AUDRY'S PoV"ISABELLA..." narinig kong may bumulong sa tabi ko at tinapik tapik ang balikat ko. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at tumambad saakin ang kulay brown niyang mata. Seryoso ang mukha ni Calvin habang ginigisin ako.
Napabangon ako.
"Ano?" tanong ko habang humihikab at kinukusot ang mata.
"The food arrived. Let's eat" sabi nya at tinalikuran na ako. Nakita ko ang medyo malaking table, nandoon nag mga seafoods, lapu lapu na ang pula at mukhang fresh talaga, meron din buko juice at mukhang malamig pa ito. Kumalam ang tyan ko sa nakikita ko.
Tumayo ako para makaupo na at kumain. Inayos ni Calvin ang mga pagkain at inalalayan akong umupo. Gentleman?
"Ilang oras ako natulog?" tanong ko.
"2" sagot nya at umupo sa harapan ko.
Nilagyan nya ang plato ko ng lapu lapu at mga seafoods. Nilantakan ko agad ang pagkain dahil sa gutom.
"Slowly" narinig kong sinabi nya dahil sovrnag bilis ko kumain dahil sa gutom.
"Psh!" singhal ko at uminom ng buko juice. Woah! Fresh!
"Fresh, huh?" ngumisi sya at kumain ulit.
"Syempre! Fresh nga diba ang sinabi ko na orderin mo! Duh!" inirapan ko sya, ewan ko kung nasaan ang utak ng lalaking 'to.
"Tss. By the way, makakalabas ka na mamayang 3pm." sabi nya habang kumakain.
"Anong oras na?" tanong ko.
"1pm" sagot nya.
"Sinong susundo saakin? Sila Kuya 'ba?" tanong ko.
"No, I'll drive you home, that's tito's order" sagot nya kaya napasimangot ako.
"Err! Bakit ba palagi nila akong pinipilit sayo!? At ikaw naman bakit ba sumusunod ka dyan sa parents ko?! Nakakainis na talaga!" naiinis na talaga ako sa mga magulang ko! Ugh, mabuti nalang last na itong pagkikita namin ni Calvin at sisiguraduhin kong hindi ko na sya makikita pa.
"Tss, stop talking and finish your food" inismiran nya ako at kumain ulit habang may ka text. Paki ko?
Inubos ko ang lapu lapu sa pinggan ko pating ang buko juice. Habang kumakain ako ng seafood ay napaubo ako, parang nahihirapang ma digest ang pagkain sa tiyan ko at walang tubig! Paubos na rin ang buko juice!
"Are you okay?" tanong ni Calvin habang ako ay ubo ng ubo, umiling ako dahil hindi ko kayang magsalita. May kinakain pa ako sa bibig ko! Eww!
"Here!" nagulat ako ng inabot nya saakin ang isang container ng tubig! Gago ba ba sya? Aanhin ko yan?
"Hindi... Ku.. Muha.. Ka.. Ng.. Baso!! Ga.. Go.. Ka! Pa.. Patayin... Mo.. Ko!!!" sigaw ko at hinampas ang dibdib ko.
Aligaga syang kumuha ng baso at inabot saakin. Kinuha ko iyon at tinungga, pati sa paglunok ko ng tubig ang sakit sa lalamunan! Err! Nakakainis na talaga tong Calvin na ito!
"Haaay!" malalim at malakas na buntong hininga ang ginawa ko ng ma digest ang kinain ko. Ang sakit sa dibdib!
"Are you okay now?" nag aalalang tanong ni Calvin kaya napatingin ako sa kanya.
"Gago ka ba?! Bakit mo kinuha ang isang container?! Alangan naman lulunukin ko yun ng buo?! Ikaw papatay sakin e!" sigaw ko sa kanya at kumain ulit. May tubig naman na e! Okay lang kumain ulit!
"Tss. Then, why are you eating again, huh?" tanong nya at tinaasan ako ng kilay.
"WALA KANG PAKIALAM?!?" sigaw ko kaya napangiwi sya at tinakpan ang tenga nya.
BINABASA MO ANG
The Nuptial (Ongoing)
RomanceThere was a woman who don't believe in true love because for her true love will only scatter you into tiny million pieces. That's only her thoughts. But one day, in just one hard slap she's married to a man who will put the broken piece of her back...