AUDRY'S PoVMASAKIT ang ulo ko nang magising ako, minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nasa kwarto na pala ako. Paano ako nakarating dito? Sinong nagbuhat sakin? Baka sila Kuya.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumasok sa banyo para maligo. Alas nuebe na pala, alas dies ang enrollment ngayon e kaya nagmadali na akong maligo.
Pagkatapos kong magbihis ay kumuha na ako ng damit sa closet. Faded jeans at peach sleeveless. Sinuot ko din ang airwalk na sneakers ko. Nagsuklay lang ako ng buhok at pinatuyo gamit ang blower kaya naging wavy na sya. Naglagay ako ng light make up at lipstick. Kinuha ko ang black gucci shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.
Narinig ko agad ang tawanan nila sa kusina kaya dumiretso na ako doon. Nandon silang lahat pero wala na si Calvin. Baka umuwi na kagabi. Ano ba pakialam ko?
"Oh! Pormang porma ka ngayon? San punta mo?" tanong ni Kuya Keith.
"Enroll malamang! Wala namang sasama sakin kaya ako nalang! Teka nga, sino pala ang nagdala sakin sa kwarto?" taas kilay na tanong ko sa kanilang lahat.
Hindi ko alam pero nagtawanan sila bigla! Errr!
"Hahahahahahahaha!" nagtawanan sila!
"Bakit ba?! Ang saya nyo ngayon ah?!" sarkastikong sabi ko kaya napapigil silang tumawa.
"Ahh... Si ano... Si.." paligoy ligoy pa si Kuya Cahil dahil natatawa sya.
"Sino nga?!" inip na tanong ko.
"Si... Calvin! Hahahaha!" nagtawanan na talaga sila!
Nagulat ako sa narinig ko. Si Calvin? Shit!
"Ano?! Bakit?! Bakit sya pa?! Pwede namang kayo! Nakakainis talaga kayo!" sigaw ko at nagpapadyak na sa inis.
"Hahaha! Ang bigat mo e! Besides, he insisted kaya wala na kaming nagawa! Haha!" tumawa pa si Kuya Yuein. Errr!
"Bahala kayo! Nakakinis na! Aalis na nga ako baka masira pa araw ko e!" sigaw ko sa kanila at tumalikod na para umalis. Narinig ko pa ang tawanan nila hanggang sa parking lot!
Kinuha ko sa bulsa ko ang susi at binuksna na ang kotse. Umupo ako sa driver's seat at pinaandar na. Imuwenestra ko ang manibela paharap sa gate namin na nakabukas na. Lumabas na ako ng gate at pinatakbo na ang sasakyan. Pagdating ko gate ng village ay binuksan din ng guards para makalabas ako.
Nag drive na ako papunta sa Labrinth International School dahil doon ang enrollment. Hindi na siguro marami ang tao dun kasi pangatlong araw na ito e.
Pagdating dun ay nakabukas na ang gate ng school kaya nakapasok na ako at pinark ang kotse ko sa parking lot. Maraming kotse din ang naka park kaya marami din ang tao.
Lumabas na ako at inayos ang suot ko bago lumakad papunta sa enrollment station. Sinuot ko ang shades ko at taas noong nag lakad.
Marami akong nakakasalamuha na mga students na nakatingin saakin at nakanganga ang bibig. Tsk. Here comes your queen bitches.
"Wow! Ang ganda nya talaga!"
"Oo nga! I envy her!"
"She's so cool!"
"She's so gorgeous! Huhuhu!"
"Diba ikakasal na sya? Grabe!"
"I love her!"
"I love you Audry! Ako nalang pakasalan mo! Love you! Hoooo!!"
Napalingon agad ako sa lalaking sumigaw malapit saakin. Hmm. He's cute pero hindi sya kasing gwapo ni Calvin. Bakit ko naman ikukumpara?
BINABASA MO ANG
The Nuptial (Ongoing)
RomansaThere was a woman who don't believe in true love because for her true love will only scatter you into tiny million pieces. That's only her thoughts. But one day, in just one hard slap she's married to a man who will put the broken piece of her back...