15 - Worthy Patience

3 0 0
                                    

T H O M A S   B A I L E Y


"Baste! Laro tayo!" Hindi ko parin pinapansin sila Quinnzelle sa labas kahit na tinatawag na nila ako para maglaro, ayaw kong makipaglaro sakanila kasi si Camille lang ang gusto kong kalaro.


"Hindi kita naririnig!" Sigaw ko para malaman niyang hindi ko siya naririnig, ilang araw na nila akong tinatawag pero hindi ko sila pinapansin.


"'Oy, tinatawag ka ng mga kaibigan mo sa labas oh. Bakit hindi mo sila samahan maglaro?" Lumingon ako kay papa na may ginagawa, umiling ako at tumingin ulit sa mga bagay kasi wala rin akong magawa.


Babalik rin naman ako sa Tondo, sabi ni mama saglit lang daw kami dito at babalik din kami sa bahay namin kasi may aasikasuhin lang daw sila dito.


Maghihintay nalang ako hanggang sa makauwi na kami sa Tondo, nag-promise pa naman ako kay Camille na siya lang ang dapat ang bestfriend na kalaro ko; hindi ko lang alam kung narinig niya yung promise ko kasi naglalaro siya 'non eh.


Nag-drawing nalang ako sa papel dahil wala akong magawa, nagsulat din ako ng mga letters para sa sarili ko dahil baka mabasa ko ang mga ito paglaki ko.


"Anak, kain na!" Tinawag ako ni mama mula sa kwarto, kakatapos ko palang sa mga sulat na ginawa ko ay hapunan na agad. Pumunta na ako sa hapagkainan at naroon narin sila papa at mga iba naming kasama sa bahay, ang saya kumain pag kumpleto ang pamilya.


"Apo, dasal muna tayo." Tumango ako sa sinabi ni lola kaya tumigil muna ang lahat sa pagkuha ng pagkain, nagsimula na akong magdasal.


Natapos na akong magdasal at dinilat ko na ang mga mata ko, nagulat ako dahil unahan sila sa pagkuha ng pagkain.


"Masama po iyan, kasalanan po ang gluttony." Hindi nila pinansin ang sinabi ko at tinuloy nila ang paunahang makakuha ng pagkain.


Natapos ang lahat na kumain ng pagkain at nakakuha narin ako ng saakin, nagsimula na akong kumain at tumahimik nalang.


Pumunta na ako sa kwarto kasi nakakaramdam na ako ng antok, pinag-toothbrush muna ako ni mama bago ako matulog. Pagkatapos ko ay dumeretso na ulit ako sa kwarto at humiga.


~ ~ ~


Nagising ako sa mga tumitilaok na manok, kinusot ko ang mga mata ko at bumaba sa kama. 


Binuksan ko ang pinto at naabutan silang nag-aalmusal na pala, "Oh Baste, gising ka na pala. Mag-mumog ka muna bago ka kumain, nilutuan ka pala namin ng paborito mong nuggets." Natuwa ako sa sinabi ni mama kaya kumaripas agad ako papunta sa lababo.

Boyfriend For A WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon