MLYH-5

32 1 1
                                    

My Love Your Hate

Chapter 5:

.

.

.

Maaga pa lang nang magluto nang almusal nila si sheenie, kahit nakauwi siya kahapon nang alas otso na nang gabi dahil sa matinding traffic at nakatulog nang alas dose nang madaling araw ay heto siya ngayon! Parang nakalaklak nang sandamakmak na bitamina sa lakas nang energy niya ngayon. Nagsaing na ito kahit alas singko pa lang nang umaga, nagluto rin siya nang paborito nilang magkapatid na garlic buttered shrimp at kilawing labanos na kinarir na niya talaga ang sinabi sa kanya kahapon ni julius a.k.a julia. Napapa kanta ito sa indak nang musikang pinapatugtog niya sa kanyang cellphone habang nakikisabay rin sa kanta.


Oh oh (Pag-ibig, oh oh)
Oh oh(Pag-ibig, oh oh)
Bakit ganito ang nadarama
Makita lang kita ng isang saglit
Ang araw ko ay buong buo
Sa gabi ikaw ang panaginip
Dahil sa iyo puso ko'y sumasayaw
Isip 'di mapakali ngiti ay laging nasa labi
Nakakakaba, nakakaaliw
Nakakakilig, nakakabaliw
Napapakanta, napapaisip
Napapangiti, nakakabaliw
Oh oh pag-ibig, oh oh pag-ibig
Oh oh pag-ibig, oh oh!......


Hanggang sa matapos ang kanta!!! Pagkatapos nang kanyang pagluluto ay nag separate na siya nang kanyang baon. Napaigtad siya nang bumukas ang pintuan ng kanyang kapatid.


"Hello good morning!", masiglang bati niya rito.


"Good morning din, anyare sayo?", pagtataka naman nito habang papuntang banyo.


"Wala naman, maganda lang talaga ang mood ko!", tugon naman niya habang naglalagay nang plato sa round table nila.


"May pasok ka?", takang tanong ng kapatid niya.


"Syempre lalo pa't masaya sa trabaho", ngiting tugon naman niya. Lumabas na pala ang kapatid niya nang hindi niya man lang namamalayan.


"Nandiyan ka na pala, oh kape mo with love pa yan, sabay na tayong kumain, nagluto ako nang paborito mong ulam, tadaaah", masiglang sabi niya habang ipini prisenta ang nakahain sa table.


"Wow naman! Oh tara kain na", alok nito nang pumwesto na sa upuan na kaharap siya. Siya naman fresh milk lang ang iinumin niya.


"Nga pala, tumawag ba sayo sila mama?", tanong niya rito


"Wala bakit mo natanong?", takang tanong na balik nito sa kanya


"Baka kasi nagtanong sayo kung nag a apply pa rin ako eh,wag mo munang sabihin, surprise okay", sabi niya naman dito


"Mukha ba akong nagsusumbong?",


"Defensive? Sinasabi ko lang baka kasi madulas ka eh!",


"Aysus! Mapagkakatiwalaan mo ako pagdating d'yan sister", tugon naman nito sabay higop nang kape nito


"Very good ka talaga", ngiting sabi niya.



Alas otso y medya siyang nakarating sa hospital, mukhang tatlo pa lang sila ang naroroon. Siya at ang dalawang nurse. Ang isa roon ay si yvonne na tahimik lang na nag i airpod.  Siya naman ay minabuting pagtuunan nang pansin ang itinuro sa kanya kahapon ni miss bethinah.


Katatapos lang ng kanilang lecture, at ayun sa schedule niya ay ma a assign siya sa third floor, which is excited na siyang simulan ang training niya doon, sino ba naman ang hindi kung ang bubungad ng alas dos mo ay ang taong gustong gusto mo sa simula't sapol?


My Love Your HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon