AUDRY'S PoVNAALIMPUNGATAN ako sa ingay na naririnig ko. Dinilat ko ang isa kong mata at nakita kong kakagising lang din nila Kuya at Ate. Wala na sila Miel at Ian dahil bumalik na siguro sila sa suit nila.
Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko bago bumangon. Nilingon agad nila ako, Mukhang maliligo palang sila.
"Morning.." bati ko at pumunta sa bathroom.
Nag hilamos lang ako at nag toothbrush bago lumabas.
"Anong gagawin natin mamaya?" tanong ko sa kanila.
"Hmm... Island Hopping? What do you think?" suggest ni Ate Nica. Tumango tango naman ang iba.
"Great idea! Nag pa book ka na ba kuya?.." tanong ni Kuya Keith. At binalingan si Kuya Eiron.
"Yeah, kahapon pa. Kasama naman talaga yun sa trips natin dito e.." sagot ni Kuya Eiron. Tumango nalang ang iba kong mga Kuya.
"Anong oras ba?.." tanong ko habang namimili ng damit mamaya.
"Hmm.." sinulyapan nya ang relo nya "It's 9am at 10am ang oras sa gagamitin nating bangka." pag ka sagot ni Kuya nun ay nag unahan na sila sa banyo para maligo. Nataranta na rin ako dahil isang oras nalang!
Kinuha ko ang susuotin ko. Floral crop top at high waist white shorts ang suot ko. Sa loob nito ay ang white swimsuits ko.
Pumasok na ako sa banyo para maligo. Sinuot ko muna ang swimsuits ko bago ang crop top at shorts ko. Nag lagay lang ako ng sunblocks at powders bago lumabas ng banyo. Naabutan ko silang lahat na naka ayos na at nag lalagay din ng sunblocks.
Kinuha ko ang flat sandals ko sa ilalim ng kama ko. Ito nalang ang susuotin ko para komportable mamaya.
"Guys! Dalian nyo na! Hindi tayo makaka abot!" sigaw saamin ni Kuya Eiron.
Sinuklay ko nalang ang buhok ko at tapos na ako.
"I'm done!" sabi ko at lumabas na ng suit. Nandito na rin sa labas sila Miel, Ariesa, Janine, Ian, Joss at Jocef. Nginitian lang ako nina Miel at ngumisi lang sila Ian. Sinulyapan lang din ako ni Jocef at nakipag usap na kay Kuya Keith.
"Come on guys!" sigaw ni Ate Yhanna at dumiretso na sa Elevator. Sumunod naman kami. Dalawang Elevator ang ginamit namin dahil masyado kaming madami.
Pagka bukas ng Elevator ay bumungad saamin ang mga taong labas pasok sa hotel na 'to. Lumabas na kami ng hotel at pumunta na sa may dagat dahil doon daw nag hihintay ang bangkero na mag to-tour saamin sa mga isla dito sa El Nido.
Pagdating namin doon ay nakita ko na ang malaking bangka na sasakyan namin. Naunang sumakay sila Miel at inalalayan sila nina Ian. Sunod na sumakay sila Ate. Nauna si Ate Yhanna at inalalayan sya ni Ian. Ngumisi si Ian habang hawak ang kamay ni Ate. Inasar sila nila Joss at Kuya. Pumula ang pisngi ni Ate dahil sa pang aasar nila. Tss. Sumunod naman sila Ate Nica, at ako na bago sila Kuya.
Umilag saakin si Ian kaya kumunot ang noo ko. "Ayoko! Baka bugbugin na naman ako ng isa dyan! Ikaw nalang Jocef! Masakit yung kamay ko!" pag iinarte nya at tinulak si Jocef saakin.
"Ang arte mo! Ilunod kita dyan e!" singhal ko sa kanya at tumawa lang ang gago.
Inabot saakin ni jocef ang kamay nya kaya ngumiti ako at tinanggap ko iyon. Pagka upo ko sa gitna ni Ate Yhanna at Ariesa ay inasar na naman nila ako.
"Ikaw ha! Ano yung sinasabi ni Ian?" naka ngising tanong ni Ariesa saakin. Tumango tango naman sila Miel at Ate. Hinihintay ang sagot ko.
"Hindi ko alam. Parang tanga yun e!" singhal ko at umirap.
BINABASA MO ANG
The Nuptial (Ongoing)
RomansaThere was a woman who don't believe in true love because for her true love will only scatter you into tiny million pieces. That's only her thoughts. But one day, in just one hard slap she's married to a man who will put the broken piece of her back...