1 - Crumpled Paper

49 7 0
                                    

C A M I L L E


Malabo.


Palingon-lingon ang mata ko sa mga classmate kong tulala, nagdadaldalan, tulog, gumagawa ng kababalaghan, nagsusulat, nagdadrawing, kumakanta mag-isa, nag-ooverthink, gutom, at ang kaibigan kong gusto ng umuwi.


"Sana wala tayong quiz, sabog na sabog na ko mula kanina. 'Di ko na kaya Dave."


"Wag kang mag-alala 'di ka pababayaan ni Dave, ipapaubaya na kita sakanya." Nagsimula na kami magdaldalan ng pabulong, kapag tahimik naman sa papel kami nag-uusap para sulat lang ng lapis ang naririnig.


Pinalipas namin ang oras sa daldalan, pinag-usapan namin ang mga classmate namin, pati mga Prof., mga staffs ng university namin, pati ng mga ibang estudyanteng kilala namin sa campus.


Pagkatapos ng ilang oras, lumabas na ang Prof. namin at ang iba samin nag-silabasan para bumili ng pagkain sa cafeteria, umihi, o mag-ikot. Inaya ko si Alli lumabas para bumili ng pagkain, pumayag siya at lumabas na kami sa room.


It's so crowded, halo-halong tao. We look like sardines, nagsisiksikan sa small-spaced hallway namin. Hawak ko lang ang braso ni Alli habang dumadaan sa crowd na maingay.


Nakarating na kami sa cafeteria, palagi akong nalulula sa ilaw ng mga shops dito sa canteen. Napakaliwanag, wala namang bumibili sa mga paninda nila.



Tinungo namin ni Alli ang favorite naming kainan; shawarma. Ito ang palagi naming binibili kapag nagugutom kami, shawarma is for life.


We sat for a while, nagpapahinga habang kumakain.



Nag-usap nanaman kami about random topics na nakwento na namin before sa isa't-isa, pero nag-eenjoy parin naman kami kahit paulit-ulit.


Hindi na namin napansin ang oras, nagkatinginan nalang kami ng maalala naming may quiz and activity pala kami sa science today na hindi namin pwedeng ma-miss.



We ran upstairs as fast as we can, nakarating na kami sa floor namin until may mabangga ako.


Muntik na akong mahulog sa hagdanan, my reflexes work at the right time. Nakahawak ako ngayon sa railing ng hagdanan, tinignan ko si Alli na basa dahil sa kapeng natapon na hawak ng lalaking nabangga ko.


"Late?"


Tinignan ko siya, nagulat ako ng malaman kong siya si Dave. Pamangkin ng may-ari ng school, hearthhrob, basketball player, at crush ng bestfriend ko.


Wala kaming masagot sa sinabi niya, typical students lang kami na takot sa mga kamag-anak ng may-ari ng school. An uncanny situation.


"It's okay, I can buy a new one. I'm sorry, my coffee spilled." Banggit ni Dave saming dalawa, akala namin magagalit siya just like what a rich kid would do. We were wrong about him, what happened here will make Alli's feelings go deeper.


"So, nice meeting you both! By the way, your ponytail looks cute," may pa-chuckle pa si Dave nung sinabi niyang cute ang ponytail ni Alli.


Tinignan ko ang malawak na ngiti ni Alli noong dumaan si Dave sa gitna namin at bumaba, hindi na niya prinoblema ang uniform niyang marumi dahil nakita na niya si Dave. I won't be surprised kapag sinabi niyang hindi na niya ipapalaba ang uniform na soot niya at i-tetreasure niya nalang ito.



Boyfriend For A WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon