Naglalakad si Cheska ngayon papuntang hospital para bisitahin ang kanyang pamangkin .
Isang buwan na kasi itong naka confine doon at wala na rin itong mga magulang dahil namatay ang mga ito sa aksidente . Kasama ang pamangkin nya na naaksidente pero swerteng nakaligtas ito .
Naawa sya sa sitwasyon ng pamangkin nya at sya na lang ang natitirang kamag anak nito kaya naman naisip nyang kupkupin ito . Dalaga naman sya sa edad na bente otso at wala ring pamilya . Naisip nyang kupkupin ang pamangkin para naman magkaron rin sya ng kasama sa bahay .
Pumasok na sya sa kwarto kung saan naka confine ang pamangkin nya . Nakita naman nya itong tahimik na nagdadrawing . Ang pagdadrawing na ang naging libangan nito simula nang mamatay ang mga magulang nito .
"Hi Xyna . Kamusta ? Dinalhan nga pala kita ng paborito mong prutas " sabi nya sa pamangkin habang nilalagay nya ang mga dala nyang prutas sa isang mesa .
"Okay lang po ate . Wow ! Thank you po ! " masayang banggit nito pagkatapos ay kumuha ito ng mansanas na dala nya .
Napangiti sya sa kinilos ng pamangkin . Mukhang nakakarecover na ito mula sa aksidente .
"Ano yang dinodrawing mo ?" Tanong nya sa pamangkin ng mapansin nya ang hawak nito . Pinakita naman sa kanya ni Xyna ang bond paper na hawak nito .
"Isang pusa . Ang ganda po ng drawing ko noh ? ^_^ " masiglang tanong nito . Ngumiti sya dito at tumango tango .
"MEOOWW !! "
*scraaatttttcchh *
*boooogggssshhh*
Nanlaki ang mata nya ng makita niya ang nahulog na pusa mula sa bubong ng bahay na nasa tapat ng kwarto ni xyna .
"Eww!! Kadiri !!" Narinig nyang sabi mula sa labas kaya naman lumapit sya sa bintana ng kwarto ni xyna at nakita nya ang pusa na labas ang laman habang nakaharang sa daan . Bawat tao na mapapadaan sa harap ng pusa ay nagtatakip ng ilong at lumalayo sa patay na pusa .
Nandiri naman sya sa nakita at parang masusuka
"Ate ano yun ? " tanong sa kanya ni xyna kaya naman napatingin sya dito .
"A-ahh . Wala yun " sagot nya dito . Umalis na sya sa tapat ng bintana at lumapit sa pamangkin nya .
Bigla namang nagbukas ang pinto ng kwarto ni xyna at pumasok dito ang isang doktor . Chineck muna nito si xyna pagkatapos ay nagsalita .
"Pwede mo na syang iuwi . Konting pahinga lang tapos wag masyadong i-stress . Madali naman makarecover ang batang ito kaya alam kong makakalimutan nya rin ang traumang dinanas nya mula sa aksidente ." Sabi ng doktor kay chelsea .
"Sige po . Salamat po doc " sagot nya sa doktor pagkatapos ay lumabas na ito.
-------------------------------------------------------
"Eto nga pala ang bahay ko xyna . At dito ka na rin titira " sabi nya sa pamangkin habang binubuksan nya ang kandado ng bahay nya . Pagkabukas nya ng pinto ay pumasok na sila dito .
"Pagpasensyahan mo na kung medyo maliit itong bahay . Sya nga pala , nasa taas naman ang kwarto mo . Inayos ko na rin yun at pinapinturahan ng pink . Diba pink ang paborito mong kulay ? " tanong nya sa pamangkin .
"Hindi . Pula po ang paborito kong kulay " sagot sa kanya ni xyna . Sa pagkakaalam nya ay pink ang paboritong kulay nito kaya naman gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha .
"A-ahh . G-ganun ba ? Sige . Papalitan ko na lang ng kulay red sa susunod ang kwarto mo . akala ko pink ang favorite color mo eh ! Pasensya na ." Sagot nya sa pamangkin habang nagkakamot ng ulo .
"Okay lang po . Tita , nagugutom na po ako " sabi naman ni xyna .
"Ahh ! May niluto akong adobo . Ibaba mo muna yang bag mo at kumain muna tayo . Nagugutom na rin ako e ! " nilapag nya na ang mga pinggan at baso na gagamitin sa mesa at ang kanin at ulam . Maya maya ay natapos na silang kumain kaya naman pinaakyat na nya si xyna sa kwarto at sya na ang naghugas at nagligpit ng pinagkainan nila .
Pagkatapos maayos ni Cheska ang pinagkainan nila ay umakyat ito papunta sa kwarto ni xyna .
Tulad ng nakagawian , naabutan nya itong nakaupo sa kama at nagdadrawing . Nakita nya na nagdadrawing ito ng paaralan . Napatingin naman sa kanya si xyna ng mapansin nito ang presensya nya .
"Gusto mo na bang pumasok ? " tanong ni cheska sa pamangkin .
"Opo tita . Gusto ko na pong mag aral ." Sagot naman ni xyna . Napangiti naman sya sa sagot ng pamangkin nya .
"Wag kang mag alala . Na enroll na naman kita sa malapit na school dito kaya bukas na bukas , papasok ka na . " sabi ni cheska kay xyna . Agad namang nagliwanag ang mukha ni xyna sa sinabi ng tita nya .
"Talaga po ? Salamat po talaga tita ! " masayang sabi ni xyna kay cheska .
"O sige , matulog ka na para makapagpahinga . Isa pa , tulad ng sinabi ko , papasok ka na bukas sa school . " sabi ni cheska sa pamangkin . Humiga na si xyna at kinumutan nya ito .
"Godnight xyna " sabi ni cheska . " goodnight rin po tita " sagott naman ni xyna sa kanya . Sinara na ni cheska ang ilaw at lumabas na ng kwarto .
"Makakapaglaro na rin ako " sabi ni xyna sa sarili pagkatapos ay ngumiti .