay agad na siyang nagpatuyo nang kanyang buhok, blinower na niya ito nang mabilisan habang isinusuot ang kanyang uniform, nag book agad siya ng taxi habang nag susuot ng medyas. Ang make up? Sa taxi na niya gagawin pati ang pagtali ng kanyang buhok. Feeling niya nasa college pa siya eh, kaya ayan tuloy. Lumabas na kaagad siya ng kanyang kwarto bitbit ang kanyang backpacked.



"Oh baon mo may kutsara't tinidor na din yan, baka sabihin mong hindi ako concern, oh baunan mong tubig, alis na",sabi sa kanya ng kapatid nito habang humihigop nang mainit na kape. Ipinasok na niya kaagad ang binalot nitong baon niya sa bag niya, sabay suot nang sapatos nito na nakalagay lang naman sa shoerock niya.



"Alis na ako, salamat dito", paalam niya habang binubuksan ang pinto.



"Sige ingat sila sayo!!! Ang katangahan iniiwan po ate dito sa loob nang bahay!", tugon naman nang kapatid niya, hindi niya na yata narinig ang huling sinabi nito dahil sinara na niya kaagad ang pinto. Habang nasa taxi siya ay itinitirintas niya na lamang ang kanyang mahabang buhok at tinali ang dulo nito. Naglagay na din siya nang light make up at earrings niya pati relo. Six minutes na lang bago mag nine o'clock, buti at nag short cut ang driver nang taxi, swerte niya pa rin. Agad siyang nagbayad rito at kumaripas nang takbo habang nag si spray pa nang pabango. As usual kapag pumapasok siya ay bumabati muna ito kay Aio sa reception desk sa umaga.



"Good morning ma'am aio", ngiting sabi niya habang naghihintay na bumaba ang elevator.



"Good morning too ma'am sheenie", ngiting bati din nito sa kanya. Nginitian niya lang ito, nang magbukas ang pinto ng elevator ay kaagad niyang pinindot ang third floor. Paglabas niya ay kumaripas na naman siya nang takbo. Nasapo niya ang kanyang hininga nang humawak na siya sa handle ng pinto sabay bukas doon. Buti at exact time siyang nakarating safe!. Naupo na lamang siya sa kanyang upuan at kumuha nang notebook at ballpen, makikinig na lang siya kahit na nakakaramdam na siya nang kunting gutom.



My Love Your HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon