"Nabalitaan nyo na ba? Patay na daw si Charmaine. "
"Talaga? Ano daw kinamatay? "
"Car accident daw. Dead on arrival "
"Diba yun yung sikat na bitch sa 4-2 ?"
Napangiti naman si Xyna sa mga naririnig nya habang naglalakad sa hallway.
Mabuti nang mamatay sya. Ng hindi na sya makapang bully dito sa school .
Nagulat sya ng biglang may humawak ng likod nya. Nakita nya naman si jamie paglingon nya.
"Sabay na tayong pumasok ng room ^_^ " tumango na lang sya sa sinabi ni jamie at sabay na naglakad papuntang room nila.
Pagkapasok nila , ay saktong pumasok rin ang adviser nilang si Leia.
Umupo na sila ni jamie sa upuan nila pagkatapos ay tumingin sila sa adviser nila .
"Sorry to say class, but your classmate, Charmaine Montefalco is now dead because of car accident. May she rest in peace " malungkot na pagkakasabi ng adviser nila kaya naman agad nagbulungan ang mga kaklase nila.
"What ?! Parang kahapon lang inaway nya tayo ah? Di ko tuloy alam kung malulungkot ako o matutuwa " sabi ng jamie .
"I think mas magandang maging masaya ka na lang kasi sa wakas wala ng mangbubully satin even thought kaklase natin sya. Isa pa , di naman natin sya close " sagot naman ni xyna sa kanya.
"Sabagay may point ka. Paparty na ba ako? Hahaha! " sabi ni jamie kay xyna pero binigyan lang sya ni xyna ng ngiti . Isang misteryosong ngiti.
------------------------
Nagring na ang bell kaya naman nagsilabasan na ang mga studyante sa room.
"Hey xyna! Ikaw na muna mag isa sa canteen kasi pinatawag ako ni Mrs. Falcon sa faculty. " sabi ni jamie habang nagliligpit sila ng gamit ni xyna.
"Huh? Pero--------"
"Pasensya ka na. Importante kasi yun eh! Sige alis na ko. Baka pagalitan pa ko ni mam! Bye! " tumakbo na palabas ng room si jamie kaya naman naiwan si xyna mag isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/28290837-288-k479425.jpg)