Lexie's Pov
Naglalakad ako patungo sa dean office transferee kasi ako kaya kailangan kong kunin ang schedule at ang room number ko.
Ng nakarating ako sa Dean office kumatok muna ako bago pumasok.
" You must be Lexie Alcantara?"
"Ahm Y-yes po"
"Here's your schedule and your room number, you can go now"
"Ah,sige po salamat"
Tumango lang siya, sungit naman non hmmp. Habang naglalalad ako tinignan ko ang papel na binigay sakin ni ma'am Dette Room 013, 13th floor ang grabe naman ang layo. May nakita akong Elevator kaya sumakay ako doon, may dalawang nakasakay kaya tinignan nila ako ng may pagtataka, tinanong ako ng isa sakanila.
"Ikaw ba yung transferee?"
Tumango lang ako, nagkatinginan ang dalawa na para bang kinakabahan.
"May problema ba?"-Ako
"W-wala naman Machi nga pala, ito naman si mochi"-Machi
Turo niya sa isa pang babae ngumiti ako at nagpakilala.
"Lexie, Room 013 din ba kayo?"-Ako
"Oo, oh andito na pala tayo, tara na"- Mochi
Lumabas kami at nagtungo sa Room 013, bakit parang tahimik? Tumingin ako sa paligid pero isang room lang ang nandito.
" Wag ka na magtaka bat itong room lang natin ang meron dito, kwekwento namin sayo mamaya"-Machi
Ngumiti lang ako at tumango, pumasok kami sa room at kaya nakuha namin ang attention nila Katulad ng reaction nila machi kanina nagulat din sila na tila bang kinakabahan pero kalaunan ay ngumiti lamang ang iba.
"Hi Ikaw yung transferee hindi ba? Ako nga pala si Zendrix Ang presidente" -Zendrix
Ngumiti ako sakaniya at nagpakilala rin.
"Lexie Alcantara"
"Yun pala sila Zeke V-Pres ng room"- drix
Turo niya sa lalaking naka Earphone parang walang pake sa paligid ang lalaking iyon di man lang ako sinulyapan.
" Iyon naman si Yesha ang secretary, saka si Khzaele ang Treasurer, saka si Ciera ang Muse at si Zayron naman nag kanyang escort "-drix
Ngumiti na lang ako tumango tango, umupo na ako sa upuan na bakante at katabi ko naman sa kanan si Machi at sa kaliwa naman yung V-pres yung zeke pa yun ah basta.
Dumating si Ma'am Kinsley tulad kanina nagpakilala ako. Nagsimula na siyang Magturo.
Lunch na kaya niyaya ako nina Machi kumain, lumabas kaming lahat at sama samang naglalakad, masayang nag kwe-kwentuhan.
Habang naglalakad kami maraming Studyante ang humahanga at napapatingin sa amin hindi ko alam kung bakit, ang raming tanong sa isip ko na hindi ko alam ang sagot.
Nakarating kami sa cafeteria may isang mahabang lamesa at nakapalibot ang mga upuan naglakad sila patungo doon sumunod na lamang ako bali 26 ang nandirito ibig sabihin 26 kami lahat na meron sa Room 013.
Pagkatapos namin kumain, napagpasiyahan kong pumunta sa garden sumama naman sakin sina Machi, Mochi at Aishy.
" Ang raming mga tanong na nasa isip ko, pwede niyo bang sagutin lahat ito?"
Tumango lamang sila, kaya nagsimula na akong magtanong.
"Bakit tayo lang ang nasa 13th floor?"
"Dahil kilala ang section natin na magaling sa larangan ng sport, academic, at galing tayo sa mayamang pamilya, Lucky section ang tawag satin, kaya tayo lang ang nasa 13th floor dahil na nga sa mga kakayanan natin"-Machi
"Bakit parang nagulat kayo sa pagdating ko kanina?"
"Dahil ngayon lamang na kami nakatanggap ng bagong kaklase maliban kay Zeke kasi tulad mo isa din siyang transferee pero last year pa. 24 lang kaming Lucky section simula nong una pa, noong dumayingsi Zeke mas lalo kaming hinangaan mas sikat nga lang siya. Kaya nagulat kami ng sinabing may bago kaming kaklase."-Mochi
"Bakit ganon ang tingin satin ng ibang studyante?"
"Hinahangaan tayo ng lahat dito, Lahat ng kabilang sa Lucky section nirerespeto, maraming naiingit sa atin, marami ding gustong mapabilang sa section na ito, ngunit pili lamang."-Aishy
Marami pa akong tanong ngunit, sa isip ko na lamang ito.
" Wala ka ng tanong? Tara na at bumalik"-Mochi
Tumayo na kami at bumalik sa room 013.
Natapos ang ang araw na puro aral ang nang-yare. Uwian na kaya nagpa-alam na kami sa isa't-isa.
"Maam Lexie nandito na pala kayo, may pupuntahan pa po ba kayo?"
"Wag mo na akong tawaging Maam tatay Lindo, punta po tayong Milktea store hehe"
"Sige Iha,"
Nakarating kami agad sa Milktea, Pumasok ako sa loob at halos mapuno na ito sa sobrang dami ng customers, buti na lang kilala ako dito kaya di nahirapang umorder, ang problema nga lang walang mauupuan, naghahanap ako ng mauupuan ko ng nakita ko ang lalaking nakatalikod at mag-isang nakaupo, kaya naglakas loob akong pumunta doon at nagtanong.
"Mister can i sit here?'-Tumango lang siya kaya agad akong umupo, tumingin ako sakanya ganon na lang ang pagkagulat ko ng nakilala ko kong sino ang lalaking nakaupo sa harap ko ngayon, Si Zeke Maximo ang V-President ng Lucky Section.
"Staring is rude Hexie"- Umiwas ako ng tingin sakaniya pero ano daw Hexie? Kailan pa naging H yung L sa lexie ko.
" Fyi mister Maximo, Lexie name ko hindi Hexie"
"Whatever"-Pagkasabi niya non tumayo na agad siya dahil tinawag ang pangalan niya, lumabas na din agad siya pagkatapos makuha ang order niya.
" Napakasungit naman ng lalaking 'yun"- Tumayo na rin ako dahil tinawag na ang pangalan ko, umuwi agad kami ni manong pagdating ko sa bahay umakyat agad ako sa kwarto para magbihis.
"Nakakapagod naman 'tong araw na "to, makatulog na nga"-Humiga agad ako sa kama at natulog.
---
Enjoy reading
//typo grammatical errors ahead//
BINABASA MO ANG
Room 013: The 13th floor |✓ [UNDER EDITING]
HorrorCompleted. Isang sekretong kinakatakutan ng lahat, Sekretong iniingatan. Sekretong magdadala ng kapahamakan, Magtitiwala ka pa kaya, kapag nalaman mong isa sa inyo ang may gawa? In this class, betrayal is just a game. Don't trust anyone. Sarili mo...