UNIT 5

33 2 0
                                    

- Huhu ! Metegel tegel ne update . Pag tiisan nyo ang sobrang sabaw na chapter nato . Walang pumapasok sa utak ko at piniga ko lang yun kaya medyo peyl to XD Enjoy . mwehe

Pagpasok pa lang ni xyna ng paaralan ay agad nyang nakita si jamie sa isang bench na nakatulala .

"Oy . Anyare sayo ?"tanong nya dito .

" Wala . Nakakalungkot lang nung nalaman ko yung pagkamatay ni johnny . Alam mo yun ? Kahit papaano e minahal ko rin ang gagong yun " kwento ni jamie pagkatapos ay mahinang tumawa .

" Sana makulong na yung pumatay sa kanya . Balita ko pa na ang brutal daw ng ginawa sa kanya " naikuyom naman ni xyna ang palad nya sa sinabi ng kaibigan .

"DAPAT LANG YUN KAY JOHNNY ! MANHID KA BA O SADYANG TANGA LANG ?! HINDI BA'T SINAKTAN KA LANG NAMAN NG LALAKENG YUN ?! AKALA KO BA GUSTO MO SYANG MAMATAY ?! NGAYONG NAMATAY NA SYA MALULUNGKOT KA ?! HINDI BA YUN NAMAN ANG GUSTO MO !!" sigaw ni sa xyna sa harap ni jamie at hiningal sa bilis ng kanyang pagsalita . Pinagtinginan naman sila ng ibang estudyante pero hindi na lang nila ito pinansin .


"X-xyna ....." halata ang gulat si jamie sa sinabi ng kaibigan . Napahawak naman agad si xyna sa kanyang ulo na parang nahihilo .

"S-sorry . Hindi ko sinasadyang sabihin yun " sabi sa kanya ni xyna pagkatapos ay tumakbo na ito palayo sa kanya .

"Xyna !!" tawag nya dito pero hindi na ito muling lumingon .

Nagulat na lang si jamie nang may bigla na lang sumampal sa kanya kaya naman agad syang nagulat at napanganga .

" Kulang pa ang sampal sayo , bitch ! How dare you na pangaraping mamatay si johnny ?! Ganyan ka ba talaga kadesperada ?! O baka naman ikaw pa ang pumatay sa kanya ?! " bintang sa kanya ni rica .

" No ! Hindi ako pumatay kay johnny ! Hindi ko magagawa yun !" singhal nya dito pagkatapos ay umiling iling .

" Well , nagawa mo na . Mapunta ka sana sa impyerno , bitch !" naiwang natulala si jamie sa sinabi ni rica habang pinagbubulungan naman sya ng mga studyante at masamang nakatingin sa kanya .

Bakit ? Bakit sya ang sinisisi sa pagkamatay ni johnny ? Oo , hiniling nya na mamatay na si johnny pero hindi yun ibig sabihin na gusto nya talagang magkakatotoo yun . Literal na magsalita sya ng ganun lalo na sa mga taong kagalit nya o kaaway nya .

Nag-ring na ang bell , ibig sabihin ay start na ang klase pero nanatili pa ring tulala si jamie habang nakaupo sa bench dahil sa mga nangyari .

-------------

Tumatakbo si xyna habang sapo sapo pa rin ang ulo .

Napatigil naman sya ng harangin sya ng tatlong babae .

tiningnan nya ng masama ang tatlong babae .

"Padaanin nyo ako." matigas at maawtoridad na sabi ni xyna pero tinaasan lang sya ng kilay ng mga ito .

"Excuse me ? Who do you think you are para utusan kami ?" mataray na tanong ng babae sa pinakaharap .

"Pwede ba ! Hindi ko kayo kilala at wala akong panahon sa inyo kaya tumabi kayo !" maawtoridad pa ring pagkakasabi ni xyna pero tinawanan lang sya ng mga ito .

"Bitch please ! Nagtatapang tapangan ka ? Akala mo matatakot ako sayo ?" natatawang sagot sa kanya ng babaeng nasa pinakaharap .

Agad na nagdilim ang paningin ni xyna sa sinabi ng babae at sinakal ito . Nagulat naman ang dalawang kasama ng babae at parang natatakot dahil sa ginawa ni xyna

"Simulan mo ng matakot dahil malapit ka na ring mamatay " seryosong sabi ni xyna habang masamang nakatitig sa babae .

"XYNA !!" nabitawan naman agad ni xyna ang babae at napasapo ulit sya sa kanyang ulo .

"Arrghhh !!" sigaw ni xyna ng maramdaman ang sakit .

Patakbong umalis ang tatlong babae na tila natatakot sa nangyayare kay xyna . Agad namang lumapit si dave na tumawag sa kanya . Inalalayan naman sya nito .

"Anong nangyayari sayo ?! Okay ka lang ba ?" tanong sa kanya ni dave .

"B-bitawan mo ko !" sigaw sa kanya ni xyna at inalis ang nito ang pagkakahawak nya . Agad namang tumakbo palayo sa kanya si xyna habang hawak hawak pa rin nito ang noo .

Hahabulin nya sana ito pero nanatili na lang sya habang tinitingnan ang paglayo ni xyna .

"Ano bang nangyayare sayo xyna ?" tanong ni dave sa sarili .


"AAARRRGGHHHH !!!!" sigaw ni xyna ng makapunta na sya ng banyo . Agad syang napaupo sa sakit ng ulo na nararamdaman nya .

"Malas ka xyna !!"

"Batang malas ! Batang malas !"

"Ikaw ang pumatay sa kapatid mo !"

"Dahil sayo , namatay ang mga magulang mo !"

"ARRRGGGHHHH!!!!" Parang nababaliw na sigaw ni xyna dahil sa mga naririnig nyang boses .

Kumalma naman si xyna at naging biglang seryoso .

"Papatayin ko kayong lahat . Papatayin ko kayong lahat " paulit ulit na bigkas ni xyna habang nakangisi na parang demonyo .

Napabaling naman ang tingin nya sa isang cubicle ng may narinig syang ingay mula doon .

Naglakad sya palapit sa cubicle at binuksan . Napangisi naman sya ng makilala kung sino ang nasa loob .

Si Joyce na isang nerd at kaklase nya .

"A-ahh x-xyna w-wala akong narinig " kinakabahang sabi nito habang halatang tagatak na ang pawis .

"Talaga?" nakangising tanong sa kanya ni xyna habang unti-unti syang nilalapitan nito .

one DRAW , one DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon