JOY'S DEATH

41 1 1
                                    

dinidedicate ko po to kay @cyrInval . Hi bro ! Hahaha !

----------------

"Talaga ?" nakangising tanong ni xyna habang unti unting lumalapit kay joy .

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon " dagdag ni xyna . Para itong demonyo kung tumingin at ngumiti kaya nakaramdam ng takot si joy .

Habang tila nasisiyahan naman si xyna ng makita ang ganung itsura ni joy . Eto rin kasi ang drinowing nya nung naboring sya sa math class kahapon kaya laking tuwa ni xyna na hindi nya na kailangan sundan si joy upang patayin dahil nasa harapan nya na ito ngayon .

"A-anong gagawin mo sakin ?" kinakabahang banggit ni joy . Nilabas naman ni xyna ang kutsilyo na nasa palda nya at dinikit ito sa mukha ni joy .

"Ano kaya sa tingin mo ang gagawin ko sayo ? Kapag tama ka , pakakawalan kita ." nakangisi pa ring tanong ni xyna kay joy habang pinaglalaruan nya ang kutsilyo sa harap nito .

"Pa---pa----" mautal utal na sabi ni joy . Tila nahihirapan sya sa pagbigkas ng salitang iyon .

"Aww . Sayang mali ka . Hindi papa ang tamang sagot . Hahaha ! " parang baliw na sabi ni xyna . Nagulat na lang si joy ng makaramdam sya ng matalim na bagay sa kanyang tiyan . Agad nanlaki ang mata nya ng makita ang pag agos ng dugo nya .

"Akala ko ba matalino ka ? Simpleng tanong lang di mo pa masagot . Sayang tuloy . Magdusa ka ngayon " tila hindi nakuntento si xyna sa ginawa kay joy . Pinagsasaksak nya pa ito ng ilang beses sa tyan at likod .

Wala ng buhay si joy pero parang batang pinagsasaksak pa rin ito ni xyna . Tila tuwang tuwa sa kanyang ginagawa .

Bigla naman syang nakarinig ng boses kaya agad nyang hinugasan ang kutsilyo na gamit nya at tinago ito sa pinaka ilalim ng bag nya . Tinanggal nya na rin ang suot suot na gloves .

Narinig nya ang unti unting palapit na yabag papunta sa C.R .

"AAAAHHHHHHHHHH !!!" Sigaw nya at nagpanggap na parang takot na takot sa nakita . Nakita nya naman ang agarang pagpasok nila Dave at jamie kaya lihim syang napangiti .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

one DRAW , one DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon