Chapter 11

5 4 0
                                    


AUDRY'S PoV

BAKIT ba tinatawag nya akong Isabella? It's just my second name! It's Audry asshole!

Iritang pinatay ko ang cellphone ko at natulog na ulit. Hindi na talaga ako makakatulog nito! Ang lakas maka bwisit ng lalaking yun! Ugh!

Nakatulog tuloy ako ng may sama ng loob, Tss.

Naalimpungatan ako dahil sa pag tapik ng balikat ko. Dinilat ko ang isa kong mata at nakita ko si Keesha na gingising ako.

"Hey, wake up.."mahinahon nyang sabi. Kinusot ko ang mga mata ko bago bumangon. Bukas na ang ilaw ng buong suit at nakita ko sila Kuya na mukhang maliligo palang.

Tiningnan ko si Keesha na nag aayos ng gamit nya.
Hindi pa sya nakaka ligo. Tumayo ako at tumabi sa kanya.

"Maliligo ka na?" tanong ko sa kanya habang humihikab.

"Yup, tapusin ko muna 'tong mga gamit ko. Maligo ka na.." sagot nya at pinagpatuloy an pag aayos ng gamit.

Tumango nalang ako sa kanya at lumapit sa malaking bag ko. Maayos na naman ito dahil hindi ko kinakalat ang mga gamit ko. Nilagay ko nalang sa plastic bag ang sandals at mga damit na basa bago ipinasok sa malaking bag ko.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at alas tres palang ng umaga.

Bago ako pumasok sa banyo ay pumili muna ako ng damit na isusuot pauwi. Fitted pants at crop top, inihanda ko narin ang sneakers ko. Pumasok na ako sa banyo habang dala dala ang mga gamit ko.

Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako. Naglagay lang ako ng creams sa mukha habang nag susuklay. Pinahiran ko rin ang aking labi ng lipstick.

Sinuot ko na ang sneakers ko bago lumabas ng banyo. Nadatnan ko sa labas sila Kuya at Ate na nag hahanda rin.

Nilagay ko na din sa plastic ang damit ko. Inayos ko na ang mga creams at make ups ko. Tapos ki na ang ayusin ang mga gamit ko at nag hihintay nalang ako kila Kuya na matapos. Nakaupo ako sa kama ko habang nag cecellphone.

May biglang nag pop up na notification galing sa Instagram. Tiningnan ko iyon.

Calvin Zio Alarcon is starting to follow you.

Shit! Ano ba ang kailangan nya? Pati sa social media accounts ko ay sinusundan nya ako! Yung number ko nga alam nya! Ano ba ang gusto ng lalaking ito?

I delete his request. Done.

In off ko ang cellphone ko at tumayo sa pagkakaupo, pumunta ako kila Ate at Kuya na nag aayoz ng gamit.

"I'm done na.." ani ko ng makalapit. Tiningnan lang nila ako at bumalik ulit sa pag aayos. Seems like they're busy, huh?

Nevermind. Umupo nalang ako sa kama ni Keesha. Nag cellphone lang din si Keesha dahil tapos na sya sa pag aayos at pareho kaming nag hihintay sa mga kapatid namin na sobrang arte sa isusuot. Si Ate Yhanna kanina pa sumisigaw dahil wala daw bumabagay na damit sa kanya. Si Ate Nica naman ay natataranta na sa pag make up kasi ginugulo sya ni Kuya Cahil.

"Ugh! Wala akong maisusuot!" sigaw na naman ni Ate Yhanna.

"Hoy, Yhanna Loreen! Huwag ka na nga mag inarte! Hindi ka naman rarampa e, walang silbi yang damit mo dahil sa sasakyan ka lang buong araw!" saway sa kanya ni Kuya Eiron. Inirapan lang sya ni Ate at kumuha nalang ng ibang damit at Pumasok sa banyo para mag bihis.

"Lumaya ka nga dito Cahil! Hindi na ako natatapos dito! Bwisit!" iritand sigaw ni Ate Nica kay Kuya na ngayon ay tawang tawa na sa itsura ni Ate. Sira ang make up ni Ate kaya umulit naman sya.

The Nuptial (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon