2 - Birthday Gift

34 7 5
                                    

A L L I A H


Puta, shet.


Absent si Camille wala akong kokopyahan mamaya sa quiz mga boplaks pa naman 'tong mga classmate ko, mga walang pinagaralan sa buhay. Kailangan kong mag-review, kaya mo 'to Alli. Ngayong araw lang 'to, birthday ni Camille kaya absent siya.


Nagreview ako last 5 minutes bago dumating ang Prof. namin, pinipilit kong ipasok lahat ng information sa utak ko pero malabong maalala ko pa sila mamaya. Bahala na, quiz lang naman 'to. Nagququiz naman kami nung high school and di ako nagrereview pero pumapasa parin ako.


Dumating na ang Prof. namin na may dalang mga papel na sa tingin ko ay ang quiz namin, sinulit ko na ang oras at nagreview ako for the last time. Kailangan natin magmukhang competitive para hindi isipin na kahit wala si Camille ay kaya ko ang maging mag-isa.


"Keep everything that's on your desk except for your ballpens and put your bags below the backseat of the chair in front of you." Putangina ano daw? Alam kong science ang tinuturo mo pero hindi naman po required na mag-english 'e, hindi naman kami lahat dito fluent sa english.


Ginaya ko nalang ang ginawa ng iba, nilagay lang nila yung bag nila sa baba ng upuan na nasa harap nila. Siguro ginaya 'din ng iba yung mga totoong nakaintindi ng sinabi ni Prof., mga bobo kasi kami talaga dito 'e.


"Your quiz will last for 30 minutes and finish or not, pass the paper. Ayaw kong makarinig ng 'Sir, wait lang po' manahimik kayo." Pinilit kong hindi matawa nang umarteng bata si Prof. nung sinabi niya ang 'wait lang po', muntanga kasi siya 'e. Mukha palang niya, joke na agad.


Dinistribute na ng mga nasa harap ang papel papunta sa likod at hanggang makarating sa dulo, pagkatapos kong i-abot ang mga papel ay tinignan ko ang quiz.


Putangina, ano 'to? Sasabog na ang utak ko sa mga nababasa kong questions na hindi ko ni-review, mga itsura lang kasi ng volcanoes at layers ng Earth ang naaalala ko. Putangina talaga, kailangan kong maghanap ng kokopyahan.


"Huy, ano yung bonus?" Narinig ko ang isa na bumulong, tinignan ko si Prof. at nakatingin na siya sa gawi nung bumulong. Lagot ka ngayon, boy.


"Out. Of. This. Room." Binanggit talaga yan ni Prof. ng isa-isa at intense siya pakinggan, mukhang wala akong makokopyahan ah. Matatakot na sila bumuka ng bibig. Lumabas na ang classmate ko at nakita ko siyang nag-mouthing. Tinanong niya sa isa sa matalino kong classmate kung ano sagot doon sa bonus. Walang sinabi ang classmate ko kundi ang hand gesture na pang-Japanese at ibig sabihin 'ata ay hello.


Binasa ko ang question sa bonus. "Earth is the only planet named after a blank." Inisip ko kung anong kinalaman nung hand gesture niya kanina; kung ang hand gesture na 'yon ay hello sa Japanese, ibig sabihin Earth is the only planet named after a Japanese?


Tama siguro yung conclusions ko.


Bahala na, yun ang naisip kong sagot. Sinulat ko na ang naisip kong sagot sa bonus at nagpatuloy sa pag-iisip ng sagot sa ibang questions.


Natapos ang 30 minutes, nasagot ko lahat ng questions na puro hula. May tanong pa nga 'don kung sino daw founder ng Continental Drift theory, Fast & Furious Team sagot ko.


Boyfriend For A WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon