5 - Spark

18 4 0
                                    

C A M I L L E


"Tulungan na nga kita diyan." Kinuha ko ang papel ni Alli para sagutan ang assignment niya sa General Mathematics, mukhang hirap na hirap na siya 'e. Kawawa naman siya, malapit naman na mag-time 'tas Gen. Math na.


"'Oy gaga ka, thank you sa tulong 'ha kahit wala ako masyado dulot sa life mo." Napangiti ako sa sinabi ni Alli, kahit na hindi naman niya ako natutulungan academically, nagagawa naman niya akong pasayahin pag kailangan kong tumawa dahil minsan naiistress nadin ako sa schoolworks.


Nagsimula na ang klase at naka-perfect si Alli sa assignment kahit na ako ang nag-sagot sa papel niya, "Excellent Concepcion, naka-perfect ka. Si Villanueva ba sumagot diyan?" Nagulat ako sa sinabi ni Prof. at inaabangan niya 'ata na isa saamin ang magsalita, "Tinulungan ko po si Alliah."


Nakahinga kami ng maluwag ng hindi na ulit kami ang atensyon ni Prof., nag-assign si Prof. ng 4 groups at gagawa daw kami ng Math Bingo para sa friday.


After ng isa pang class ay recess na namin, naiwan lang ako sa room para mag-aral ng lesson namin sa next subject at bibilhan nalang daw ako ni Alli ng champorado sa cafeteria. 


Hindi kasi namin kayang bumili ng shawarma, kulang ang pera namin para bumili ng shawarma kaya minsan pinagsasama namin ni Ally ang mga natirang pera namin sa loob ng dalawang linggo para makakain kami ng shawarma.


Kakatapos ko lang basahin ang isang page at dumating na si Alli dito sa room, dala niya ang champorado naming dalawa. Nagsimula na kamin kumain at kasabay 'non ay tinuturuan ko si Alli doon sa lesson namin.


Natapos ang recess at nagkaroon kami ng seatwork sa class namin ngayon, nagsulat nalang ako ng notes habang nagdidiscuss ang teacher para naitatatak ko ng maayos ang mga inaral ko kanina at mga additional lectures ng Prof. sa utak ko.


"Mga paraan ng—" Kanina ko pa naririnig na bumubulong si Alli sa sarili niya, nagrereview 'ata. Sinulat ko sa papel ang gusto kong sabihin sakanya at patago ko itong iniabot, nagsulat naman siya sa papel na kanyang reply. Kinuha ko ang papel mula sakanya at binasa ito.


gaga ano yan hindi ko maintindihan


Nahirapan akong basahin ang sinabi niya dahil naka-calligraphy pa, binasa ko yung gusto kong sabihin sakanya at hindi ko rin maintindihan dahil nasusulat ko yung sinasabi ng Prof. namin. Sinulat ko ulit ito at ibinigay kay Alli, binalik niya saakin ang papel na may nakaguhit na 'like' emoticon.


"Concepcion, stand up." Napatingin ako kay Alli ng tawagin siya ni Prof., mukhang gustong patunayan ni Prof. sa sarili niya na walang alam si Alli. Hindi siya magaling sa academics pero matalino siya sa ibang bagay na hindi ko kayang gawin ng tama, buti nag-review siya para incase na magtanong si Prof. ay may maisasagot siya.


Nagtanong nga si Prof. at inexplain ito lahat ni Alli ng maayos, walang nasabi si Prof. Santiago at pinaupo na si Ally. Ngumisi si Ally at 'saka pinakyu si Prof. habang nakatalikod, nagtawanan ang iba naming mga classmate. Buti nga walang bida-bida dito samin, mga Prof. lang.

Boyfriend For A WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon