6 - Friday Night Party

13 2 0
                                    

A L L I A H


Aray ko, putangina.


Maganda na sana gising ko kaso nahulog ako sa kama 'e, nagulat ako ng makita ko ang liwanag galing sa araw. Putcha, bakit hindi ako nagising ng alarm ko?!


Kinuha ko ang cellphone ko at thursday pala ngayong araw, walang pasok; kaya pala wala akong alarm na narinig. Nag-stretch muna ako ng likod at saka binuksan ang bintana, ang sarap ng pagbati ng hangin! Malakas pero polluted, tanginang yan.


"Putangina walang pasok!" Sigaw ko mula sa bintana, wala naman makakarinig sakin dahil wala si mama at busy ang mga taong nagchichismisan; kasama na doon si mama. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at si mama ang nakita ko, confused ang reaction niya. "Gagi kang bata ka nagmumura ka na?"


Nakapameywang niya akong pinagsasabihan, "Ma, sa video yun. Ito oh." Hinarap ko sakanya ang cellphone ko pero nagulat ako nung ma-low battery ito, putangina nakalimutan kong i-charge kagabi pero okay lang atleast makakatakas ako sa sitwasyong ito.


"Makarinig pa ako ng mura sayo ah, sapakin kita dyan 'e. Makikita mo talaga, lumabas ka na at mag-almusal." Sinarado ni mama ang pintuan at chinarge ko muna ang phone ko bago lumabas at ayusin ang sarili ko sa banyo.


Nakapako na ang sarili ko sa kama dahil wala naman akong ibang gagawin, palamunin lang talaga ang role ko dito sa bahay. Nag-scoscroll lang ako sa facebook at madalas kong makita ang status ng mga taga-University yung about sa party bukas, kesyo nagpeprepare daw talaga sila ng todo para sa party.


Napaisip tuloy ako kung anong susuotin ko bukas sa party, pumunta ako sa cabinet ko at tinignan ko ang mga damit na nakasabit at nakatupi. Nag-isip ako ng pwede kong isuot, putangina hindi gumagana utak ko.


Nagsearch ako sa cellphone ng mga pwedeng party outfits na pasok saakin at mayroon ako ng mga ito, scroll lang ako ng scroll hanggang sa mahanap ko na ang The One. Nagustuhan ko din ang buhok nung babae kaya gagawin ko rin 'yon bukas.


Hapon na and amboring amputa, gusto ko gumala pero wala akong pera; magugutom lang ako kapag gumala ako ng walang pera. Naisip kong i-chat si Camille, hindi naman kasi nag-chachat yun 'e. Minsan lang niya ako i-chat kapag may tanong siya pero most of the time ako lagi nag-fifirst move, busy kasi yung nag-aaral everyday.


Hoy gaga ka 


Busy ka nanaman nagaaral 


Napaka studious mo


Nag-antay pa ako ng ilang mga minuto bago siya mag-reply, nag-aaral siguro 'to. Wag ko na ngang istorbohin pag nag-reply ng sagot, baka mamaya mag-cellphone na siya ng tuluyan.


Araw araw naman akong nagaaral ah


Odisige magaral ka lang dyan


E ikaw anong ginagawa mo


May pinipindot lang ako tas nagvivibrate


Ahh


Tangina magaral ka na nga mukhang nakaistorbo pa ako e


Boyfriend For A WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon