Thanked God it's Saturday. I don't want to go to school.
Late na ako nagising dahil hindi ako makatulog kagabi dahil sa nangyare kahapon. The confrontation, confession and all! Grabe, andaming ganap. How did we end up like that?
Zander never leave me until tumahan ako. Hinatid niya pa ako sa van and siya pa nagclose ng pinto.
Until makauwi ako, hindi pa rin nag sisink in yung nangyare. Kaya ang end up, walang tulog at sabog today.
Pumunta na ako sa banyo para maghilamos and sipilyo and after that I ate my breakfast and lunch together with yaya because my parents are in business trip again.
"Yaya, noong kabataan niyo po, paano mag confess ang mga guy noon?" I asked yaya.
"Ah noon iha, siempre noon napakatradisyonal. Hindi pa uso noon ang makateknolohiya na bagay kaya kapag may nagkakagusto sayo, gumagawa sila ng love letter at may kasamang bulaklak. Alam mo anak, napakasweet ng mga lalaki noon, ma effort, araw araw ba namang love letter at bulaklak sinong di kikiligin? Pero may pagkatorpe sila, kase mga ilang taon muna bago mo makikilala yung lalaki na nagbigay, tapos manliligaw na sila." Mahabang paliwanag ni yaya.
"Ha? So meaning yaya, you don't know kung sino yung admirer mo? Like, those love letters and flowers ay only given by their messenger? So, paano yung progress? I mean, how will it work? Did you write back?" Lito kong sabi.
Grabe naman, mga ilang taon pa bago mo malaman yung admirer mo? And you have no idea kung sino yun, maybe your guy friend? But, it's cute tho.
"Hindi iha, noon uso na din magpabebe. Siempre mga ilang love letters pa bago ako magsulat pabalik, siguro abutin dn ng ilang buwan kase dyan din namin tinetest kung makatagal ba silang maghintay. Alam mo anak, hindi sa pagyayabang pero madami akong admirer noon. Napupuno yung bag ko ng love letters pero habang tumatagal, komukonte na ang sumusulat. Hanggang isang araw, isa nalang yung love letter at siya ang kauna- unahan kong sinulatan." Sagot ni yaya.
Nakakamangha talagang makinig kay yaya sa kwento niya. Kinikilig ako tuloy.
"Tuloy mo yaya." Nakangiti kong sabi. "Is he your husband ba?"
Ngumiti si yaya sa akin. "Pagkatapos ko siyang sulatan, nagpakilala na siya akin and niligawan niya ako. Makalipas ng ilang buwan, naging kami. Masaya kami at talagang naramdaman ko na mahal niya ako. Ngunit isang araw, may isang babae na pumasok sa mundo niya. Naging magulo na yung relasyon namin, naghiwalay kami at pinili niya yung babae. Pagtapos ng pag ibig ko na yun, mga ilang taon pa ako bago nakipagrelasyon ulit iha at yun na ang akin asawa."
"Oh so may cheater na pala noon? That's hurt tho. Grabe pala yung heartbreak mo yaya. Pero mabuti nalang because you found your true love! Si tito na mapagmahal and mabait pa. Naku yaya, I want someone like tito too. Where can I find him?" Nag iisip kong sabi. Definitely not Zander, he's arrogant and bully. Ts.
Mahaba- haba pa yung kwentuhan namin ni yaya kaya umabot na kami ng dinner. Naligo na dn ako, and now I'm working with my homeworks.
After doing my homeworks, I opened my social media accounts to entertain myself. Browsing ig and fb feed lang until someone pop up on my screen.
"Hey!" The one and only Zander the bully.
Hindi ko pinansin yung message niya. Ayoko siya kausapin, ano naman sasabhin ko sa knya? I don't have feelings for him. Yung flutter na nafeel ko noon, it was just because it's my first time na may guy na nakalapit sakin ng ganun. Tapos he did a backhug! So, tell me, who would not be fluttered ha? So I guess I'm not the only one kaya wala akong feelings sa kanya.
Must better talaga na hindi ko siya pansinin.
"Hey, why are you not replying? You busy?" Again.
Ts. Bahala ka sa buhay mo.
I didn't replyed back. Ayoko sayo.
I watched movies and vlogs hanggang sa makatulog ako.
It's Sunday. I woke up early to prepare for mass. Maaga kasi yung mass namin and we have a famliy bonding din since nakauwi na sina mom and dad kaninang midnight. They visited me here and nakinuod na dn sila ng movie bago sila natulog.
"Good morning parents." I greeted them with a kiss.
"Good morning my Princess." Both Dad and mom.
"What's our breakfast po?" I ask yaya. And there, our breakfast was only simple Filipino food but siempre masarap kase it was made with love and care of yaya tapos kasama pa parents na kumain.
After breakfast pumunta na agad kami sa simbahan and during mass, i was shocked because I saw Zander in front of us. I think, he's also with his family.
Same church? Why Zander is here? Hindi ko naman sila nakikita dito dati, baka first time here? Oh no, dapat di niya ako makita.
I was hiding on Mom's back pero pasimple din akong sumisilip. Sinuway ako ni Mom kaya wala akong choice kundi mag ayos ng tayo. Ang ginawa ko nalang, I didn't look sa kung nasaan man sila, sa pinakaharap or I should say sa Altar lang ako nakatingin.
I cannot stop myself for looking back kung nasaan siya kase I have this feeling na nakatingin siya sa akin. And dang! I was right. He's looking to me! And when he saw my eyes, he smiled and winked at me.
Huh? I blushed. What on earth was that ZANDER! I was screaming inside because Zander is flirting with me during the mass. Walang respeto talaga.
Nakakagigil siya pero at the same time I'm fluttered. Ambilis ng tibok ng puso ko.
Now my problem would be, how can I avoid him later? Ang tradition pa naman dito sa church is to greet everyone! Magkakamayan and batihan. Ano dapat kong iexcuse sa parents ko para hindi na makipaggreet.
Help me!!!