Lexie's Pov
Naghanda na ako para pumasok sa school. Btw plain Long sleeves na white blouse, at Black na palda, na hanggang tuhod, yung uniform namin with long white sack, then necktie na red. While boys is White polo with black khaki.
"Hi sweety, Breakfast first"
I kissed my mom and dad cheeks and great them good morning.
"So how's your first day in your new school?"- dad
"Its fine"
Pagkatapos ko kumain, nagpaalam na ako sakanila at nagpahatid kay tay lindo.
Pagkarating ko school,maraming bumati sakin na mga studyante, nginitian ko na lang sila.
"Good Morning dyosang Lexie"
Humarap ako sa likod ko ng narinig ko yung boses na yun. Nakita ko sa likod ko sina, Zyrus yung bakla naming kaklase kasama, si Chelsea at Chezka.
"Good morning din sa inyo"
"Tara na sabay na tayo umakyat sa room natin"- Chelsea
"Gora"- Zyrus
Sabi niya Zy na lang daw tawag sakaniya para magmukhang babae, Ayaw niya patawag ng zyrus, dahil di daw bagay sa dyosang tulad niya, natawa nalang ako tuwing naalala ko yun.
Pagkarating namin sa room, naabutan namin silang kanya-kanya nag-uusap. Nagtungo na lang ako sa upuan ko, at nakipagusap kay machi na nasa tabi ko, andito na pala tong masungit na to.
Napatigil kami sa pagkwe-kwentuhan ng nakarinig kami ng boses na nakapagpataas ng balahibo samin.
" Handa na ba kayo, Star section"
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot ng marinig ko yung mga salitang yun.
"Magsisimula na siya"
"Natatakot ako sa maari niyang gawin"
"Dahil sakaniya Mauulit ang nakaraan, Mas malala hindi na natin siya kilala"
"Ayoko pang mamatay"
Yan lamang ang naririnig ko, anong ibig nilang sabihin? anong nakaraan?, anong mauulit?,
"Magandang umaga star section hahaha, Oh bakit takot na takot kayo hahaha, Maglalaro lang naman tayo."
pagkatapos ng sinabi niyang iyon nakarinig kami ng malakas na sigaw.
"KYAAAAAHHHH!!!"
Si cossiana bigla na lang tumagos sa pader ng room namin, hahabulin sana siya ni zake, pero nauntog lang siya sa pader, paano nangyare yun?, anong nangyayare?.
Cossiana's Pov
Nagsisimula na siya, Ayoko ko pang mamatay, Dahil sa Lexie na yan bumalilk siya, Mauulit ang nakaraan, walang ibang isisihin kundi siya, Bakit ba siya Lumipat.
Habang nakikinig kami sa babaeng nagsasalita sa speaker, nanginginig na rin ako sa takot ng may biglang malakas na hangin papunta sakin kaya napasigaw ako.
"KYAAAAAHHHHHHH!!!!"
Bigla ma lang ako tumagos sa pader nakita ko pang hinabol ako ni zake pero, di niyanako naabutan.
"M-maawa ka wag mo kong patayin"
Pagmamakaawa ko si killer, na alam kong di niya susundin, Tinali ako ng mga lalaking naka all black. Teka may lamay ba? Aish Siana, nasa panganib ka na sa lahat-lahat puro ka pa rin kalokohan.
"Star section, nakikita niyo ba tong babaeng to, nakikita niyo ba ang mga kutselyong nasa harap niya?, yan ang papatay sakaniya Kapag hindi niyo nasagot ang tanong na ibibigay ko."
"G-guys p-please, tulungan niyo ako, ayoko pang mamatay."
"Wag kang mag-alala siana, gagawin namin lahat ng makakaya namin"- Zayron
"Hahaha ito na ang tanong, Sasagutan niyo lamang sa isang minuto ang tanong na ito, dapat niyong masagutan ng tama, kung hindi say bye bye"
"S-sino ka ba bat mo g-ginagawan sa amin to?"-Ciera
"Secret,wag ng maraming tanong, Sagutin niyo na ang ibibigay ko, "What word in the English language does the following: the first two letters signify a male, the first three letters signify a female, the first four letters signify a great, while the entire world signifies a great woman. What is the word? " your timer start now"- Killer
Ang hirap ng tanong, pati ako nahihirapang sagutin, ito na siguro ang oras ko. Ma, Pa, sana'y mag-iingay kayo mahal na mahal ko po kayo, Paalam po.
Tinignan ko ang oras may 15 segundo pa sila mag-isip pero napakahirap ng tanong.
"5,4,3,2,1 tang tang hahaha"
Ngumiti na lang ako sakanila at naramdaman ko ang mga kutselyong nakatusok sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko, ngunit bago ako tamaan ng mga kutselyo narinig ko ang sigaw ni Lexie marahil yun ang sagot, ngunit huli na siya, Naramdaman kong may kutselyong tumama sa dibdib at noo ko na sanhid ng pagkamatay ko.
"HEROINE"
-----
Enjoy reading
//Errors Ahead//
BINABASA MO ANG
Room 013: The 13th floor |✓ [UNDER EDITING]
HorrorCompleted. Isang sekretong kinakatakutan ng lahat, Sekretong iniingatan. Sekretong magdadala ng kapahamakan, Magtitiwala ka pa kaya, kapag nalaman mong isa sa inyo ang may gawa? In this class, betrayal is just a game. Don't trust anyone. Sarili mo...