CHARMAINE 'S DEATH

38 4 0
                                    

Naglalakad si charmaine para maghanap ng taxi. Hindi kasi sya masusundo ng driver nila dahil ginamit ng mommy nya ang kotse.

Habang naglalakad ay napansin nyang may sumusunod sa kanya. Nagpatuloy na lang sya sa paglalakad at winaglit ito.


Bigla namang pinagpawisan si Charmaine dahil ramdam talaga nyang may sumusunod sa kanya.  Napabilis sya sa paglalakad.

"AAAHHHHHHHHH" napasigaw sya ng biglang may sumulpot na babae sa harap nya.

"What the fvck xynaIkaw lang pala yan! Geez! " inis na banggit nito pero nanatili pa ring blangko ang ekspresyon ni xyna.


"Ba't ka ba nandito?!  Umalis ka nga sa harap ko!  " sigaw nya kay xyna pagkatapos ay tinulak nya ito pero hindi man lang natinag si xyna sa ginawa nya.


"Sampung hakbang para sa buhay mo " malamig na sabi ni xyna kay Charmaine.


"What?!  Anong ibig mong sabihin?! " takang tanong ni charmaine dito.

"Isa. " kinabahan sya ng biglang humakbang palapit sa kanya si xyna.


"Dalawa." bigla na syang natakot at umaatras. Ano ba ang ibig ipakahulugan neto?!


"Tatlo. "

"Apat. "

"Lima" habang humahakbang si xyna palapit sa kanya ay sya naman nyang atras. 


"Anim" hindi naman sya makatakbo dahil naninginginig ang paa nya sa sobrang kaba at takot.

"Pito" nagulantang sya ng makita nya ang isang kutsilyo na hawak ni xyna na nakatago sa likod nito.


"Walo" nginisian sya ni xyna ng makita nya na may hawak itong kutsilyo.

"You freak!  A-anong gagawin mo sakin?!!" kinakabahang tanong nya. 


"Siyam " gusto nya nang tumakbo. Alam nyang papatayin sya ni xyna sa hindi nya alam na dahilan. 


"Sam--" hindi pa natatapos ang sasabihin ni xyna ay bigla na syang tumakbo.  Hindi nya alam na nasa highway na sya at may paparating na truck sa kanya .

"AAAAHHHHHHHHH!!"


*BEEEEEEEEEEPPPPPP*

*SCRAATTTTTCHHH"

Napangiti si xyna sa nakita.  "Sabi ko naman sayo eh.  Sampung hakbang para sa buhay mo pero tumakbo ka " tinignan nya muna ang bangkay ni charmaine na pinagkakaguluhan na ng tao pagkatapos ay sumakay na trycycle para matulog. Umalis kasi sya sa bahay ng walang paalam sa tita nya kaya kailangang nyang magmadali at baka maabutan pa sya neto na wala sa kwarto..


AN: Dapat sa dulo ko na ilalagay yung mga dahilan ng pagkamatay ng mga characters pero feel ko maguguluhan kayo kaya nilagay ko na agad.  Thank you for reading!  XOXO

one DRAW , one DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon