CHAPTER 7

21 3 0
                                    

GAME OF LOVE

"How can you say that MY DAUGHTER is your girlfriend, huh?"

Tanong ni Dad sa lalaking nakatayo sa harap niya. Pagkatapos makipag usap nitong lalaki  sa mga nurse kanina ay sakto namang pagdating ni Daddy at mga bodyguard niya. Makikita sa mata niya ang pagkabigla at alam kong naguguluhan siya sa nangyayari pero magalang parin siyang bumati kay Daddy. Maayos naman siyang sumama sa mga bodyguard papunta sa opisina.

"First of all sir, I wanna introduce myself---"

"Na-ah. That's not the answer of my question. I don't need your name." Putol agad ni daddy sa sasabihin nung guy kaya napabukas at tikom ang kanyang bibig. For a second, nakita kong natakot siya pero agad din naman niyang binago ang knyang expression parang hindi takot sa presensya ni Daddy at sa pagtatanong niya.

"Daddy, don't scare him..." Bulong ko kay Daddy.

"S- sir uhm nakilala ko po siya sa twitter, nabighani po ako sa ganda ng anak niyo kaya po ichinat ko po siya pero hindi niya po pinapansin kaya naging mas pursigido po ako at kinulit ko po siya hanggang sa nagreply po, and nagchachat po kami ng matagal, at hindi po nagtagal niligawan ko na po. Tapos po ay sinagot niya ako through chat lang po. This is our first date sana po kung hindi lang po kami naaksidente. I'm sorry po sir. Pero mahal ko po talaga ang anak niyo, at mas lalo po akong nahulog ngayong nakita ko na po siya..." Mahaba niyang explanasyon.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nagkatinginin kami ni dad, naghihintay kung ano ang masasabi ko. Wala rin naman akong masabi dahil wala akong cellphone! Paano ako magkakacellphone e kinuha nga ni Zander saka wala naman akong ine-entertain sa social media accounts ko.

"Dad, it's not true. Baka po iba yung gf niya saka napagkamalan lang ako. Paano ako magkaka---"

"Hindi ako nag sisinungaling, Cdef. I know you know me... please, aminin mo na sa Daddy mo." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Aaminin? Wala akong aaminin! You know mister baka poser ko yun! For your information5, WALA AKONG CELLPHONE! Matagal na rin akong hindi nagoonline almost 1 month na kaya wala talaga akong aaminin!"

Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Pati rin naman ako, mabibigla rin pag nalaman kong poser yung boyfriend ko! Tumingin pa siya ulit sa akin bago niya kinuha yung cellphone niya at may pinipindot siya doon habang nakakunot ang noo.

"See it yourself, huwag mong sabihing hindi ikaw yan."

Binasa ko mula umpisa hanggang sa na nagpaligaw na ako. Hindi ko na kinaya ang mga reply ko sa knya.

This is NOT ME!

Tumayo na ako at pumunta sa tabi ni Axile. Kilala ko na siya. Siya lang naman yung makulit na chat ng chat sa akin. Hinarap ko na si Dad at huminga ng malalim bago nagsalita.

"Sorry Dad.. he's my boyfriend, I just didn't recognize him." Sabay baling ko kay Axile.

"Sorry..." mahinang sabi ko sa kanya. Napangiti na siya sa akin at halata sa mukha niya ang kasiyahan dahil sa sinabi ko kay Daddy.

"Okay then, Boy, you know she's my Princess, don't mess with her or else." Seryosong sabi ni Dad kay Axile.

Thanks God, hindi siya galit. So, okay na din pala akong magboyfriend ha? If Mom's here, hindi ko na alam kung paano makakasurvive tong lalaking katabi ko.

"Yes po, sir. Thankyou very much, sir." Sagot naman niya sabay baling sa akin. Pilit na ngiti naman ang ginanti ko sa kanya.

Marami pa silang pinag usapang dalawa, hindi na rin ako nakisabat at nakinig dahil mas mahalaga ang iniisip ko ngayon at wala rin naman akong pake sa pinagsasabi nila lalong lalo na tong "boyfriend kuno".

Cheap grabe, sa chat nanliligaw, walang kaeffort effort man lang. Ts.

Sa wakas ay natapos na rin silang mag-usap kaya lumabas na kami at niyaya ako ni boyfriend magkape, para daw makapag - usap naman daw kami, siempre ang Dad pumayag din kaya heto, andito kami ngayon sa cafe at tahimik lamang na nakaupo hanggang sa basagin niya nga katahimikan.

"So Cdef, why didn't you recognize me?" Tanong niya.

"Coz I don't know you." Sagot ko naman agad sa kanya. Lihim akong umirap dahil kung makapag tanong eh close na close kami.

Amfee rin eh!

"Please, magseryoso ka naman. Ba't ibang iba ka sa chat at sa personal? You're sweet, but here you're acting weird and cold. We are in relationship not playing hard-to-get whatsoever it is."

"Kasi nga hindi ako yung girlfriend mo dahil hindi naman ako yung kachat mo doon." Pairap kong sabi. Napakunot naman siya ng noo at kita sa mukha niya agpakalito at iritasyon kaya hindi ko maiwasang mapangiti ng konti.

Ano? I'm not a cheap girl na basta na lang makukuha sa chat no! Kala niya siguro sa'kin easy-to-get, ts.

"Huwag mo nga akong paglaruan Cdef! Please, magsabi ka naman ng totoo. Diba, you said there kanina sa Dad mo na boyfriend mo ako? But now, ngayong dalawa lang tayo ba't ganyan! You're treating me like a stranger which is not dapat dahil ako ang boyfriend mo, Cdef! Hey... please, tell me what's wrong so that we can solve it right away."

Srsly? Grabe siya.

Napairap na naman ako at luminga sa labas at may nadaan ang mata ko na kakilala ko kaya ibinalik ko doon ang tingin ko. At nabigla ako dahil nagtama ang aming tingin, walang emosyon siyang nakatingin sa akin kaya tinaasan ko na lang siya ng kilay bago ibinaling ang tingin ko sa nagmamaktol na "boyfriend kuno" ko.

Zander... I'll play your game.

"Sorry baby sa inasta ko. I'm just testing you kasi si Dad e, gusto ka niyang makilala kaya I did it on purpose, sorry... babawi ako, promise baby." Matamis ko saad sa kanya.

Tumayo na ako at ginawaran siya ng matamis na halik sa kanyang pisngi at habang ginagawa ko iyon ay nakatingin ako kay Zander at kinindatan siya. Bakas sa mukha niya ang iritasyon kaya mas ginanahan akong magpanggap.

Hahahaha walang katumbas ang saya ko pagnakikita ko yang iritable mong mukha, Zander. Hahahahaha!

Sabi ko na lang sa sarili ko.

Umupo na ako sa upuan ko at sumimsim sa kape ko. Matapos ang ilang minuto ay hindi pa rin nagsasalita itong boyfriend ko kaya tinignan ko siya.

Anong nangyari dito? First time niya bang mahalikan sa pisngi? Grabe! hahahaha uliten ko nga.

Tumayo na ulit ako, tinignan siya sa mata at binigyan siya ng matamis na ngiti bago ko ulit hinalikan ang kabila niyang pisngi. Habang nakadikit ang labi ko sa pisngi niya ay hindi ko maiwasang tignan si Zander na nakakuyom na ang knyang kamao habang nakatingin sa gawi ko kaya, kinindatan ko ulit siya bago bumalik sa upuan ko.

Hahahaha how I love that reaction, Zander.

Napasmile na lang ako at tinignan itong boyfriend ko kung buhay pa ba kasi hindi pa siya nagsasalita.

Shock na shock? Lalaki ba talga to o babae? Grabe na.

"Are you okay baby? Di ka na nagsasalita jan."

"Why the sudden change of attitude? Bakit mo ko hinalikan?"

Sa wakas nagsalita na siya but I didn't expect him questioning me about it.

Diba, yun naman ang gusto niya? Babae yata tlga to, may PMS yata.

Bago pa man akong makasagot ay may padabog na tumayo at umalis sa cafe kaya naagaw ang atensyon namin sa kanya.

Zander, zander, zander.. hmm sobra mo na akong pinapasaya. Hahahahaha!

Ngi-ngiti akong binalingin siya ng tingin at ng magtama ang amin tingin ay kinindatan ko ulit siya sabay kagat sa labi dahil ang hirap ng magpigil ng tawa.

Sobra ka na tlga, Zander...

Ng makaalis na siya ay tumayo na rin ako at nagpaalam sa boyfriend na uuwi na ako at nagdahilan na lang para hindi na niya ako kuliten. Sabi ko na lang na magchachat kami kahit na hindi naman ako yung kachat niya.

---

Next chapter...

GAME OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon