"Nakita mo ba si xyna ?" agad na tanong jamie ng makita nya si dave .
"Oo pero parang may kakaiba sa kanya . Sundan natin ?" tanong naman sa kanya ni dave kaya di nag-atubili si jamie .
"Tara !" sagot nito at agad hinila si dave .
Naglalalakad sila ngayon papuntang C.R dahil dito nakita ni dave papunta si xyna .
"AAAAAAHHHHHHHHH !!!!!!" Nagkatinginan si dave at jamie ng marinig ang sigaw na yun at agad tumakbo papunta sa pinang-galingan ng sigaw .
Nilapitan nila si xyna ng makita itong sumisigaw na parang baliw at umiiyak .
"Xyna ! Xyna ! Anong nangyare ?!!" tanong ni dave kay xyna . Napansin nya naman ang panginginig at pagkatulala ni jamie habang may itinuturo ito .
"D-dave....." nangingig na sambit ni jamie .
Napalingon naman si dave sa tinuro ni jamie at agad naman nanlaki ang mata nya at nandiri . Nakita nya kasi ang halos wasak wasak na tyan at kitang laman ng kaklase nyang si Joy sa cubicle na nasa likod nya at kalat kalat na dugo nito .
Niyakap naman ni xyna si dave at humagulgol dito .
Napansin naman nilang parami na ng parami ang mga estudyanteng nakakausyoso sa C.R . Siguro ay narinig rin ng mga ito ang pagsigaw ni xyna .
Kapwa nandidiri ang mga ito sa nakita habang binalot naman ng kaba ang iba .
"Tumawag kayo ng pulis !! Bilisss !" sigaw ni dave sa kanila kaya naman tarantang nilabas ng mga estudyanteng nandun ang kanilang cellphone . Nagsitakbuhan naman ang iba upang humingi ng tulong sa mga guro o principal .
Inalalayan naman ni dave at jamie si xyna sa pagtayo nito . Tuloy pa rin ito sa pag iyak habang pinapatahan sya ni jamie .
Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga pulis at principal ng school . Pinalabas naman ng mga ito si dave , xyna at jamie
Pagkalabas sa C.R , naghanap agad sila ng mauupuan . Pinaupo naman ni Dave si xyna sa isang bench habang inaalalayan pa rin ito ni jamie
"Bantayan mo muna si xyna . Bibilan ko muna sya ng maiinom" bilin ni dave kay jamie . Agad naman tumango ito kaya tumakbo na sya papuntang canteen .
Binaling naman ni jamie ang tingin kay xyna .
"Nakita mo ba kung sino ang gumawa nun kay joy?" tanong ni jamie at xyna pero napailing lang ito .
"Hindi . Pagkapasok ko sa C.R , nakita ko agad sya sa cubicle na yun kaya sumigaw agad ako . Grabe jamie ! Natatakot ako sa nakita ko !! Natatakot ako !!" napahagulgol ulit si xyna at niyakap si jamie . Hinimas himas naman nito ang likod nya habang pinapatahan .
Maya-maya ay dumating na si dave na may dala dalang mineral water .
"Uminom ka muna xy"sabi ni dave .Agad naman itong ininom ni xyna .
"Maari ba namin kayong makausap ?" Napaangat naman ng tingin ang tatlo sa dalawang pulis na seryosong nakatingin sa kanila .
----------------
Nasa principal office sila ngayon at hinihintay ang mga pulis .
"X-xyna . Ano...Sorry kung may sinabi akong mali na ikinagalit mo ------"naputol ang sasabihin ni jamie ng tiningnan sya ni xyna na naka kunot-noo .
"Ha ? anong ikinagalit ko ? Nagalit ba ako kanina ?"takang tanong nito sa kanya .
"A-ahh . Wag mo na lang intindihin yung sinabi ko . Hehe " sabi na lang ni jamie at iniwas agad ang tingin kay xyna .
Nagulat sila ng biglang may pumasok na lalake na parang nasa edad forty's . Hindi ito isa sa mga pulis kanina . Lumapit naman ito sa kanila at hinarap sila .
"Ako nga pala si detective Lee . At hindi na ako magpapatumpik tumpik pa . Sino ang unang nakakita sa insidente ?" tanong sa kanila ng detective .
"Ako po . Sabay po kaming pumasok ni jamie nun tapos bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng ulo ko kaya naisipan kong pumunta ng C.R tapos pagkapasok ko , nakita ko na lang po dun si joy na nakabulagta sa isang cubicle " sagot ni xyna at nagsimula na ulit syang umiyak . Agad naman syang nilapitan ni dave at pinatahan .
Napakunot-noo naman si jamie habang seryosong nakatingin kay xyna .
"Wala ba kayong nakikilalang may galit kay joy ?" tanong ulit sa kanila ng detective . Si jamie na ang sumagot dito .
"Wala naman po kasi tahimik lang sya tsaka wala pa syang masyadong kaibigan . Kumbaga loner lang naman sya kaya wala akong maisip na may gagawa nun sa kanya . "
napatango na lang ang detective .
"O sige . Excuse muna kayo sa ibang subjects nyo . Mabuti pa't umuwi na muna kayo . Lalo na si xyna dahil baka natrauma sya sa nangyare" sabi ng detective pagkatapos ay lumabas na ng office na yun .
Inalalayan na ni dave si xyna na tumayo .
"Mabuti pa't iuwi muna natin si xyna " sabi ni dave kaya tumango na lang si jamie . Nauna nang naglakad si dave habang inaalalayan si xyna . Nasa likod naman nila si jamie at seryoso pa ring nakatingin kay xyna .
Naalala nya yung mga pangyayari simula ng sabay kaming pumasok hanggang sa pagsakit ng ulo nya pero yung part na sinigawan nya ako , hindi ? Imposible ....
Nagmadaling umuwi si cheska ng tinawagan sya ni jamie tungkol kay xyna .
Maya-maya ay dumating si xyna habang buhat buhat ni dave . (yung pang bride)
"Naku ! Anong nangyari sa pamangkin ko ?!" alalang tanong ni cheska .
"Nakatulog lang po sya sa byahe " sagot naman ni dave kaya napabuntong hininga naman si cheska .
"Hays. Akala ko kung ano na . O sige ! Mabuti pa't ihiga nyo muna si xyna sa kwarto nya " sabi ni cheska at naglakad papuntang kwarto ni xyna habang nakasunod naman sina jamie at dave sa kanya .
Inihiga na ni dave si xyna sa kama nito . Pagkatapos sabay na silang bumaba ni jamie kasama si cheska .
" Dito na kayo mag hapunan " yaya ni cheska sa kanila pero umiling lang sila dave at ngumiti .
"Wag na po tita . Okay lang po kami . Basta po makapagpahinga si xyna ng maayos " sagot ni jamie dito .
Tumango na lang cheska pagkatapos ay inihatid na sila jamie at dave palabas ng bahay .
"Mag iingat kayo ah "sabi ni cheska . Agad naman tumango si jamie at dave pagkatapos ay pinaandar na ang kotse.
![](https://img.wattpad.com/cover/28290837-288-k479425.jpg)