Chapter 26

6 3 0
                                    

AUDRY'S PoV

DISCUSS.

QUIZ.

DISCUSS.

DISCUSS.

DISMISSAL.

Natapos ang last subject namin na wala akong kibo. Hindi ko rin pinapansin sila Ariesa at Janine lalo na si Calvin! Naiinis kasi talaga ako dun sa babaeng yun! Akala mo naman maganda!

"Okay class! Read page. 28-30 dahil magkakaroon tayo ng quiz bukas, okay? Okay! Class Dismiss!" sigaw ng lect bago lumabas.

"Aishh! Kainis naman!"

"May quiz pa talaga?!"

"Simula pa nga lang ng klase tapos may quiz agad?"

"Oo nga! Kainis!"

Mga reklamo ng kaklase ko dahil sa quiz bukas. Wala naman akong pakialam kaya nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko at walang paalam na lumabas. Hindi na ako nag paalam kay Janine at Ariesa baka marinig pa ni Calvin.

Narinig ko pang tinawag ako nung dalawa kaya mas binilisan ko pa ang paglakad baka maabutan ako ni Calvin. Teka nga?! Bakit ba sya ang nasa isip ko? Nakakainis kasi!!!

Sa may kabilang daanan ng field ako dumaan para hindi ko makita sila Ariesa dahil sa kabila sila lagi dumadaan pag pupunta ng parking lot kasi short cut dun e. Nakatungo akong naglalakad kahit marami akong naririnig na bulungan. As usual, tungkol na naman kay Calvin!

Malapit na ako sa parking lot kaya pumunta agad ako sa kotse ko. Kukunin ko na sana ang susi sa bag ko pero may humawak sa braso ko kaya kunot noo akong lumingon kung sino ang humawak sakin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Calvin!!! Anong ginagawa nya dito?

"What?" walang ganang tanong ko.

"Why did you walk out?" seryosong sabi nya.

"Where?"

"Tss... kanina, we're talking and then Mia showed up"

"Ahh yeah, don't mind me."

"Are you avoiding me?"

"No, I just have to go"

"I'll drive you home.."

"No, sabay naman kayo ni Mia, diba?" pinilit kong hinid maging sarkastiko pero bigo ako dahil taas kilay syang ngumisi! Peste!

"Mia has her own car, she don't need me"

"I have my own car too, i don't need you either.." taas kilay na sabi ko.

"But i want you not her" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at bumilis ang tibok ng puso ko!!!! Ano ba ang mga pinagsasasabi nya?!

"What?!" takang tanong ko kahit rinig na rinig ko naman!

"Tss, let's go" hinila nya ako papasok sa front seat kaya wala na akong magawa kundi ang umupo. Umikot sya at umupo sa driver's seat.

Kinuha nya ang susi ko at pinaandar iyon palabas ng parking lot. Habang nag dadrive sya ay tahimik lang kami kaya itatanong ko sa kanya kung sino yung Mia.

"Sino si Mia? I mean, sabi kasi nya kanina na makikipagbalikan sya sayo? What's the meaning of that?" tanong ko sa gitna ng byahe, nilingon nya ako.

"She's my ex, 2 years ago, she broke up with me because our family is against us, they didn't want us to be together kaya nakipag break sya sakin" paliwanag nya.

"Ahh, pero sabi nya nandito na sya at makikipagbalikan ulit sayo." pahina na pahinang tanong ko.

"I don't care, past is past besides I'm already engaged" nilingon nya ulit ako kaya medyo nailang na naman ako!

The Nuptial (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon